Chame's POV
I woke up late. Hindi ko din alam kung bakit. Nagising lang ako dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. Tumatawag kasi si Dani. Siguro ay nagtataka siya na hindi ako pumasok. Pinipilit ko din naman yung sarili ko na bumangon kanina pa, pero hindi ko magawa. I feel weak.
Actually, nagising ako kaninang madaling araw. Balak ko sanang bumaba para kumuha ng tubig, pero nasilip ko sila Mom and Dad na nakabihis at paalis na. Hindi ko alam na ganoon pala sila kaaga aalis. I was expecting that it will be next week or maybe next month. Ni hindi sila nagpaalam sa akin. I just saw them left a note na hindi ko din naman binasa. Pinunit ko kaagad.
Pinanood ko sila hanggang makaalis. Wala akong nagawa. Ni ang ihakbang ang mga paa ko para pigilan sana sila ay hindi ko kaya. Hindi ko napigilang maluha noong umalis na sila. Hindi ako nakatulog kagabi kakaiyak.
Siguro nagtataka kayo. Yes, I look cold. But it's just a mask. Sinusubukan ko lang takpan lahat ng sakit. And I hate the thought that they don't understand it. Mga magulang ko sila. Dapat ay kilala nila ako. Kahit na ganoon ang ipinapakita ko sa kanila, mahal na mahal ko pa rin naman sila. I'm not trying to break our family more. I'm trying to fix it. Siguro sa paningin ng lahat mali itong ginagawa ko. Mali na itinataboy ko sila pagkatapos ay ako naman ang umiiyak sa huli. But they'll never understand, unless sila ako. So if they judge me, I don't care. Walang epekto sa akin ang mga panghuhusga ng mga taong walang alam. Para sa akin ay mga bobo lang sila na naggagaling-galingan.
Tumunog nanaman ang cellphone ko. This time it's Inch. Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko. Nakakailang naman kasi 'yung nangyari kahapon. But in the end, I still answered it.
"Hi?" Nahihiyang sagot ko.
"Hey! Hindi ka pa ba bababa?" Nagulat ako sa tono ng boses niya. He's too energetic na para bang isang taon na ang nakakalipas mula noong nireject ko siya, na kahapon lang naman nangyari.
"B-bababa?" Nauutal pang sagot ko.
"Kanina pa kita hinihintay dito. I wasn't able to go to school-"
"What?!" Napatayo ako bigla kaya nahilo pa ako kaunti, pero hindi ko na pinansin yun. "I'll be there in 10, uhhh, 15 minutes! Bye!" Wika ko habang nagmamadaling sinuot ang aking tsinelas. Putspa!
Tinapon ko na lamang ang cellphone ko sa kama at mabilis na kinuha ang mga gamit ko panligo tsaka dumiretsyo sa banyo.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganun si Inch. I hurt him. Again. Pero nagagawa niya pa ring magsakripisyo para sa akin at palagi iyan. Wala na lang tuloy akong magawa kundi ang magpasalamat sa mga ginagawa niya, kahit hindi ko masuklian, which is harder. Minsan kinokonsensya ako at gusto kong mahalin na lang siya, pero naiisip ko na mas nakakakonsensya kapag ipinilit ko ang mahalin siya kahit hindi ko kaya dahil mas masasaktan ko siya.
Mabilis ang naging galaw ko. I checked the time and I exceeded. Dalawampung minuto na pala ang nakakalipas. Wala pa man din sana akong balak pumasok pero dahil nandiyan na siya, wala na akong magagawa. I can't waste his sacrifices. Dito man lang makabawi ako.
Nakalabas na ako mula sa kwarto and unfortunately, saktong-sakto din ang pagkalabas ni Belle. Halos magkatabi lang kasi ang kwarto namin. Hindi nakalusot sa akin ang mga mata niyang mugtong-mugto. Nakakapagtaka din na pareho kaming nahuli sa pagpasok. Naalala ko tuloy iyong mga nasabi ko kagabi. Sigurado akong nasaktan ko siya sa mga 'yun. Gusto ko sanang humingi ng tawad dahil nilamon lang ako ng galit noong mga panahon na 'yun, pero wala eh, hindi ko pa kayang ibaba ang pride ko para sa kaniya.
Ako na ang unang umiwas sa titigan namin. Nauna na lang din ako pababa at naabutan si Inch doon sa sala na nakasandal ang ulo sa sofa at nakatulog na. Mukhang maaga nga siyang dumating dito. Mas lalo tuloy akong kinakain ng konsensya. Tumabi ako sa kaniya at mukhang naramdaman niya yun kaya unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/143795699-288-k705807.jpg)
BINABASA MO ANG
Thornless Rose
Ficção AdolescenteCharmaine Ysabel Castañeda is a rose full of thorns. Iyan ang sabi nila. Paano kasi ay napakaganda niyang tingnan, pero kapag nalapitan, siguradong isa ka lang sa masasaktan. She's a high class bitch pasaway, mataray, maarte, at matapobre. But here...