(mas maganda pong basahin 'tong chapter kapag online kase may mga pics pong kasama)
Jennie's POV
*knock* *knock*
"baby gising na baka mahuli ka sa klase"
"yes mom!"
nagising ako sa katok at sigaw ni mommy kaya bumangon na ako at dumeretso sa banyo at naligo.
matapos kong maligo ay nagbihis na ako. sabi ni mom hindi na daw kailangang mag uniform sa papasukan ko kaya nag suot nalang ako ng maong na short, white na t shirt at pinatungan ko ng jacket na pink
matapos kong mag bihis, bumaba naman ako para kumain.
"good morning baby ko! kain ka muna bago pumasok" bati ni mommy
napansin kong wala si dad sa couch kung saan lagi syang nakaupo tuwing umaga kaya tinanong ko si mom.
"good morning mom, asan si dad?"
"nauna na sa office, may emergency meeting daw"
"aahh" saad ko saka ako umupo para kumain ng breakfast
matapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay mommy para pumasok
"bye anak ingat ka!" paalam ni mommy
tinawag ko na si kuya jed, driver namin para ihatid ako sa school
first day ko ngayon sa bago kong school. Lumipat ako dito dahil kila mommy pero di nya sinabi yung dahilan. Sabi ni mommy sa first section daw yung room ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero sa tingin ko mataas naman ang grades ko sa dati kong school kaya siguro kahit transferee ako, napunta ako sa first section.
nang makarating ako sa school ay pumasok na ako sa front gate.
habang naglalakad ako, feeling ko ang daming nakatingin sa akin at marami ding nagbubulungan.
"sya ba yung new student?"
"in fairness ang ganda nya ah"
"mukang masungit"
"sa first section ba sya? baka matalino"
"perfect"
binilisan ko nalang ang paglalakad ko
papunta sa building kung saan ang room ko. kabisado ko na tong school dahil nilibot ako ng isang teacher dito habang ineenroll ako ni mommy nung isang arawhabang naglalakad ako sa hallway...
*kring* *kring*
narinig kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa. Tinignan ko muna sa screen kung sino yung tumatawag at sinagot ito.
'hello?'
[baby?]
'yes mom?'
[nandyan ka na ba sa school?]