Chapter I

5 0 0
                                    

Halos mag-iisang oras na akong naghihintay ng masasakyan ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong masakyan. Nangangamoy usok na rin ako dahil sa binubuga ng mga sasakyan na dumaraan.

May bumusina na sasakyan sa harap ko. Kahit masikip na, sumakay pa rin ako dahil wala na akong pagpipilian. Kahit 1/4 lang inuupuan ko, ayos lang. Masasanay rin ako sa araw-araw na pagtr-trabaho ko kung makahanap man ako ngayon.

Bumaba na ako sa pangalawang bayan. Hindi man ito kalayuan. Pero kailangan mo pa rin ng masasakyan para makapunta dito.

Konti nalang ang mga tao dito. Malamang ay kaninang umaga pa sila dumaan dito. May mga katulad ko rin na naghahanap ng summer job. Siguro ay kailangan ko na mag-umpisa para hindi ako ma-ubusan ng slot.

Una kong pinuntahan yung malaking store ng musical instruments. Doon ako unang na-attract dahil may nakita akong magandang keyboard. Malinaw ko nakita dahil sa glass door nila.

Naglakad na ako papalapit doon nang may isinabit sila.

NO VACANCY.

Hindi pa nga ako nakakapasok sa store nila, rejected agad. Nag-iba agad ako ng lakad ng nakita ko iyon. Halos wala ng bakante. Masyado siguro akong nalate. Naglakad lakad nalang ako. Palingon-lingon ako sa magkabilang parte ng bayan.

Napansin ko yung isang store na halos walang tao. Bakit kaya?

Okay naman yung store ah? Nasa malapit kasi ito ng dulo ng bayan kaya siguro walang masyado tao.

Nagbaka sakali akong baka mayroon pang bakante dito. Nilapitan ko yung store ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Mabilis akong tumakbo doon para pumasok. Buti nalang ay di-gaano nabasa ang dala kong envelope. Pinunasan ko muna ang sarili ko gamit ang panyo ko.

"Uh, wala na bang mas sasama pa dito?" sinuklay ko ang buhok ko para presentable ako para swertehin naman ako.

Agad na may lumapit sa akin na babae. Dito siya nagtr-trabaho dahil sa kanyang suot na apron.

"Hi Ma'am, Welcome to Tongue and Cheek Café" ngumiti ang babae. Ang cute niyang tingnan sa suot niya. Wala naman special sa suot niya. Naka-apron siyang kulay brown na may logo ng Café nila tapos naka messy bun siya. Tapos yung ngiti niya parang may kinakain siya na dahilan ng paglobo ng pisngi niya.

"Mag-aapply sana ako dito, may bakante paba?"

Ngumiti lang ulit siya, "Opo, meron po. I'll call the manager po muna." tumango lang ako tsaka nginitian din siya.

Umalis siyang patalon-talon. What's wrong with her? Is she happy? Or excited?

Nakita kong lumabas na yung babae kanina na kausap ko dun sa office yata ng manager. May kasama siyang lalake. Eto ma siguro yung manager nila. Tumayo ako at sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga kamay ko.

Habang papalapit sila, ang saya-saya ng mga mukha nila. Ganito ba sila lagi? Lalo na yunh babae kanina, para siyang bata na naka kapit sa braso ng lalake.

"Hello po" niyuko ko bahagya ang ulo ko na para bang paggalang. "Mag-aapply po sana ako dito." kinuha ko yung envelope ko na nakalagay sa mesang kahoy.

Ini-abot ko sakanya pero tumanggi siya. "Okay na, tanggap kana, Iha."

"Ha? Agad-agad po? Di niyo lang man po titingnan yung resume ko?"

"Hindi na. Mukha ka naman mabait"

"Sigurado ka po ba? Malay niyo may criminal record po pala ako"

"Ha?!" nanlaki mga mata nila.

"Biro lang po. Maraming salamat po" yumuko ulit ako at nakipag kamay sakanilang dalawa.

"Mags-start kana bukas. From 6:30am to 6:00pm tayo dito. Tapos yung uniform mo, bukas palang ibibigay. Walang shift-shift dito. Konti lang kasi tayo dito." pagpapaliwanag ng manager.

"Ako nga pala si Jack, eto si-" pinutol ng babae ang pagsasalita ni Sir Jack.

"My name is Ella Jean but EJ for short" tinuro niya yung name plate niya na nasa kaliwang dibdib niya.

"Nice meeting you po, Sir Jack and EJ. Ako po si Delilah."

"Ang ganda naman ng pangalan mo, Delilah. Nasaan na si Samson?" tinaas-taas ni EJ yung mga kilay niya.

"Ay, wala po akong Samson ng buhay ko. " tumawa lang siya.

"Ganon ba, sayang naman ganda mo kung ganon."

"Wala naman pong masasayang, hindi naman po ako maganda."

"Maganda ka, Delilah."

Siniko ni EJ si Sir Jack. Napadaing si Sir Jack sa sakit.

"See you tomorrow, Delilah." kumapit ulit si EJ sa braso ni Sir Jack.

"Sige po. Thank you ulit."

Saka na sila umalis.

Napansin ko lang na wala masyadong costumer dito. Pero maganda ang pagkakadisenyo ng Café nila. Puro kahoy ang ginamit nila. Napaka-unique ng disenyo. Ultimong nasa sina-unang panahon ka.

Nagkabit balikat nalang ako. Halos natuyo na damit ko kaya lumabas na ako ng Café.

Maaraw na rin pero basa ang daan. Naka white shoes pa naman ako ngayo kaya kailangan ko magdahan-dahan sa paglalakad. Simentado ang daan pero may mga konting buhangin dahil sa mga dumadaan na sasakyan kaya nagkakaroon tuloy ng putik dito tuwing umuulan.

Halos mag alas kwatro na ng hapon. Nakaramdam ako ng gutom. Hihintayin ko nalang na maka-uwi ako para makatipid pa ako. Napadaan ulit ako doon sa unang store na pupuntahan ko sana. Gusto kong tingnan yung keyboard. Kaya naglakad ako papalapit sa store.

For like 5 seconds, na-isip ko na buong buhay ko dahil sa pangyayari dahil sa muntikan na akong masagasaan ng isang mountain bike.

Him and I
A collaboration story with John Kevin Sanchez
Plagiarism is a crime.

Him and IWhere stories live. Discover now