Gwuenneth's pov
Pagdating ko sa bahay ay pumunta agad ako sa kwarto para ayusin yung mga pinamili kong school supply. Lahat lahat ay nilagay ko na sa bag, two weeks after magpasukan kaya may free days pa ako para magready. Nang maayus ko na ay humiga ako sa kama ng maramdaman ko ang pagod sa katawan ko.
Bumangon ako ng may biglang kumatok sa pinto. Tumambad sa akin si mama pagkabukas ko ng pinto.
"Bakit po ma?" Tanung ko.
"Nandiyan si hazel" nakangiting sabi nya.
"Po? E kakatawag nya lang po kanina e. Haist anu ba naman yang babae na yan" irita kong sabi. Bat hindi naman mapakali yang babae na yan?
"Hahahaha, may ichichismis ata sayo"
"Sure thing yan ma! Di naman nawawala sa kultura nya yan e hahaha" natatawa kong sabi.
Narinig namin sumigaw si hazel kaya nagkatinginan kami ni mama. Kahit kailan talaga yung babae na yun, ang ingay ingay. Kaya minsan pinagkakamalan ni papa yan na may kaaway e sa lakas ba naman ng boses.
"Osya, puntahan mo na, baka mamaya may mabulabog pa yan nuh! Hahaha" natatawang bumaba si mama "gwuen bilis! Sumunod ka na"
"Opo ma" sigaw ko. Agad agad naman akong bumaba at pumunta sa sala.
Naabutan ko si hazel na kumakain ng cookies na bake ni mama. Close na sila hazel sa family. Kaya kung magpiling dito sa bahay akala mo naman bahay nila, kung makapagrequest ng cookies kay mama. Kaya si mama natatawa na lang e. Sanay na kami sa ganyang ugali ni hazel.
"Hai tih... Gusto mo?" Sabay abot sa akin ng cookies.
"Yeah, thnks" sabi ko sabay kagat ng cookies.
"Ang sarap noh? Dabest talaga si tita pagdating sa pagbe-bake" nakangiting sabi nya habang ninanamnam ang cookies. "Bat kaya ayaw nya gumawa ng bakery? Masarap naman syang magbake"
"Tss, as if gusto ni mama yan"
"Bakit pwede naman din nya magustuhan yun. Ang sarap kaya nya magbake"
"Anu naman?"
Tinignan nya ako ng masama "hindi mo ba gets!? Kailan ka pa naging slow?"
"Ngayun lang."
"H-ha bakit naman?"
"E ang tanga mo kasi e" nakasimangot kong sagot. Saka inirapan sya.
Natigilan sya at lalong sumama yung tingin nya "Like duh, ako tanga!? Panu mo nmn nasabi? Ikw ang sama mo talaga. Ang jugdemental mo pa."
Bahagya naman akong natawa "OA masyado, saka di ako jugment--"
"E anu yung sinabi mo kanina?"
"Tanga?!" Nang-aasar kong tanung.
"E putek inulit pa. Ganyan ka na ba ha!? E kung pektusan kita dyan gamit tong kamao ko" hamon nya at saka inabaan nya naman ako.
"Sige subukan mo! E tanga ka naman talaga e, anu naman kung masarap si mama magbake? E ayaw nya nga magtayo ng bakery... Anung magagawa natin?"
"Ayaw nya pa nun, at least may libangan na sya at may pagkakakitaan pa sya."
"Kung sabihin mo yan kay mama"