7

271 20 0
                                    

(Sakura)

Sa paglabas sa portal, isang silhoutte ng babae ang nakita ko sa ilalim ng isang puno.

"Rinzu." Binanggit nito ang pangalan ko. 

(NO SH!T SHERLOCK? And besides, pangalan mo ba talaga ang Rinzu?)

Shut the F up. Author!

"Sakura...?" Tawag ko. Lumabas siya sa puno at si Sakura nga ang nakita ko.

Lumabas na rin sila Ayaka, Lion at Seri sa portal.

"Sino siya Rinzu?" Tanong ni Lion.

"Kaibigan." Sagot ko. Lumingon ako pabalik kay Sakura at nagtanong.

"Ano nga pala ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Gusto ko lang makita kung gaano ka na kalakas." Sagot niya.

"...Huh?" Tanong ko.

"Let's have a duel." Hamon niya. Lumabas siya sa ilalim ng puno at itinutok ang kanyang katana sa akin.

Umalis sila Ayaka sa tabi ko at umupo sa isang bato sa gilid.

"Tingin lang kami!" Sigaw ni Lion.

"Galingan mo Rinzu!" Sigaw ni Seri.

DI KO PA TINANGGAP!

"Let's add some rules. 120 seconds timer. Pag bumaba sa 50% ang HP ko, automatically panalo ka. Pag bumaba ng 25% ang sayo, talo ka. No magic, potions and others. No Ranged Weapons either. Only melee and sword skills are allowed. Elemental or Physical." Nagsimula siyang mag explain. Binuksan niya ang kanyang VS.

Sakura has challenged you in a Custom 1v1 match.

Y/N

"Fine." Sagot ko at pinindot ang Y button. Pumwesto na kami sa magkabilang gilid. Inequip ko muna ang Tera Blade na nakuha ko sa Boss.

5

4

3

2

1

Match Start!

"Haaaa!" Agad na sumugod si Sakura at umatake ng malakas. Buti nalang at nakablock ako.

Agad akong nag dash palayo sa kanya at naghintay sa kanyang susunod na gagawin.

She stayed alerted.

Tumakbo ako patungo sa kanyang kanan at sinubukang tamaan ang kanyang tagiliran.

I swung my blade but she immediately blocked it. Kumawala ako at umatras ng konti. Ipinuwesto ko ang espada malapit sa left cheek ko habang nakatutok ang patalim sa kalaban. Sinubukan niyang tamaan ang espada ko ngunit inilagan ko ito. Humakbang ako ng isang beses at itinusok ang aking sandata sa kanyang abdomen.

Tumilapon siya palayo.

Sakura (83%)

Tumayo siya at pinahid ang kanyang right cheek.

"Nice." Papuri niya.

"Salamat." Sagot ko. Bumalik siya sa kanyang seryosong mukha.

Nagsimula siyang tumakbo ng napakabilis at di ko namalayang nasa ilalim ko na siya. She thrusts her blade into my abdomen. 

Critical hit!

Rinzu (68%)

Tumilapon rin ako pero nakarecover agad.

Shit. Di ako makahabol sa kanyang galaw.

She dashes left and right, and jumps to give a hit on my head. It's a chance.

Umatras ako at naghanda sa kanyang atake.

"I don't think so!" Sigaw ko. I swung the blade diagonally and it clashed with Sakura's weapon.

Wala akong nakitang reaksyon na nagulat siya. Sa totoo lang, ako ay nagulat nang biglang nawala siya sa ibabaw ko.

Sa likod ko!

Umabante ako at lumingon sa likod. Nandun nga siya kaya sumugod ako.

I swung my blade at her left. Hinarangan niya naman ito. She used two handed grip to block my attack, leaving her defenseless.

"Wide open!" Sinipika ko ang kanyang kanang tagiliran. She faltered her defense and stumbled.

Sakura (79%)

Siguro medyo napalakas ko ang sipa ko.

Nahirapan siyang tumayo.

"H-Hey... Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.

"Do not... Hold back..." She said.

"You're obviously not okay!" Hinintay ko siyang makatayo.

(Wow. Gentleman.)

"Wrong choice..." Saad niya bago siya nagdash palayo.

"«Vital Slash»" Nagdash siya palapit sa akin habang nakayuko. She swiped her blade at my left thigh. Nalaman ko ito at hinarangan gamit ang sandata ko. Napaatras ako sa lakas ng pwersa.

Rinzu (40%)

I'm losing...

Bumangon ako at binuhat ang aking espada. Ipinuwesto ko ito sa vandang likuran at inilabas ang aking kaliwang paa. Hinigpitan ko ang aking pagkahawak sa espada.

"«Vital Slash»" Sumugod ulit siya sa akin.

"«Deflect»" Naramdaman ko ang lakas sa aking dalawang braso. We clashed our blades. But the sudden power overwhelmed Sakura's attack at tumilapon siya.

Sakura (61%)

One more attack!

I dashex forward and raised my sword.

Nang ibaba ko ito biglang...

"Time's Up! Sakura wins!"

Phew... Tapus narin.

Ibinalik ko ang Terra Blade sa aking inventory at iniabot ang aking kamay kay Sakura.

"Good match." Saad ko.

"Good match." Sagot niya at tumayo sa pamamagitan ng pagkapit sa aking kamay.

"Hindi ka sanay gumamit ng Greatsword." Sabi niya.

"Ah. Napansin mo ba?" Sagot ko sBay kamot ng likurang bahagi ng aking ulo.

Lumapit si Seri sa amin at iniabot ang dalawang Lvl2 HP Potions.

"Ano na gagawin mo?" Tanong ko kay Sakura.

"Hmmm, di ko alam." Pasimpleng sagot niya.

I opened my VS and sent her a party invitation.

She chuckled.

"Sige." Sagot niya.

Sakura has joined the Party.

Amulet of Eres: IterumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon