KaiBaekChanSoo FF (Tangunang Story)

16.5K 271 36
                                    

Isang tangunang kwento about love, murder, and kabit. May mapupulutan kang aral. Aral na walang kwenta :3 Inspired by the ChanSoo and BaekYeon situation~

~

Ilang araw na niya akong di pinapansin. . .

Ilang araw na niya akong di kilala. . .

At ilang araw na niya akong di nakikita. . .

Bakit ganun? Akala ko ba ako lang ang taong mahal niya? Ang tanging taong sinabihan niya ng 'mahal kita' at 'ikaw lang,wala ng iba'? Eh bakit ngayon wala na siya? Wala na kami?

Kanina ko pa siya tinitignan mula sa malayo. Kasama niya ang babae na pinalit niya sakin. Siya ang bestfriend ko. Nakakatawa, simula bata pa kami ni Kyungsoo eh magkaibigan na kami. Not knowing na maraming beses na niya akong sinaksak sa likod ko.

Masyado silang masaya habang magkasama, ang mga ngiti ni Chanyeol na simula nang maging sila ni Kyungsoo eh hindi ko nasilayan habang kami pa. Masakit isipin na mas masaya siya sa piling ng iba.

"Kyungsoo" sabi ni Chanyeol sa mahina ngunit napakalambing na boses. Kinuha niya yung kamay ni Kyungsoo at may kinuha sa bulsa niya. "Wag mo itong iwawala ah?" sabay suot ng singsing. "Ikaw ang kauna-unahan at huling tao na bibigyan ko nito." sabi nito at masayang hinalikan si Kyungsoo sa mga labi nito.

Hindi makapaniwala si Kyungsoo sa sinabi ng boyfriend niya kaya niyakap niya ito ng mahigpit. "Don't worry Chanyeol. Iingatan ko ito. Gaya ng pag-iingat mo sa sakin at sa relasyon natin." at hinalikan niya din si Chanyeol.

Hindi ko alam, kahit masakit, nakakaya ko pa rin silang panuorin ng araw-araw kahit ganito lagi ang nakikita ko. Siguro nasanay na ako. Manhid na siguro ako. 

Siguro tanggap ko na, na hindi talaga ako para kay Chanyeol.

"Oo naman. Lahat gagawin ko sayo. Lahat iiwanan ko, Kyungsoo. Wag mo lang akong iwan." at nagyakapan silang dalawa. Matangkad si Chanyeol at hindi ganoon masyado si Kyungsoo kaya nakabaon yung mukha niya sa dibdib ng boyfriend niya.

Kaya pala nagawa sakin ni Chanyeol ang bagay na yun. Di ko akalaing magagawa niya sakin yun. Hindi na siya nakuntento sa pag-iwan sakin. Ang sama.

Naglakad sila sa gawi ko. Nagkatinginan ang mga mata namin ni Chanyeol at nahinto siya sa paglalakad. Nanlaki ang mata ng bago niyang kasintahan dahil sa inasta ni Chanyeol.

"Ano yun?" tumingin sa gawi ko si Kyungsoo.

EXO MEMES (Na Overdose)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon