Take Two

9 0 0
                                    

Sa mundong ito, palala ng palala ang sakit ng mga tao. Pwera na lang kung sa anong gusto ng maraming kababaihan at kalalakihan, kahit ano gagawin nila. Kahit nakakasakit na... Okay lang! Sige lang! Go lang ng go! dahil masaya sila sa ginagawa nila.



Gusto mo ng sample?!



Katulad ng ama ko, Oo! Ang ama ko! Hindi lahat ng kabataan ngayon nabiyayaan ng mabuting ama. Yung iba, sa kanila pa matututo ang mga anak na maging manhid para sa iba.



Malala na ba ang mga sinabi ko?!



Aba! Oo naman. Dahil nababasa mo na ngayon.





Wala naman akong pinapahiwatig na kamalasan sa lahat. Nais ko lang e share kung ano meron ako.





Nag-mahal...



Ang saya ng mga panahon na may masasabi kang sayo pero alam mong wala kang pagmamay-ari. Napakasarap sabihing inaalagan ka niya pero pakitang tao lang pala. Syempre, pag-unang pagmamahalan, mabait yan, caring, loving, at sasabihing "mahal kita, wala ng iba" pero ginago ka! Tsk! Maraming mga bagay na naranasan mo ng gustong-gusto mong gawin na kasama siya habang buhay pero umaasa ka lang pala. 'Yang PERO talaga nakakabwesit eh no? Sarap ibalibag at itulak para mahulog hanggang rooftop! Tsk!










Nasaktan...




Lahat naman eh mararamdaman mo ito pag nagmahal ka. Kapalit ng kasiyahan mo ay kaakibat ng sakit mo sa puso. Hindi sakit na pwede operahan at hindi rin sakit na kailangan ng gamot medical. Kung meron lang, sana bumili na ako ng maraming medisina para sa lahat ng subok kong magmahal di ko na mararamdaman ang masaktan ng napakatagal. Siguro nga, mahiwaga ang pag-ibig pero dapat ba kailangan masaktan tayo ng paulit-ulit hanggang sa matagpuan mo ang taong para sayo? Nakakabubo eh! Bakit di nalang ibigay agad. Pinapatagal pa eh!








Nag-isa...




Ganun naman talaga ang nangyayari. Mag-isa ka na lang pagkatapos ng lahat. Marami ng bitterness ang nakadikit sa puso mo. Marami ng mga bagay na nakakatakot at mas malala pa sa ghost ang magmahal ulit. Natatakot ka na baka maulit na naman... Pero hanga ako sa mga taong kayang-kaya magmahal ulit at masaktan para lang maramdaman ang pagmamahal.





TANGA!!!





TAKE TWO ang tawag diyan.

Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon