Chapter I: Gwapong Nilalang Na Walang Pangalan

28 1 2
                                    

Se Yeon's POV

"Good morning baby." -a familiar voice said.

KUSOT MATA

INAT

INAT

INAT

Pagdilat ko ng mga mga mata ko, nakita ko si mommy. Wait, how did she get in?

"Good morning mom." -I smiled at her sweetly.

Umupo ako mula sa pagkakahiga sa kama then asked. "Mom, how did you get in?"

"I've got a duplicate key of your condo unit so that I can visit you anytime I want." -sagot ni mom sa tanong ko while showing me her duplicate key of my dorm.

"Mom, I can visit you and dad in our house. You don't have to visit me here. At tsaka di na'ko bata. Kaya ko na namang alagaan ang sarili ko eh."  -I pouted.

"I know that baby, but mommy always misses you." -then she hugged me.

"I always miss you too mom." -then I hugged her back. "But mom, can you stop calling me baby? Si Hayeon na lang tawagin mong baby. Tutal maliit pa naman yung kapatid ko."

Then mom stood up. "Okay big girl." -she winked at me. "Now get up or you'll be late for school."

Aigoo~! First day of school nga pala ngayon. Ayokong Pumasok. Tinatamad pa ako. Panigurado mga Inglesyero mga kaklase ko sa bagong school na papasukan ko. Bakit kasi lumipat pa kami ng bahay eh. I mean, Hindi lang bahay. Kundi Bansa. Si dad na kasi ang pinag-managed ni lolo sa company niya rito sa Korea. Chocolate Company ang kompanyang minamanaged ni dad. Si mom naman, may cafe na minamanaged. So from Philippines, napunta kaming Japan at ito na ang pinakahuli naming destination. At iyon ay dito sa Korea. Ito ay sa kagustuhan na rin ni Lolo. Gusto niya na kasi kaming makita. Mas lalo na ang mom ko. 31 years niyang hindi nakita si mommy. 31 years niya ring hinanap ang mag-iina niya. Pero si lola kasama na si God eh. Pero, dahil sa mayaman si lolo, nahanap niya rin si mommy. Natagalan nga lang.

"Hoy~! Tumayo ka na nga diyan at maghanda." -sabi ni mom habang pinapalo ako ng mahina sa pwetan.

"Maaa~! Ayoko ko pang pumasok." -pag iinarte ko.

"Ano ka ba, Tumayo ka nga diyan." -sigaw ulit ni mom. "Honey, first day of school, tapos aabsent ka? Get up now or I'll call your dad." -banta ni mommy.

"No" -sigaw ko sabay tayo. "Eto na, eto na mommy oh" -nagmadali na akong pumunta ng banyo.

"Aish~! Batang 'to talaga oo. Kailangan pang takutin bago kumilos" -narinig kong sabi ni mommy mula sa banyo sabay sara ng pinto ng kwarto ko.

Gravy, kailangan kong pumasok sa ayaw at sa gusto ko. Nakakatakot kasi si dad eh. Oo, takot ako kay dad since birth. Wahaha!! Iba kasi si daddy eh. Iba siya tumrato ng anak. Di siya tulad ng ibang mayayamang tao. Kapag nagka-anak, ibibigay ang lahat ng luho. Si dad, Hindi. May kapalit ang paghingi mo ng gusto mong bagay. At yun ay ang pag-aaral mo ng mabuti. Di kami pinalaking spoiled ni papa. Kaya mahal ko yun eh. though, di siya ang tunay kong appa.

After 30 minutes, tapos na akong maligo. Kinulot ko lang ng kaunti yung buhok ko para naman maiba. Naglagay din ako ng water proof eyeliner. Pero kaunti lang. Gusto kong maging simple lang ang image ko. Pero naging maporma pa rin ako nang suotin ko na yung uniform ko. Pero bago yun, nag suot muna ako ng sando at cycling short para maiwasan ang mabosohan. Saka ko sinuot ang White shirt at sumunod ang Long sleeve yellow uniform ko at sunod na yung mismong uniform ko. Sinunod ko na yung mini skirt na dark blue. The heck~! Ang iksi nung mini skirt. Shocks naman oh. Parang mali ata 'to. Nakalimutan ata ni mommy na matangkad ang anak niya. O yung school ang nagkamali sa pagkuha ng sukat ko. Mag ha-high sock na lang ako. Para hindi naman gaanong showy yung legs ko. Ganun naman palagi style ko eh miske nung nasa Japan pa kami. Galing 'no, palipat lipat kami ng bansa. Pero sabi ni mommy, last na daw 'tong sa Korea. 1 year lang naman kami sa Japan eh.

Against The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon