"Dahan-dahan ka lang tumalon!" sigaw ni Sam.
"Dahan-dahan? Pano 'yun? Kailangan magslow motion yung pagtalon ko?" sarkastiko kong sinabi sa kanya kahit na kinakabahan ako dito sa itaas ng puno ng mangga.
"Kung kaya mo, sige. Bahala ka dyan, bumaba ka mag-isa mo."
Pipigilan ko sana siya na wag sana umalis nang nagkamali ako sa paggalaw ko.
Pumikit ako ng mariin.
Ito naba ang katapusan ng buhay ko?
Gusto ko pa mabuhay.
Gusto ko pa magconcert sa higher stage.
Gusto ko pa maranasan na ikasal.
Gusto ko pa magkaroon ng anak.
Paano nalang ang mga pangarap ko kung ikamamatay ko lang itong pagkahulog ko sa puno ng mangga?
Nakaka-inis naman kasi itong tiyan ko. Bakit pa kasi mangga pa nagustuhan niya kainin?
Napamulat ako nang may nagbuhos sa akin ng tubig.
Malamig pa talaga.
"Ano ah? Tanghali na't nakahilata ka pa dyan sa higaan."
"Malamang, alangan naman sa kusina ako humiga." sabi ko sa isip ko.
"Wala ng pasok ah? Okay lang naman na matulog ng matagal, diba?" sumimangot ako. "Bumabawi lang ako ng tulog dahil pag may pasok palaging puyat. Bawal ba matulog, Ma? Bawal ba?" nagpunas ako ng mata na kunwaring may luha na lumabas sa mga mata ko.
Binatukan niya ako, "Nako, tigilan mo ako sa kadramahan mo. Maligo kana tsaka bumaba pagkatapos. Maghanap ka ng summer job mo at nang magkasariling pera ka. Lagi ka nalang humihingi sakin pag-umaalis ka kasama mga kaibigan mo."
Tumayo na ako at inayos ni Mama ang higaan ko.
"Magsusummer job ako? Hindi mo naba ako love, Ma?" tumakbo ako ng mabilis papunta sa banyo dahil sigurado babatukin na naman niya ako.
"Tigilan mo nga ako, Delilah!" sigaw ni Mama mula sa kwarto ko.
Mas hindi ako love ng twalya ko. Nakalimutan ko magdala ng twalya. Pano ako lalabas mamaya?
Hindi ko na muna iisipin yung twalya ko, stress lang binibigay niya sakin.
Tiningnan ko ang mukha ko na nagrereflect sa salamin dito sa banyo.
Hindi na rin ako love ng mukha ko. Bakit padagdag nang padagdag ang mga tigyawat ko? Sinabon ko naman ah?
Napatigil ako sa pagsalita nang maalala ko na hindi pala ako naghilamos kagabi kaya nagkatigyawat na naman ako ngayon. Sobrang antok ko na kagabi, wait. Kagabi ba ako natulog o madaling araw?
Ah, basta. Ang alam ko madilim pa 'nun.
Habang nagsasabon akong mukha, dumulas yung mamahalin kong sabon sa hindi inaasahang lalagyan. Sa kubeta pa.
Hindi na rin ako love nung sabon ko. Ang mahal mahal pa 'nun.
"Hindi na kikinis 'yang mukha mo." rinig ko.
"Hala! Sino 'yan?" natatakot kong tanong.
Kinuha ko yung mahabang brush na para sa kubeta. Tinusok-tusok ko yung sabon ko habang nasa kubeta siya.
"Ikaw ba yung nagsalita ah?" tusok ko ulit sa sabon gamit yung brush. "Hoy, sumagot ka!" nilakasan ko yung pagtusok ko.
"Oo, ako 'yon!"
Lumaki at namilog ang mga mata ko sa takot. Hindi na ako nagdalawang isip na isuot ulit yung mga damit ko kanina.
Binuksan ko yung pintuan at lumabas na ako sa banyo. Baka magsalita na naman yung sabon. Tumakbo ako ng mabilis para hindi ko na marinig yung sabon na nagsasalita.
Nilock ko na kaagad yung kwarto ko at mabilis akong nagbihis. Nagsuklay na ako nang mabilisan at ginagawa ang routine ko.
Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko agad yung banyo namin. Dahan-dahan akong naglakad pababa dahil baka may marinig na naman akong nagsasalitang sabon.
"Oh anak"
"Ay, anak ka ng pitong puting tupa!"
Nagulat ako ng bigla sumulpot si Papa sa harapan ko.
"Ano?! 'Yan ba ang natutunan mo sa eskwelahan niyo ah?" galit na tanong niya.
"Hehehe" kinakabahan na tawa ko 'yan. "Sorry na, Pa. Nagulat lang naman ako eh"
"Napano kaba't parang kinakabahan ka ah?" kumunot mga kilay niya at tiningnan niya ako maigi.
"Wala naman, Pa. Gutom lang, hehehe. Tara, kain na tayo, Pa." hinila ko na siya papunta sa kusina para hindi na siya magtanong pa.
Umupo na kami para mag-umpisa na kumain. Ka-uupo ko palang ay inutusan na ako ni Mama.
"Tawagan mo muna ang Kuya mo, Lilah."
Pinaglakihan niya ako ng mata kaya naman sinundan ko na.
Tumayo ako at sumigaw, "Kuya!!!!!!!" tsaka na ako umupo.
Pinagalitan nila ako. Bakit daw ba ako sumigaw at bakit tinawag ko lang daw si Kuya. Eh, pinapatawag lang ni Mama eh. Wala naman siya sinabi na hayain ko si Kuya na kumain.
Napatulala ako sa kawalan nang maalala ko yung napaginipan ko.
Sino kaya yung babae na nahulog sa puno ng mangga?
Bakit parang nararamdaman kong ako 'yon?
Sino yung lalaking 'yun?
Sino yung walang kwenta na lalake na iyon na basta niya lang iniwan yung babae?
Kung ako yung babae 'yon, siguro baka hindi ko mapapatawad yung lalaking iyon.