"Hindi ka naman nasugatan, pero bakit ka nasaktan?"
"Please lang lubayan mo na ako! Hindi ka ba nahihiya?!" Tinabig nito ang babae na nakahawak sa kanyang braso.
"Bumalik ka na sakin Zed. Lahat ng sasabihin mo gagawin ko. Please Zed!" Naiiyak na sabi ng babae.
Haaysss. Ito na naman tayo! Araw-araw na lang palaging may eksenang ganito. Nakakasawa na! Wala na bang bago? 'Yung trip na kakaiba sa lahat? 'Yung mapapa-WOW ka na lang bigla?! Ganun! Wala! Kasi pare-pareho lang!
Napunta ata ang mga NAGMAHAL at NASAWI sa eskwelahang ito o sadyang may mga taong TANGA lang talaga!
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at tumungo na sa aking class room.
As usual, ganun pa rin! Nasa kolihiyo na kami pero mga asal hayop -este bata pa rin. Daldal dito, tsismisan doon, sigawan naman at kutyaan na akala mo ang gagaling sa recitation. Ang gagaling sa away, gulo at pagkakalat na animoy nakaka sagot sa Math! Aba'y ang babait ng mga estudyante sa school na ito. Bilib na talaga ako sa galing nila! Tsk!
Paupo na ako ng makita ko ang lalaki na aking kinaiinisan. Hindi naman ako kagandahan pero naiinis ako paglumalapit siya sakin.
"Good Morning Heart!" Nakangiting bati niya sakin. Ang lapad ng ngiti na kulang nalang mapunit ang mga labi.
"Ano ba ang GOOD sa MORNING ko kung ikaw ang makikita ko? at pwede ba Arvin, wag na wag mo akong tatawagin sa pangalan na yan." Inis kong sabi sa kanya habang inaayos ang gamit ko sa aking mesa.
"Sorry naman! Ang ganda naman kasi ng pangalan mo. Sige na! Payn!" Uhhhhg! Lalong pumangit ng bigkasin niya ito.
Tiningnan ko siya na nakataas ang isa kong kilay-- for short NAGTATARAY!
"Hindi FINE, PAIN PAIN! yan ang tamang pagbigkas." Umupo na ako at kinuha ang isang libro. Libro? Hindi libro sa eskwela kundi ang pamagat na "Ikaw lang ang mamahalin" tseh! Pocket wifi -este book ito. Hindi naman kasi ako matalino para magbasa ng tungkol sa mga subject namin.
"Okay Payn! May free time ka ba ma-"
"Busy ako!" Di ko na siya pinatapos dahil alam ko naman ang tanong niya. Ikaw ba naman na araw-arawin tanongin ng ganyan, di mo pa ba mamemorize yan?!
"Payn naman! Maraming araw na akong-"
"Please naman! Di ko mabasa ng maayos ito." Nguso ko sa pocket book na hawak ko. "Pwede bang mamaya ka nalang mag-alburoto?" Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagpatuloy na sa pagbabasa.
Naramdaman kong tumalikod na ito kaya napaangat ako ng ulo. Napapakamot ito at naglalakad na palayo patungo sa kanyang upuan.
Tsk! Kaimbyerna!
Si Arvin ang makulit at pasaway kong kaklase. Ilang buwan na itong ganito sa kanya. Mukha ba akong drugs? Para maging ganun siya ka high sa umaga? Parang adik! Ganun!
Naiinis ako sa mga lalaki kaya ayaw na ayaw kong madidikit sa kanila. Kahit nga sa sakayan kung lalaki naman ang makakatabi ko mas gugustuhin ko na lang maglakad kahit abutin pa ako ng isang oras okay lang basta hindi lang ako madikit sa mga gago!
BINABASA MO ANG
Take Two
General FictionNagmahal? nasaktan? NAG-ISA NA LANG! Single ka? Galit ka? Di ka naniniwala sa forever? Iniwan ka? Ipinagpalit ka? Ano pa? Ano pa ang kulang? Ka-imbyerna! Halika, magbasa ka!