Friends

32 1 0
                                    

Author's note

This story will be written on my native language. Well I just want to offer this piece for my fellow Filipinos reading my stories.

Camren

Lauren's POV

Huminga ako ng malalim at kinuha ang brush na nagbibigay kulay sa blangkong canvas na naging daan upang maipinta ang isang babaeng nagmumukhang kandila dahil sa palaging pagbibigay ilaw at kasiyahan sa taong minamahal niya na kahit kailanman hindi masusuklian  na nagdulot ng pagunti unti nitong pagtupok kagaya ng kandila. Sapagkat kahit ano mang gawin nauubos rin ito at nawawalan ng ilaw.

Mahal ko siya hindi niya ako mahal. Paulit-ulit na kwento galing sa iba't ibang tao. Ngunit ang hindi nila maintindihan bakit kahit ang sakit sakit na nandito paren kami nagpapakatanga para lang sa taong minamahal. Kahit na paulit-ulit na lumuluha, nasasaktan, at nauubosan ng pag-asa na balang araw mahal niya na rin ako. Ang pinaka aasam na araw kung saan mamahalin ko siya ng todo na nararapat lang para sa kaniya. Ngunit hindi, hindi niya ako mahal at kaibigan lang ang kaniyang maiibigay. Wala akong magawa kundi manlumo sa sarili bakit ang taong nagmamahal ng todo hindi minamahal hinihintay pa na ang puso'y maging bato at tuluyan ng mawala ang liwanag ng pagmamahal.

Sana naman kinabukasan ako naman ang mahal niya, sana kinabukasan hindi na lang ako yung kaibigan niyang nagpapakatangang nagmamahal sa kaniya, at sana kinabukasan may pag-asa na rin ako. Napangiti ako sa imahe at iniisip na pakiramdam na nasusukliang pagmamahal. Ngiti na nagtungo sa mga luhang unti unting pumapatak sa napapagod na mga mata. Isa lang naman ang hiling ko na kahit hindi ako ang minamahal niya ay maging masaya sana siya yun lang, ikakasaya ko na rin iyon kahit lubusan na nasasaktan.

Binaba ko na ang brush at nagtungo sa lababo at tinanggal ang mga pinturang kumalat sa aking mga kamay. Masaya ilabas ang mga nararamdaman gamit ang pagpinta yan ang tinuro sa akin ng aking ina. Pagkatapos linisin ang aking sarili nagtungo narin ako sa aking higaan at nagsimula na makipagtalo sa aking isipan na kinakain ako sa bawat pagtulog na isinasagawa. At sa paglaban nito ay nauwi sa kawalan na bumalot sa aking katawan na tinatawag na pagtulog.

-

Nagising ako sa lakas ng pagpukpok sa aking pintuan ng hindi kilalang tao.

"Teka lang!" Pagpupumilit kong pagtayo sa kamang nagbibigay init sa aking katawan. Ngunit bigla ako nanlumo sa mga hikbi ng dulot  ng pagiyak  ang nagsimulang umibabaw sa aking mga tenga. Ito nanaman tayo masasaktan nanaman ako.

"Camz bakit ka nasa labas ng apartment ko ng ganitong oras?" Tinanong ko ang aking kaibigan na tila ba nahihirapan sa pagsasalita dulot ng pagiyak. Dalawa lang naman ang kakahantungan nito una ang mga magulang niya na palaging nagdedesisyon sa kaniyang buhay o ang lalaking palaging pinapaiyak siya at siya namang minamahal niya ng todo.


"Si Matthew n-a-kita ko siya nanaman na may kahalikan sa restaurant na palagi naming pinupuntahan. Wala na akong maisip  at mapuntahan pero na alala kita na nadiyan ka paren para sa akin at hinding hindi mo ako sasaktan." Pilit niyang kinwento habang inaalalayan ko siya sa aking kwarto. Galit ang umibabaw sa aking ngunit sa likod nito ay galak sapagkat sa wakas naramdaman niya nanaman ang sakit na araw araw ko kinakaharap. Panglulumo na lamang sa sarili ang natira na nagresulta sa konting mga luhang namumuo sa aking mga mata. Hindi ko akalain na tanga paren ako para sa kaniya.

"Ayusin mo muna ang sarili mo Camz at ako'y  maghahanda ng konting makakain sapagkat halata ko na hindi ka pa nakakain." May ngiti sa aking mga labi nagsimula na akong tumungo sa kusina at naghanda ng konting makakain para sa taong lubos kong minamahal. Naghanda narin ako ng mga panonoorin sapagkat hindi narin nabago ang gabing ito sa mga nakaraan. Hindi paren siya natuto, hindi paren nawala ang pagiging tanga niya sa taong ginagamit lang siya, at hindi paren siya nakakakita ng maayos na merong isang taong nagmamahal ng todo at nagpapakatanga rin para sa kaniya.

Mga yapak ng aking kaibigan ang nagpatigil sa aking pag-iisip. "Lolo salamat kahit ganito ako palagi nandiyan ka paren para sa akin. Siguro kapag wala ka mababaliw ako kasi ikaw na lang ang naniniwala sa akin. At ikaw na lang ang palaging nakikinig sa paulit-ulit kong hinaing." Mga salitang hindi narin nabago sa gabi gabing pagkawasak ng kaniyang puso.

"Okay lang yun Camz. Sobrang mahal kita hindi akong magsasawang alalayan ka sa araw araw mong pagkalungkot." Ito nanaman tayo sa pagmamahal kung alam mo lang ang kaya kong tiisin para lang mapatunayan ang labis kong pagmamahal ko para sa iyo siguro magugulat ka sa rami nito.

"Mahal rin kita Lolo sobrang saya ko sapagkat kahit sobrang sama na ng buhay sa akin binigyan niya paren ako ng isang kaibigan na katulad mo. Mahal rin kita." Sakit yan ang nararamdaman ko ngunit tinakpan ko na lamang ng ngiti. Kaibigan lang naman ako wala na akong kayang baguhin sa mga katagang iyon.

"So ano pang hinhintay mo kainin mo na ang mga pagkain na aking hinanda nakaready narin yung  panoorin natin sa laptop. Friends ang palagi nating pinapanood." Sinambit ko habang pinagmamasdan ko siyang kumain.

-

Nakahilata kami sa aking kama habang nanonood. Kahit na namumugto parin ang kaniyang mata dulot ng kaniyang pagiyak hindi paren nababawasan ang kagandahan na kaniyang taglay. Hindi ko na pinapansin ang aking pinapanood nakatutok na lang ako sa panunood ng aking pinakamamahal.

"Camz kung tayo na lang kaya hinding hindi kita sasaktan." Nabigkas ko na hindi namamalayan. Nawala yata ang lahat ng dugo sa aking katawan na mga katagang naibigkas.

Natigil sa panonood ang aking mahal at ngayon ay nakatitig na sa aking mga mata. "Nagbibiro ka ba Lolo, hahaha. Ikaw at ako? Hanggang magkaibigan lang tayo wala na akong maiibigay pa."

"Ahh.. Ganun ba." Hindi ko kinaya ang katotohanan at tumakbo sa aking silid at duon nanaman nagsimula ang aking pagluha.

Tok!...

Tok!...

Tok!...

"Mahal naman kita Lauren...... Pero hanggang kaibigan lang." Ang huling mga salita bago siya tuluyang nawala sa aking buhay.


Ang minamahal ko na hanggang kaibigan lang ang maiisukli sa puso kong gutom sa pagmamahal na higit pa ang inaasam. Ngunit ano ba ang maipipilit kung ang pagkatanga ko para sa kaniya ay hindi paren sapat.



Fifth harmony (One-Shots) Where stories live. Discover now