Jaki's Pov
"Halika na, at magtanungan na tayo." Vice
Naglakad ako papunta sa lugar nila Ate Vice dahil bubunot na ng question yung contestant.
*Lakad* *Ikot* *Ngiti* *Balik*
"Jackie!"
Yung boses na yun ang laging nagpapakaba sa puso ko. Lumingon ako ng makita ko siyang abot tenga ang ngiti. Kasabay nung ang pagtili ng madlang pipol.
"Lapit ka nga dito."
Sumunod naman ako sa utos niya habang nakangiting papalapit sakanya.
"Kamusta ka na? Tagal na nating di nagkita ah." Vice.
"Eto masaya na, andyan ka na eh." Tugon ko naman.
Nagsitilian ang mga madlang pipol.
Sa sobrang tagal na pagbibiruan namin ni Ate Vice di ko na alam ang mararamdaman ko.
"Talaga ba? Namiss mo ba ako Jackie?"
"Oo namiss kita sobra" Sabi ko sakanya na nakatingin at seryosong nakatitig sakanya. Bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Binibiro mo nanaman ako Jackie, alam mo ikaw? Nako. Pag ako naniwala dyan di na kita titigilan." Tugon naman niya.
"Di ako nagbibiro, Vice."
"Talaga Jackie?"
"Oo Vice, tumingin ka pa sa mga mata ko"
"Jackie?"
Kinakabahan ako, di ko na alam ang gagawin ko. Eto na ba yun?
"Vice?"
"Jackie? May pagasa ba?"
"Jackie? May pagasa ba?"
"Jackie? May pagasa ba?"
Di na ko makapagsalita dahil natameme na ko sa tanong niya. Lord? Ano pong gagawin ko.
"Natulala na si Jackie" Anne.
"Huy Jackie?"
Bigla akong natauhan nung tawagin ako ni Ate Vice.
"Anyare sayo? Trabaho muna ako Jackie. Salamat ah."
Kaya napatango nalang ako at bumalik sa pwesto ko.
After matapos ng showtime, dumiretso na ko palabas ng abs kasi uuwi na ko. Wala pa rin ako sa sarili dahil sa nangyare. Ano ba yan!?
*blag*
"Sorry, di ko sinasadya" Sabi ko. Ang tanga mo naman Jackie!
"Jackie?" Pamilyar sakin yung boses na yun ah.
Napatingin nalang ako at nagulat!
"Ate Vice!?"
"Oh Jackie, pauwi ka na?"
"Ah opo. Sorry po ah"
"Nako, wala yun. Pauwi na rin kasi ako kaya lang may naiwan ako saglit. Sabay na tayo gusto mo?"
"Ay wag na po, nakakahiya"
"Baliw, wala yun. Sige na."
"Ah eh, sige po" Tugon ko nalang.
"Good, Dyan ka lang. Hintayin mo ko mabilis lang to" Napatango nalang ako.
Hays, ang lakas nanaman ng tibok ng puso ko.
--
"Tara na?" Vice."Ah sige po" Sumunod nalang ako habang nasa likod niya ko.
"May gagawin ka ba ngayon?" Kaya nagulat nalang ako sa tanong niya.
"Ah wala naman po, magpapahinga lang"
"Good, samahan mo ko. Nood tayo sine"
"Hala wag na po, nakakahiya."
"Hay nako Jackie, wag ka na mahiya. Libre ko na nga yun ayaw mo pa? Sige na please" Nagpacute naman siya kaya di ako makatiis kaya napatango nalang ako.
Pero ang saya, kasi makakasama ko siya.
"Nu daw?"
Nakarating kami kagad kasi wala namang traffic.
"Suotin mo to" Inabot niya saken yung cap. Kaya nagtaka ako? Manghoholdap ba kami sa mall. Sa yaman ni Ate Vice, ay ayoko na nga!
"Oh? Jackie, nasa labas tayo baka makita tayo ng mga tao at baka dumugin tayo kaya pinasuot ko yan sayo" Ala bakit niya nabasa yung nasa isip ko?
Nakasuot kaming dalawa ng cap, ang lalaki tignan ni Ate Vice ngayon kasi panglalake ang suot niya. Hays. Sayang.
Nakarating na kami sa sinehan at umupo banda sa taas.
"Kamusta na kayo ni Tom?" Napatingin nalang ako sakanya ng malungkot.
"Medyo nagkakalabuan na po kami Ate Vice kasi busy na siya doon sa business ng Dad niya. Iniintindi ko naman siya pero paminsan wala na po siyang time saakin"
At dahil narin sa biruan namin ni Ate Vice.
Di ko ba alam kung bat niya ko pinagdududahan?
"Dahil din ba saatin?" Agad naman akong nagulat sa sinabi niya.
"Okay lang kung ayaw mo sagutin"
"Isa na rin po yun Ate Vice"
"Sorry ah? Dumadagdag pa ko sainyo." Sabi niya.
"Hindi, okay lang. Masaya naman ako kapag nagkakabiruan tayo"
"Okay lang po yun Ate Vice"
Tumingin nalang siya doon sa screen at di na ko pinansin. Ilang minuto lang nagsalita na siya ulit.
"Nagkakalabuan nadin kami ng jowa ko"
"This past few days, minsan nalang kami magusap. Dami ng nagbago" Nakatingin lang ako sakanya habang nagsasalita siya ng bigla siyang sumulyap sakin kaya napatitig nalang ako sakanya at umiwas siya.
Shet Jackie! Anong ginagawa mo!?
"Okay lang yan Ate Vice, dadamayan kita. Parehas lang naman din tayo eh."
"Salamat Jackie"
--
"Thank you Ate Vice, nagenjoy po ako"
"Walang anuman, sa uulitin"
"Sige po, Bye. Ingat po kayo" Isasarado ko na sana yung pinto ng pigilan niya ko.
"Number mo pala Jackie, para sabihan kita kagad kung aayain kitang lumabas ulit" Sabi niya.
"Ah eto po oh!"
"Sige Salamat, Bye Jackie"
"Bye Ate Vice"
Nang isara ko ang pinto, napangiti nalang ako bigla.
Ang saya ko.
BINABASA MO ANG
Destiny | #JackVice
Fiksi PenggemarTadhana na ba ang makakapagsabi na kami talaga ang magkakatuluyan? o Pinaglalaruan lang kami?