Chapter 4: Loser

10 1 0
                                        

Belle's POV

"She's here." Wika ko nang mamataan ko si Chame na papasok ng bahay. Natigilan siya nang makita kaming lahat na nakatingin sa kaniya. May kakaiba sa mga mata niya ngayon, parang kakatapos umiyak, pero di ko na pinansin yun. Kanina pa kasi siya hinihintay ni Daddy at Tita Charrie, stepmom ko.

"Charmaine!" Tawag ni Tita at sinalubong siya ng yakap. Kita ko ang pagtataka sa mga mata niya. Bakit? Hindi ba't sanay siya sa atensyon? Bakit kapag galing sa pamilya niya ay parang bagong-bago sa kaniya ang mapansin ng lahat?

"Anong meron?" She asked while sitting beside me. Dalawang magkaharap na sofa dito sa sala. Ang naghihiwalay sa mga ito ay ang pabilog na lamesang gawa sa salamin sa gitna. Magkatabi si Dad at Tita. Kaharap nila kami ni Chame na nakadistansya naman sa akin.

"I waited infront of your school, you did not come. I also asked Belle to call you but she said you were so busy." Simula ni Dad. Napatingin ako kay Chame na parang nabobore na sa mga nangyayari ngayon. "Kaya hinintay nalang kita dito. I want to discuss something important." Mas sumeryoso pa ang mukha ni Dad.

"Ano yun?" Walang respetong tugon ni Chame. Sanay na ako pero sa tuwing ganyan siya magsalita sa harapan nila, hindi ko maiwasang maawa sa magulang niya.

Yeah, I admit, kasalanan ko kung bakit siya nagkaganyan. Mula kasi nang dumating ako sa buhay nila ay nagsimula na siyang magmaldita. Hindi na din siya sumusunod sa mga utos nila at sinimulan niyang ipakita sa akin na wala akong lugar sa pamilya nila. Naiintindihan ko naman siya. Sinong anak ang gustong magkaroon ng kapatid sa labas? Lalo na't napakasaya ng pamilya nila, at nagawa kong sirain ng ganoon lang kadali. Pero tinuruan ako ni Mama na lumaban at huwag magpaapi, kaya kahit papaano ay napoprotektahan ko naman ang sarili ko laban sa pamilyang 'to.

"Napagpasyahan naming umalis ng bansa ng Mom mo. One reason is for vacation. But another is balak naming magsimula ng bagong business doon sa New York. Tutulungan kami ng parents ni Inch." Paliwanag ni Dad. Nagulat ako. Iiwan nila kami dito? Pero nang tingnan ko si Chame ay wala man lang bakas ng pagkagulat sa mukha niya. Para bang hindi na bago sa kaniya ito.

"Hanggang kailan?" She calmly asked. Sanay na ba siyang iniiwan dito sa bahay? Bakit siya ganyan?

Nagkatinginan si Tita at Dad. Sa mga mata pa lang nila ay may nabubuo nang mensahe, pero hindi ko maintindihan yun.

"Hanggang matapos kayo sa pag-aaral niyo." Sagot ni Tita Charrie. "Actually... pupunta din kami doon para ayusin ang mga papers niyo. Napagpasyahan din namin na doon na tayo titira. Papatapusin lang namin kayo sa college, and... susunod kayo sa amin doon."

"H-ha?" Gulat na tanong ko. Napatingin silang tatlo sa akin. Hindi pa rin talaga ako sanay sa buhay mayaman. Hindi ako sanay na ganoon lang kadali para sa kanila na gawin ang lahat ng gusto nila.

"Ayaw mo ba, Belle?" Tanong ni Dad.

"Uh... N-no... Dad. Nagulat lang po ako." Paliwanag ko. "Hindi po kasi ako sanay na wala kaming kasama dito sa bahay."

"Don't worry. I already asked your Tita Channie na bisitahin kayo dito paminsan-minsan. Plus magpapadala naman kami palagi ng pera."

Napatango-tango na lang ako sa mga sinabi ni Dad. Hindi ako sang-ayon pero anong magagawa ko? Si Tita Channie yung malditang kapatid ni Tita Charrie. Ang sama ng ugali nun sa akin, samantalang close na close sila ni Chame. Mas panganay siya kay Tita Charrie, at nang dumating ako sa buhay nila ay halos bayaran niya si Tita Charrie para mahimok na huwag akong tanggapin sa buhay nila. Pero masiyadong mabait si Tita Charrie para gawin yun. Kaya eto, nanatili ako dito.

Thornless RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon