Episode 2: Why Riddles?

20 0 0
                                    

Dedication: Para sa sing and dance group na Chicser. Tangina niyo. 

Caution: Slippery when wet. 

Plugging: wattpad.com/bluepimples

Episode 2: Why Riddles?

Malamig ang simoy ng hangin, ang kiliting hatid na dumadampi sa pisngi at kumukuong dugo na tumatawag sa laman. Joke lang. Libog lang yun kung nilalamigan ka. Momol weather e.

“Will you marry me?”, sabi ng lalaking nakaluhod ang isang tuhod, may alay ang nanginginig na kamay na isang singsing at nanginginig na boses.

Habang hinihintay mo ang matamis na oo ni babae e naiisip mo ang mga posibleng sagot…

Una:

“Ayoko, stict ang parents ko.”, unang possibleng sagot.

Pangalawa:

“No, bro. Ikaw? Papakasalan ko? Tangina, bro. Dati akong lalaki.”, okay na rin na rejection.

Pangatlo:

“Hindi pwede e, yung high school swearheart ko e niyaya niya ako magpakasal, pumayag ako.”, at isang nakakaloko na ngiti. Supalpal.

Pero kung isa kang maswerte lalaki kung ang sagot niya ay ang matamis na dalawang letrang inuulit sa alpabetong Pilipino. Asahan na rin kung may halong pagmumura. Tangina. Pero sa kasong ito, English ang sagot. May adjective pa.

“Yes,” bumugad ang ngiti sa labi ni babae. “Fucking yes,” sabi na nga ba, may adjective. You’re welcome for the heads up. Kasunod nito ang mabilis na halik at yakap.

Ayun nga, engaged na sila Micheal at Joan. Nagbunga rin ang tatlong buwan na pinagplanuhan; decorations, December air at ewan ko na lang kung kasali pa rin sa plano ang bachelor party na niluluto ni Rocket. Oo, may agency siyang kakilala na may PSPs at high-end escorts. Walk and pops. Depende sa negosasyon.

Gaya nang inaasahan ko. Nagmomol sila sa rooftop, pababa sa apartment, gumulong sa sofa at sana… sana lang talaga… hindi nila ginawa sa sahig yun. Maisip naman sana nila ako.

“Nangako ako kay Pimpy na hindi natin ginawa dito.”, bumangon si Micheal, gayun din si Joan. Syempre nakahubad. Kayo na magimagine. Pwe.

“Pabayaan mo siya. Bihis na. Baba tayo ng bar.”, aya ni Joan kasunod ng malibog na halik kay Micheal.

Bar…

Balik sa bar, kami lang ni Rocket ang natira para magpalipas ng oras. Actually, ako ang nagpapalipas ng oras. SI Rocket? Tatlong cellphone numbers, apat na basong martini na bihuhos sa kanya at walong sampal ang nakuha ni Rocket sa gabing iyon.

At sa pagpapalipas ng oras habang kumakain na natirang Buffalo wings at inuubos isang libreng round ng beer galling kay Rocket ay may isang babae. Parang isang pelikula kung iisipin. Sa dinami-dami ng babaeng nandun e siya ang na pansin ko, at sana hindi rin sila napansin ni Rocket.

Lumapit ako kay Rocket sa counter habang may kausap siyang babae na nagbigay sa kanya ng phone number. Pang-apat na phone number na niya.

“Hahaha. Pimpy, look. Fake phone number.”, sabay punit ng papel.

“Bakit mo pinunit? Pang-apat nay un ah?”, tanong ko.

“Natorjack ko na siya last week, sabi ko tatawagan ko siya. Sabi ko lang naman.”, tugon niya.

“Tangina mo. So, hindi mo na babalikan yon?’, balik ko.

“Hindi na.”, tipid niyang sagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RiddlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon