CHAPTER 1:

42 4 3
                                    


Annyeonggg! Ako nga pala si Angel Beech. I'm 21years old, fresh graduate sa course na IT at kasalukuyang nagapply sa ibat ibang sikat na company. Btw nagtataka ba kayo sa last name ko? Pwes ako din! Pero wag kayong mag alala hindi ako literal na b*tch gaya ng iniisip nyo. Wag din kayong magalala dahil masyado nadin akong pinapahamak ng last name ko. Lalo na pagmay tumatawag ng last ko sa public place. My ghawd! Diko talaga alam kung anong problema ng mga friends ko at kaylangan akong tawagin sa last name ko. Duh! Kinakatuwa ba nila?!

NBSB pa nga rin pala ako. Kung tatanungin nyo ko kung bakit.. Walang bastusan guys. Nakakahurt lang e kayo kaya dyan -___-

Anywaysssss 2 weeks ago na ng magising ako sa pagkakahimlay ko. Hindi pa po ako patay guys. Nacomatose lang, and YES! Tama po ang inyong nababasa. Nacomatose ako ng 3months. Nasagasaan lang naman ako ng van, tumilapon at nagpagulong gulong. At himalang nabuhay, (ehem amen)

Tinakasan din ako nung van na nakabundol sakin at hanggang ngayon ay di padin matrace at saktong sira din yung cctv sa lugar kung san ako tumawid at nasagasaan. Wala syang awa di nya naisip na 3months akong nacoma at nag agaw buhay at 3months din akong walang ligo at toothbrush. Eww!

At sa maniwala kayo sa hindi paggising ko mula sa pagkakacoma napagtanto ko nalang na may kakayahan nako makabasa ng isip ng tao. As in naririnig ko yung boses nila pagnapapadikit sila sakin at pano ko ito nalaman? Well..

FLASBACK

Kakagising kolang at may nurse na nagaassist sakin inalalayan nya akong tumayo para makainom ng tubig dahil sobrang nanunuyot ang lalamunan ko. Nagulat ako dahil bigla syang nagsalita ng...

NURSE: "Pagod na pagod na ko sa work ko puro pasarap mga pasyente namin dito tapos tong nacoma na to nakakadiri ang tagal walang ligo, hindi ba sya nanlilimahid sa sarili nya!"

Napatingin ako sa nurse na nakaalalay sakin at napasabi ng..

ME: Anong sabi mo? (w/ nanlalaki ang mata)

NURSE: Po? Wala po akong sinasabi. May iba papo kayong kaylangan? :)
"baliw naba to? wala naman akong sinasabi tatanungin pako ng ganun"

ME: Miss kung pagod kana sa trabaho mo edi magresign ka! Di ko na kasalanan yon noh! Baka gusto mong bugahan kita ng hininga ko ng mamatay ka bigla!

NURSE: Hala mam pasensya na po pero wala po akong sinasabing ganun. Masaya nga po akong nagbibigay ng serbisyo sainyo e. :)
"Bwisit tong babae na to pano nya kaya nalaman yung iniisip ko kung wala lang kami dito sa hospital pinatulan kona to! Dapat dito sa mental e. Baliw!"

ME: Pwede ba umalis kana at naririndi na yung eardrums ko sayo!

Binitawan nya nako at lumabas na sya agad. Bigla namang pumasok ang mama ko at kinamusta agad ang pakiramdam ko habang yakap yakap ako halos mangiyak ngiyak pa nga sya dahil sa wakas ay nagising na din daw ako. Nagtataka ko dahil nadidinig ko din ang iniisip ni mama at labis na pagalala din yung nasa isip nya. Natulala nalang ako dahil feeling ko ay mababaliw ako sa nangyayari sakin.

At maya maya'y naisipan kong magpaalam sakanya kung pwede akong magpahangin sa labas dahil feeling ko ay nasusuffocate nako dito. Agad namang pumayag si mama dahil makakatulong din daw yon sakin para maexercise ang katawan ko.

At paglabas ko ay agad akong lumapit kay manong guard at hinawakan ang kamay nya di padin kasi ako convincing na nakakabasa ko ng isip dahil baka mamaya ay napapraning lang ako. Pero yun ang inaakala ko dahil totoo nga, paglahawak ko sa kamay ni manong guard nagulat sya at napatingin sakin

MANONG GUARD: Bakit ineng? "Sino ba to at humawak pa sa kamay ko? Baliw ba tong babae ba to? Dapat sa mental na to dineretso at hindi dito"

I HEAR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon