Chapter One

0 0 0
                                    

Kain, Tulog, Aral

Yan ang kadalasan na ginagawa ko sa buhay ko

Karamihan sa mga taong nakakasalamuha ko ay naiinip dahil sa pamumuhay na meron ako.

Sanay na ako na kung anong meron ako. Dahil mas gugustuhin ko pang tahimik kesa magulo.

Pero dahil loser ako sa mga paningin nila.
Walang sinong taong ang gustong lumalapit para kaibiganin ako.

Oo, walang kuma-kaibigan sa akin. At mas lalong hindi ako kuma-kaibigan sa kanila kung ayaw naman nila.

Wag pilitin kung ayaw.

May mga kaibigan naman ako kahit papaano.

"Class dismissed. Bukas na lang natin ipagpapatuloy ang ating nahudlot na lesson. You may now take your lunch and.... Study well"

Pagkalabas nang aming teacher ay nagsi-tayuan ang mga kaklase ko at ganoon rin kami ng mga kaibigan ko.

Kanina pa ako kasi ako nakakaramdam ng gutom dahil hindi ako nag-almusal kaninang umaga dahil late na ako bumangon. Pinagalitan tuloy ako ni papa.

"Saan tayo kakain bessy" pagkalapit na pagkalapit ni Judith sa akin.

"Sa Papsi's Burger na lang tayo" mungkahi naman ni Millie. Tinaasan ko naman siya ng kilay sa kanyang suggestion.

"Wala 'kong pera tss." Agad na sagot ko. Ngumiti naman ng pagkalaki laki sa akin si Millie at kumapit pa ito sa kamay ko.

"Libre ko naman Bessy. Alam ko naman na hindi mo tatanggihan basta 'PAGKAIN'... 'nu ka'ba" pagpapacute naman nito. Ngumuso ako sa sinabi niya at lumayo ng bahagya.

"Pasalamat ka pagkain yan" nakangusong sabi ko naman at tumawa naman silang dalawa

"Si Dee Avis Yu pa? Tatanggihan ang pagkain? Sus... kalokohan" umiiling iling naman sabi ni Judith at natawa naman kaming tatlo.

Sabay sabay kaming lumabas at tinungo ang daan papunta sa Papsi's Burger na tinutukoy nila.

"Alam mo bang ang daming nagkakagusto doon?" Bulong sa amin ni Millie nung nakapasok na kami sa loob. Hindi ko pinansin ang sinabi niya, naghanap na lamang ako ng mauupuan namin.

"Sino?" Takang tanong naman ni Judith

Hinila ko silang dalawa nung nakahanap na kami ng mauupuan. Kung saan walang masyadong dadaan.

"Wait lang Bessy.. alam kong ililibre kita pero wag atat okay" naiinis na sabi sa akin ni Millie dahil may tinitignan pa ito mula malayo..

"Yun nga e. Libre mo ba'ka madisgrasya pa. tss" singhal ko. Wala na silang magawa at nagpahila na lang sila.

"Kahit kailan talaga pagkain na lang inaatupag mo. Tsk tsk" Umiiling iling na sabi ni Judith. Tinignan ko lang siya ng masama. Umupo kami at tinawag ang waitress.

"Kyaaaahhhh" biglang tili ni Judith at hindi pa nakuntento pinagsasabunot pa ako.

"A-Aray aray! Ano ka- A-Aray B-Bitawan mo nga ako! Anong nangyayari sayo!" Sigaw ko kay Millie at tumayo ako pumunta sa pwesto ni Judith kung saan nakaharap ako kay Millie. Parang nakatalikod ako sa entrance.

Gets niyo? Ay basta! Hehe

"Bakit ka naman nagtitili diyan mag-isa?" Tanong naman ni Judith sa kanya.

"Si Fafa--"

Hindi na natuloy ang sinasabi ni Millie nung dumating na ang waitress

"Good Morning. May I know your order ma'am?" Nakangiting sabi ng waitress at ibinigay ang mga menu nila.

"Viggie burger without tomatoes and.... Sprite... Ikaw Millie?"

"Gano'n na rin pero coke yung akin... Viggie din ba sayo Dee?" Baling naman ni Millie sa akin.

Tutal libre naman niya bakit hindi ko pa sulitin.

"Heart attack burger" nakangiting sabi ko. Nanlaki naman ang mata nilang tatlo sa sinabi ko.

" Two kilograms po ang Heart attack burger po, Ma'am" parang nag-aalangan pang sabihin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo, alam ko" walang ganang sabi ko. Napatungo naman siya.

"E-Eh ano po Drinks na'tin ma'am?" Tanong naman niya.

"Orange Juice" sinulat naman niya. Inulit niya ang mga orders namin at umalis na rin ito.

"Bakit ka nga ba nagtitili kanina ah?" Baling naman ni Judith kay millie. At ayun na naman ang itsura niyang tanga.

"Ayon oh!" Ngunso niya sa harap ko.

"Anong me--- Kyaaaah! Bat ngayon mo lang sinabi"

"Paano kasi dumating yung waitress"

"May gad, buti na lang malapit tayo sakanila."

"Oo nga e. Hihihi gwapo niya 'no?"

"Sinabi mo pa hihihi"

"Ano ba kayo! Para kayong tanga diyan! Kung nagsasakitan kayo diyan. Doon kayo sa labas at wag niyo ko idadamay tss" Suway ko sakanilang dalawawa.

Paano ka ba naman hindi maiinis sa kanila. Maya't maya silang titiliin tapos naghahampasan pa silang dalawa. Pero parang wala naman silang naririnig at nanatitili lang ang mga paningin nila sa likuran ko.

"Aiish! Ano ba'ng meron doon at nagkakaganyan kay-- shit!"

I LOVE YUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon