Two is better than One- Chapter 2
Tom's Pov~Masisira ko rin to. Tsk. Konti nalang. Maliligtas ko siya. Konting tiis nalang, Kylie.
"Tom, please dalian mo. Baka maabutan tayo ni Franco." Iyak niya sa loob. Nasasaktan ako para sa kanya. Bakit nagagawa sa kanya to ni Franco? Bakit siya sinasaktan ng sariling asawa?
"Konti nalang, Kylie. Konti nalang." Tagaktak ang pawis ko. Sugatan na ang kamay ko pero balewala lang to, ang importante mailabas ko siya dito. Bakit pati to kinadena ng gagong yun? Tsss
"Tom.." Humagulhol siya. Parang nawawalan na siya ng pag-asa. Paulit-ulit narin akong nagmura dito. Bwesit ang lalakeng yun. Wala siyang kwentang asawa! Iningatan ko ang bestfriend at kaisa-isang babae sa buhay ko pero nakuha pang gawin to ni Franco? Magbabayad siya! "Tom, kung hindi mo na kaya.. Wag mo nalang pilitin. Umalis ka'na, maaabutan ka niya Tom."
"Kylie, ilalabas kita dito. Kahit anong mangyari." Shit. Kumuha na ako ng bato pero hindi parin maputol-putol. Wala nang oras! "Magtiwala ka sakin."
"Salamat Tom."
Blaaaggggg** shit. Sa wakas! "Kylie.." Tinulak ko kagad ang pinto para buksan. Agad niya akong niyakap gamit ang isang kamay niya dahil ang isang kamay niya ay nakakadena rin sa kama. Bwesit ka talaga Franco! Duguan na ang kamay niya. Halatang pinilit niyang makaalis sa kadena. Sugatan rin ang kanyang mukha at marami siyang pasa. Nalulungkot ako at nagagalit dahil hindi ko siya nailigtas noon. "Ligtas ka'na." Pinutol ko rin ang kadena sa kamay niya. Medyo natagalan nga.
Nanghihinang yumakap siya sakin nang makawala siya sa kadena niya. Naiiyak ako sa awa at galit. Hindi ko alam na ganito pala ang ginagawa ni Franco. Ang saktan at ikulong ang asawa niya.
"S-salamat To~~~" hindi na niya matapos dahil nawala na siya nang malay. Kinarga ko siya at lumabas na kami.
Kailangan ko siyang dalhin sa Hospital.
"Sir Tom, ano pong nangyari sa kanya?" Tanong ng isang nurse namin habang hinihiga sa stretcher si Kylie. Itinakbo ko kagad siya sa loob.
"Nasan si Dad? I need him!" Sigaw ko sa kanila.
"Tawagin po namin siya." Sabi ng isa at nagmadaling umalis. Dumiretso kami sa ER. Pag-aari namin ang ospital na'to kaya mas safe dito si Kylie. Gagawin ko ang lahat para gumaling siya at protektahan siya.
We're bestfriends since 5 y/o. Matanda lang ako ng ilang buwan sa kanya pero sabay kaming nag-cecelebrate ng birthday. Sinasabay ko ang birthday ko sa kanya kasi yun ang gusto. I love her. Iningatan ko siya ng sobra-sobra. Since nawala ang parents niya ay kinupkop namin siya ni Dad. Namatay sa aksidente ang papa niya at yung nanay namin, parehong nawala dahil sa malubhang sakit.