Vice's Pov
Nasa Manila na ko. Ang bilis no', namiss ko na ang sariwang hangin sa Manila. Kamusta na kaya si Jaki? Ay oo, di pa rin kami okay kasi binabalewala ko siya. May nakilala akong fafi nung nasa Las Vegas kami.
*Ting*
Ayan nagreply na siya.
Nik: Hi, kumusta ka na?
Vice: Eto nakauwi na ng Manila, ikaw ba?
Nik: Eto miss ka na.
-//////-
Vice: Nebe.
Aminado pa rin pala ako na bakla ako, siguro nga naguguluhan lang ako kay Jaki. Nagkasama kami ni Nik sa Las Vegas kasi nagbabakasyon pala siya doon. Nagkakilala lang kami sa isang bar. As usual, landi landi at nung nakita ko siya nagwapuhan ako. Akala niya nga na lalake ako pero di niya alam bakla ako. Nung gabi na nagkilala kami sa bar nakasuot ako ng panglalake nun.
Pero ngayon, balik nanaman ako sa dating gawi. Ang ganda mo Vice.
"Tara na meme" Si bonita.
"Ang tagal mo ah"
Galing kasi siya sa CR, naihi ang bakla kaya hinintay ko nalang siya sa labas.
Naglakad na kami papuntang kotse at dumiretso na kami sa bahay ko.
Sinalubong ako ni Manang Fe.
"Manang Fe!!!!" Agad ko siyang niyakap. Si Manang Fe talaga yung pinakamatagal kong kasambahay dito sa bahay. Para ko na ring siyang nanay, masarap din siyang magluto.
"Tutoy, Namiss kita" Yun talaga ang tawag niya sakin.
"May niluto kayo Manang?"
"Ay oo naman syempre, naghanda ako ng mga paborito mo! Pumasok ka na"
"Sige Manang, magbibihis lang po ako"
Dumiretso ako sa kwarto ko, ng sinalubong ako ni Chip in. Yung baby ko.
"Arrf arrf!" Lumapit sakin si Chip in. Namiss ko to'
"I miss you baby!"
Hays, makabihis nga muna. Linggo ngayon, bukas balik trabaho na ulit ako. Makikita ko naman sila Vhong at si Jaki. Bat ko ba siya iniisip? Ayts. Makabihis na nga lang.
*Ting*
Nagtext pala si Nik.
Nik: Uuwi ako ng Manila. Gusto kitang makita ulit Vice. I miss hanging out with you.
Vice: Really? Omg. See you.
Nakaramdam ako ng saya kasi magkikita kami ulit ni Nik, Masarap talaga siya kasama.
Magbibihis na nga muna ako.
After kong magbihis, bumaba ako para kumain nagugutom na rin ako.
"Upo ka na. Ako na maghahanda ng pagkain mo" Sabi ni Manang.
"Sige po"
*Ting*
Excited kong binuksan yung message, akala ko si Nik si Jaki pala. Agad napalitan ang ngiti sa labi ko. Tsk.
Nababadtrip talaga ako sakanya, ayoko siya kausapin. Alam kong mababaw ako dahil lang sa di niya ko namiss or ano.
Ayoko na rin kausapin siya kasi parang nawalan na ko ng gana sakanya. Yung mga text niya sakin simula nung di ko siya pinansin binabalewala ko nalang at mas pinapansin ko si Nik.
BINABASA MO ANG
Destiny | #JackVice
FanfictionTadhana na ba ang makakapagsabi na kami talaga ang magkakatuluyan? o Pinaglalaruan lang kami?