Against The World

42 1 0
                                    

HOW TO KNOW IF YOU'RE FALLING FOR YOUR BESTFRIEND

i. Notice the telltale sign of butterflies in your stomach.

      Sa susunod na makita mo ang iyong best friend, bigla ka na lang kikiligin. Kapag siya ay nakikipag usap sa'yo, ang mga sinasabi niya ay hindi pumapasok sa isip mo. Bagkus nakatulala ka lang sa kanya at sinasabi sa sarili kung gaano ka natutuwa kapag kasama siya. Kaya kapag tinatanong ka na niya, wala ka ng maisagot o hindi mo na alam ang iyong sasabihin. Minsan kahit gusto mong itago ang nararamdaman mo ang gusto mong sabihin tungkol sa nararamdaman mo, bigla mo na lang itong nasasabi ng hindi mo nalalaman. Kung ang pakikipag usap pa lang sa kanya eh mahirap mo ng iwasan, it may be a sign na inlove ka na talaga sa bestfriend mo.

II. Notice your inability to concentrate.

          Kapag natutulog ka, napapanaginipan mo ang sarili mo at ang bestfriend mong mag kasama at ineenjoy ang bawat sandali ng buhay ng magkasama. Baka nga napapanaginipan mo na rin na siya ang First Boyfriend mo, First kiss mo at lahat ng First mo ;). Minsan napapanaginipan mo rin na niyayaya ka niyang magdate kayo at kung anu ano pa na akala mo talaga totoo at pumayag ka pero bigla kang nagising~~para bang ayaw mo ng gumising.

III. Consider whether you think about him or her every minute of every day.

          Kahit na anong gawin mong iwas na isipin siya, di mo magawa. Siya lang ang laman ng isip mo buong magdamag, kahit saan ka pumunta siya pa rin ang nasa isip mo.

IV. Notice your daydreaming.

          Habang nakaupo ka at nagsusulat, di mo na alam ang sunod mong isusulat dahil sa kaiisip sa kanya~~pero gusto mo naman. Hanggang sa may humampas sa'yo at bumalik sa totoong mundo. Ang daydream mo tungkol sa kanya at sa'yo ay parang walang katapusan. Yung tipong feeling mo kayong dalawa na lang ang tanging nabubuhay sa mundong ito.

V. Note how music leaves you feeling.

          Nagumpisa ka na rin makinig ng mga love songs, at ang mga kantang yun ang nagbibigay sa'yo ng magandang feeling at naiimagine ang tungkol sa inyong dalawa at nalalaman mo rin ang bawat meaning ng bawat sentence ng kantang iyon. Hanggang sa ito na ang maging paborito mong musika. Pinapakinggan mo ang kantang yun again and again, Hanggang sa masaulo mo na ang bawat lyrics ng song na yun.

VI. Consider how easy it is for you to stay put.

          Kung na-fofall ka na talaga sa kanya, parang nafefeel mo na hindi sapat ang lagi lang kayong magkasama. Pwede ring napapansin na rin ng mga nasa paligid mo na iba na ang inaakto mo kapag kasama mo siya. Naguumpisa ka ng maging clumsy––naguumpisa ka na ring magalit sa mga bawat babae/lalaki na napapalapit sa kanya.

VII. Think about how it feels when you're apart.

          Kapag namimiss mo siya kahit kakakita niyo lang kanina, Ay naku! Lam na. In love ka na talaga!!!!

Parang gusto mo lagi kayong nagkikita. Sumasaya ka kapag kasama mo siya.

Hindi ka makapaghintay na makipaghang out ulit sa kanya.

VIII. Consider if suddenly you seem to care about what he or she thinks of you.

          Insecure ka sa kung anong tingin niya sa'yo. Ito na ang malaking basehan para malamang in love ka na nga.

   O yan! Alam niyo na. Kaya wag niyo ng itanong sa kung sino sino pa kung in love talaga kayo. At kung in love kayo, pwede niyong pigilan kung mas importante ang friendship na meron kayo at pwede niyo rin namang sabihin dun sa bestfriend mo ang tunay mong pagtingin para sa kanya. Kailangan mo lang TSEMPO. Pero dapat nasa tamang edad na ah. At dapat sangayon ang mga tao sa paligid niyo sa pagmamahalan ninyo sa isa't isa.

Against The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon