Pagkatapos namin kumain ay nag-stay muna ako dito sa unit ni Blake. He is washing the dishes. I realized that it is so quiet in here.
"I'm done..."
Napatingin na lang ako sa kanya. He's really hot and cute. Bakit kaya wala pang girlfriend itong si Blake?
Sabagay, parehas lang naman kami hahahah. Mailap ang love life sa akin. Sa totoo lang, choosy din kasi ako. I'm the type of guy who choose the best person because I know what I deserve.
Ayokong makipagrelasyon lang sa kung sino-sino at baka mamaya, mabiktima ako ng mga manloloko. I'm right to choose loving Cyril but there's Eros who ruin our story hahahah joke!
"Blake, thank you for the dinner. Gabi na, I have to go."
Tumalikod na ako para maglakad palayo pero bigla niyang pinigil ang kamay ko. I just look back at him.
"Why?" I asked curiously.
He looks so shy...
"Hmmm... Can you please stay for a bit longer?"
I smiled at him. Mahiyain din talaga itong si Blake minsan.
"Why?" I asked again.
He bit his lip...
"Hmmm... Kasi, minsan lang ako magkaroon ng bisita dito. Masyado kasing tahimik dito kapag ako lang mag-isa."
Hindi ko talaga mapigilan ang mapangiti. He looks so sweet!
Tumitig ako sa mga mata niya at kitang-kita ko na sincere siya. Sabagay, nakakalungkot nga minsan kapag mag-isa.
"Ayoko... Kailangan ko na umuwi," seryoso 'kong sabi.
Nagulat siya dahil sa sinabi ko at umiwas siya bigla ng tingin.
"Pwede naman ako mag-stay pero, kiss mo muna ako," sabi ko sabay tawa.
Sinuntok niya na lang ako ng mahina sa braso at natawa na rin siya dahil sa sinabi ko.
"Loko-loko ka talaga!" Natatawa niyang sabi.
Oo... Lokong-loko sa'yo! Hahahahah. Masaya namang kasama itong si Blake. I think he's happy when I'm around kaya gusto niya na mag-stay muna ako.
"Oh sige na, dito na muna ako matutulog. Baka ma-miss mo ako eh," natatawa 'kong sabi.
"Umuwi ka na nga lang! Ang hilig mo sa mga ganyang banat eh!" Natatawa niyang sabi.
"Sige na, pahiramin mo na lang ako ng mga damit tapos sabay na tayong pumasok bukas," sabi ko.
Binigyan na niya ako ng damit na pamalit at dito na ako matutulog. Honestly, ngayon na lang ulit ako naging ganito.
Honestly, I'm flirting him. Ang tagal na rin kasi noong niligawan ko si Cyril pero ngayon, hindi na ako papalya hahahah humanda ka sa akin, Blake.
Hinubad ko bigla ang suot 'kong long sleeves sa harapan niya. Kitang-kita ko na napalunok siya bigla. Sige lang Blake... Titigan mo lang ang abs ko hahahah.
Unti-unti 'kong binababa ang zipper ng pantalon ko habang nakatitig siya sa akin. He looks so nervous ahahah.
"Hoy! 'Wag ka ngang magbihis sa harapan ko! Doon ka sa banyo!" Kabado niyang sabi.
Natawa na lang ako... Mukhang medyo conservative itong si Blake. Nakakahiya naman, boxers lang ang suot mo hahahah.
"Ok, saan 'yung banyo?" Tanong ko.
"Deretso ka lang doon," sabi niya.
"Kapag dineretso ko ba 'yan, deretso ba yan sa puso mo?" Tanong ko sabay ngiti.
BINABASA MO ANG
Perfect Triangle
RomanceThis is a perfect love triangle between three men (Yani, Luther and Blake) who were rejected from their pasts.This story is romantic comedy and a battle of broken hearts. Ranked #1 - m2m (Dec. 25, 2018)