11- Plan

13 2 0
                                    

Lunes na ngayon pero di muna ako pumasok. Ayaw ko muna makita muka ni Axel, antayin ko na lang na pumasok si Asher tutal nakapag transfer naman na sya. Hindi ko pa nga pala nasasabi kay Jen about dun sa plano ko at hindi ko pa rin naipapakilala si Asher sa kanya. Papayag kaya sya dito sa plano kong to? o tututulan nya aako?  hayy nako bahala na si batman.

"Uyy tulala ka na naman may problema ka ba?" sabay upo sa tabi ko.

"Wala naman iniisip ko lang kung pano ko sasabihin kay Jen yung plano ko at kung anong magiging reaksyon nya" bigla namang nag-taas ng kilay si Asher. Hay oo nga pala hindi ko pa naipakilala or nabangit man lang si Jen kay Asher.

 "Si Jen ang bestfriend ko" at tumango naman sya.

"Wag mo munag isipin yan punta muna tayong mall bili tayo ng school supplies ko" sabay hila nya sakin.

"Ehh? tinatamad ako lumabas, ikaw na lang kaya" sabay umupo ko ulit sa sofa. 

"Sige na please." pag-pupumilit nya sakin

"Ikaw na lang Asher tinatamad talaga ako. Gusto ko lang humiga buong araw"

"Ayaw mo talaga?" umiling naman ako sa kanya

"Kahit punitin ko lahat ng poster mo ng Bigbang, lalong-lalo na yung kay Taeyang-"

 Sabi ko nga sasama ako. Ohh ano na? kala ko ba pupunta tayong mall tara na alis na tayo baka mamaya marami ng tao" tinawanan naman nya ako.

"Sure ka? pupunta tayong mall di ka pa naliligo?" tas tinawanan nya ulit ako.

"Oo na maliligo na ko" sabay akyat ko sa kwarto at naligo.

Pagkatapos ko pagbihis bumaba na ako. Nadtanan ko si Asher na may kausap sa phone nya.

"Sige na po kaylangan na po naming umalis. Bye.... love you too." he said

"Sino yun?" tanong ko

"Ahhh si mama at papa na nganga-musta lang. So lets go?" tumango naman ako.

Nakarating na kaming mall at dumeretso kami sa national bookstore. Habang namimili sya ng kaylangan sa school ako naman naniningin ng mga libro na pwede kong basahin. im scaaning through the bookshelves when I bumped into someone.

"Ohh sorry" sabi ko

"Sam?" Alam ko yung boses na yun kay...

"Jen? hindi ba dapat nasa school ka ngayon? bat ka nandito?" tanong ko

"Ahhh wala kasi yung mga teachers may important meeting daw kaya pina-uwi na kami tutal wala din naman kaming gagawin" ah kaya pala

"Bibili ka rin ba ng libro?" tanong nya

"Naniningin lang di ko alam kung bibili ako pag isipan ko muna" sabi ko may mga libro pa kasi ako sa bahay na hindi ko pa nababasa kaya pag-isipan ko muna.

"Mag-isa ka lang ba? o kasama mo pinsan mo?" 

"Kasama ko pinsan ko bumibli sya ng kaylangan nya sa school tara ipakilala kita" sabay hila ko sa kanya at hinanap namin si Asher.

Nung nakita namin sya tinawag ko sya agad at lumapit kami si kanya.

"Jen ito si Asher pinsan ko, Asher sya si Jen bestfriend ko" nilahad ni Asher ang kamay nya at nag-shakehands silang dalawa. Tas bigla kong naalala yung plano.

"Ahh Asher mag-kita na lang tayo sa labas pag tapos ka na kaylangan ko lang kausapin Jen"

"Sige sige" tas umalis na kami.

Pagkalabas namin sa national bookstore pumunta muna kami sa may pinakamalapit na  pwedeng maupuan.

"Ano ba yung sasabihin mo sakin?" curious nyang tanong.

Pag-ibig nga naman [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon