Happy Birthday to me

2 0 0
                                    

NICO'S POV

Shit. Ang sakit nung saksak ni paul. Tf. Nasa hospital na ako ngayon. Nawalan pala ako malay kanina dahil sa daming dugo na lumabas galing sa braso ko.

"Hm. Okay na po sir. Pwede na po kayong lumabas" sabi nung nurse.

"Cge po. Thank you po miss" ngiti ko sa kanya at umalis na rin ako sa hospital.

Finally. Free again. Hay bakit ko nga ba ginawa yun. Kung tutuusin tama lahat ng sinabi ni paul. Di ko lang talaga mapigilan sarili ko pagdating sa pamilya ko. Siya na lang natitira kong pamilya.

Umuwi ako sa malungkot na bahay. Madilim, tahimik, malamig. Wala na nga palang babati sa akin ng "welcome home anak" wala na nga pala akong magulang.

Dumiretso ako sa kwarto ko at humilata doon. Tiningnan ko ang phone ko. Mauubos na rin pala ang pera ni iniwan ng magulang namin samin. Ibat ibang notifications ang lumalabas ng nga binili gamit ang card nila mama. Gun....drugs....what else. Si dem lahat ng bumibili nito. Siya rin ang dahilan kung bakit nauubos yung pera ni pinaghirapan ng magulang namin. Wala naman akong magawa. Mag karapatan rin kasi siya sa card nila mama.

Ganito ang buhay ko. Nerd na malungkot. Nerd na walang magulang. Nerd na walang pera. Ano pa ba. Lahat na.

May kapatid o kambal ko si dem. Buong pangalan niya ay demon. Oo demon pinangalan ng magulang niya samin. Nagbubuntis pa daw si mama nun may nararamdaman na siyang kakaiba kaya naman nagpacheckup siya sa doctor at wala naman daw problema. Okay pa rin ang isa niyang anak. Isa lang. Nung nagpaultrasound kasi si mama. Isang baby lang ang nakita kaya akala niya isang baby lang. Ngunit nung nanganak na si mama nagulat siya dahil dalawa at simula nun. Inakala nila na demonyo yung isa niyang anak at pingalanan siyang demon or dem. Mga bata pa kami lagi nang kinukulong si dem sa bahay kasama ang yaya. Di siya sinasama pag lalabas kaya naman hindi niya nakikita ang labas.kwenekwento ko na lang sa kanya kung anong itsura sa labas.

Bata pa kami. Malaki na ang galit ni dem sa magulang namin. Pati na rin sa mga tita at tito namin na tinuring rin siyang parang demonyo. Pinagpipilit nila mama na hindi niya daw anak yun. Demonyo daw yun.

Mga binata na kami nun nang nagyaya si mama na lumabas kami. As usual. Di nanaman kasama si dem. Pero sa pagkakataong ito. Di na nagpilit si dem na sumama. Dati kasi sinasampal pa siya ni papa para tumigil. Lumapit ako kay dem at nagpaalam ako ng bigla niya akong niyakap at bumulong.

"Don't worry. Di kita papatayin" mahinang bulong ni dem at tsaka ngumisi.

Magtatanong sana ako ng bigla akong tawagin ni mama.

"Nico tara na. Nakikipagusap ka nanaman sa demonyo na yan" sigaw ni mama.

Wala naman akong nagawa kundi bumaba na at nagulat ako sa nakita ko.

"Happy birthday nico" bati sakin ng magulang at tsaka mga tita ko.Kumpleto sila lahat.

"Surprise anak. Nasurprise ka ba?" Tanong ni mama

"Ma. Kala ko may pupuntahan tayo?" Tanong ko.

"Wala yun. Sinabi ko lang yun para magbihis ka" sabi ni mama na natatawa.

"Happy birthday nico. Nako ang laki na. Naalala ko dati di ka pa ganyan katangkad." Bati ng tita ko.

Yayakap na sana ako kay tita ng bigla siyang natumba. M-may tama ng bala sa noo. Nagpanic naman lahat at isa isang nang nagsitumbahan. Isa isa nang namamatay ang mga tita at tito ko.

a-anong nangyayari?? Nagugulan ako. Bakit? Hindi pa man ako nakakapagisip ng maayos. Biglang lumabas si dem na may hawak na baril sa magkabilang kamay.

"Happy birthday to you. Happy birthday happy birthday happy birthday nico" at tsaka pinagbabaril ang iba naming mga kamaganak hanggang sa kami na lang apat ang natira. Ako, si mama, si papa, at si dem

"Hi mama at papa. Ako nga pala ang isang anak niyo na may birthday rin ngayon. Hindi niyo ba inaasahan? Surprise. Nagulat ba kayo? Ilang taon ko tiniis mga sampal suntok mo papa. Ilang taom kong tiniis mga sipa mo. Ilang beses kong tiniis pagpaso mo sa akin" Pinakita niya ang kanyang batok na may paso na umabot hanggang mukha niya. " ng dahil lang sa kamukha ko si nico? Kaya niyo nagawa yun. Pa, gusto ko lang maramdaman yung pagmamahal ng isang magulang. Pero di niyo nabigay yun sakin. Tinuring niyo akong parang demonyo at pinandirihan."

Biglang nagiba ang tono ng paligid. Biglang nanlamig. Nagiba ang tingin ni dem sa magulang namin. Maya maya ay tinutukan niya ng baril si papa.

"Happy birthday to me" mahinang bulong tsaka pinaputok ang baril na hawak niya diretso sa noo ni papa. Bigla namang natumba si papa. Nawalan ng buhay.

"Hahahahahaha happy birthday to me. This is the best birthday gift ever. Right mom? Ma. Wala akong ibang hiniling na sana tanggapin mo rin ako bilang anak mo. Ma, hindi ako demonyo. Anak mo rin ako." Mangiyak ngiyak na sabi ni dem.

"Pero hindi niyo tinanggap. Hahaha. Ilang taon kong tiniis ang masasakit na salita sinabi mo. Ilang taon kong tiniis ang pagtawag mo ng demonyo sakin. Ilang taon. " malakas na sigaw ni dem.

"Happy birthday to me" kasabay ng pagputok ng baril ang pagtumba ni mama. Diretso rin sa noo niya ang bala.

tulala akong naiwan dun. Nagtataka pa rin sa nangyayari. Hindi ko rin maibuka ang bibig ko sa gulat.

"Now who's the demon" nakangising sigaw ni dem.

"W-why?" Nanginginig na sabi ko.

"Because I'm a demon" nakangising sabi ni dem.

Kasabay nun ang pagpasok ng mga pulis at ambulansya sa bahay. Bigla namang nawala si dem sa harapan ko.  Nakatakas siya.

Pinilit akong tinanong ng ng mga pulis kung ano ang nangyari pero sinabi ko na lang na may nagnakaw.

Hindi ko rin alam kung bakit di ko sinumbong si dem. Siguro bayad na rin sa di pagpatay sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Class Suicide Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon