"Kamusta naman yung paghahanap ng summer job, anak?"
Binuksan ko ang refrigerator para kumuha ng inumin. Parang nilalamig yung buong katawan ko. Pero inside, ang init ng katawan ko. Sobrang bigat rin ng pakiramdam ko. Kanina lang okay ako eh. Bakit ngayon nagkaganito?
"Ayos lang, Ma. Mag-uumpisa na raw ako bukas." Ininom ko na yung tubig na kinuha ko.
"Mukha kang pagod, anak. Kumain ka muna." tumayo si Mama mula sa sofa sa sala. Magkatabi lang kasi ang sala at ang kusina namin kaya madaling makita ang kusina mula sa sala.
"Ayos lang ako, Ma. Medyo pagod lang. Medyo lang pero hindi gaano." Naguluhan ako sa sinabi ko, "Ahhh! Basta okay lang ako." Umupo ako sa silya dito sa kusina.
Binuksan ni Mama yung ref at may kinuhang nakatupperware.
"Ipapa-init ko lang 'to sa microwave, anak. Mabilis lang 'to. Mas masarap kasi 'to pag ma-init eh." ningitian ako ni Mama at pina-init nga niya yung nakatupperware na may laman na ulam.
Hindi ko alam kung ano yun basta pagkain, gora na. Gutom na ako. Nagwawala na yung mga dragon sa tiyan ko. Yung tipong tubig palang ininom ko nag-aagawan na sila.
Hindi ko napansin na nakapaghanda na pala si Mama ng pagkain. Hinihain na niya sa harapan ko.
Ang bango. Pinakbet. Favorite ko 'to since bata pa ako.
"Ih, Mama! Love it! Pak na pak! Bet na bet! Pinakbet!" inamoy ko yung usok nito. Ang sarap! Sa sobrang saya ko ay nagmukha akong bata sa harap ni Mama.
"Buti naman at medyo nabawasan yung pagod mo" tumawa si Mama, "Masarap 'yan, anak. Luto ni Mama eh."
"Mas masarap pa kay Zayn Malik, Mama?" tiningnan ko siya ng mapang-asar. Tumango lang siya ng may ngiti sa labi. "Uhm, matikman na nga."
Sarap parin talaga luto ni Mama. Walang kakupas-kupas! Dapat sa kanya ay nagtatayo ng kainan eh. Kahit panglibangan lang.
"Ma, Bakit hindi ka kaya magtayo ng canteen?"
"Gugustuhin ko man, Anak. Kaso yunh Papa mo kase eh, ayaw niya daw ako mapagod."
"Ay, OA naman ni Papa. Pero ang sweet ah. Pero sana hayaan ka niya sa gusto mo, Ma. Wala ka naman magawa dito sa bahay. Tsaka dagdag kita 'yon."
"Kahit pumayag ang Papa mo, wala naman tayong pangpuhunan."