Dusty pov
"Ate may bisita tayu" sigaw ni Rusty sakin
"Papasukin mo muna" sigaw ko naman sa kanya
Bnilisan ko nalang ang paglilinis ng kwarto namin.
By the way ako pala Zaila Dustin Villa, 17 years old at tatlo kaming magkakapatid, sina Zare Rustin Villa 14 years old at Zajer Justin Villa 5 years old at kami nalang ang natitira dito kasi namatay si mama nung ipinanganak niya si Justin at si papa naman na aksidente 1year ago.
Pagbaba ko nakita ko si tito Alvin na siyang matalik na kaibigan ni papa at may ari rin ng Tornado University na para sa mga lalake.
Nag mano muna ako bago binati si tito Alvin ngumiti lang si tito Alvin bilang pagbati sa akin
"Diba grade 11 kana ngayung pasukan hija?" Tanong ni tito Alvin at tumango nalang ako bilang sagot.
"Gusto ng papa mo na pumasok ka sa paaralan ko at hiniling niya sakin yun bago siya mawalan ng buhay" malungkot na sabi niya sakin
"Pero papaano po tito, eh panlalaki yung paaralan nyu ehh" gusto ko rin tuparin yung hiling ni papa bago siya mawala sa aming piling, pero bawal mga babae dun sa paaralan ni tito Alvin.
"Remember Dus, ako ang may ari nun at kaya kitang ipasok dun pero kailangan mong maging bakla at saka wag mong ipawatig na isa kang babae kung hindi mapapaalis ka sa school, isa sa mga rule doon na bawal ang mga babae at pagbobotuhan naman ng mga atudent council kung makakapasok roon " mahabang saad ni tito Alvin sakin.
Hindi naman siguro mahirap pagpanggap na lalake diba? Okay na siguro iyon para hindi na ako masyadong mahirapan, kesa magpanggap na tomboy diba? Hayss kaya mo to Dusty, para sa papa mo to, ito nalang ang tanging matutupad mo sa kanyang pangarap diba? Fight Dusty......
"Payag po ako tito para matupad ko po ang pangarap ni papa na kaming magkakapatid mag aaral sa paaralan nyu" ngiting saad ko kay tito Alvin
"Ako na ang bahala sa uniform at books mo hija tatawagan ko nalang ang principal epaenrol ka sa paaralan" lintaya ni tito Alvin sakin
"Maraming salamat po tito" niyakap ko kaagad si tito Alvin
"O sya aalis na ako, may meeting pa akong pupuntahan at wag kayong mag aaway na magkakapatid ha?!" Paalam ni tito samin at yumakap nalang kami ni Rusty kay tito Alvin.
Hayss san makaya kong tumagal sa paaralang iyon. Ginising ko nalang si Justy para mag agahan, nag luto na kasi si Rusty kanina.
.
.
.
.
Lumabas ako para pagmasdan ang ang paligid.Matatayog na mga puno, makapal na mga damo , mga batang naglalaro at naghahabolan, mga ingay ng kapitbahay. Kahit hindi kami nakatira sa subdivision pero hindi rin kami nakatira sa eskwater area, kahit ulila na kaming magkakapatid meron paring tumutulong samin tulad nila tito Alvin at mga kapitbahay namin.
Sana ganito nalang kami araw araw na walang problema kundi ang gastusin namin araw araw.
YOU ARE READING
Ang Dati Kong Classmate (Heartless Girl)
Ficção AdolescenteAng babaeng masiyahin noon naging heartless ngayon