Chapter 3

26 1 0
                                    

Two is better than One- Chapter 3

Two is better than One- Chapter 3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dylan's Pov~

"Diba sabi ko, smile? Smile ka'na Aries. Ang guwapo mo pag nakangiti." Inayos ko na ang lahat ng gagamitin ni Ella. I'm her assistant. Kung nasaan siya, andun din ako. Taga dala ng gamit, taga ayos, taga alaga sa kanya. Ginagawa ko ang lahat for her. Maganda din naman siyang magpa-sweldo at sobrang bait niya sakin.

Sobrang close niya sa bago niyang subject ngayon. Nagseselos ako. Oo, gustong-gusto ko si Ella simula nung highschool palang kami. Yun nga lang, hindi ako nakapag kolehiyo kaya eto assistant lang pero atleast marangal at nakakasama ko pa siya lagi.

"Ayan. Ang galing mo, Aries." Ngiting-ngiti siya kay Aries. Binaba ko na yung iba pang cam niya sa mesa at tinignan silang dalawa. Bagay sila. Ako? Mahirap lang ako. Wala akong maipagmalaki sa kanya. Kaya minsan nahihiya ako sa kanya. Gusto ko siyang ilibre dahil siya lagi yung nanlilibre eh. "Uhm, Dylan?" Agad akong umayos ng tayo nang tawagin niya ako.

"Yes Ma'am?"

Ngumiti siya sa'kin. "Water please?"

"Sige po." Kumuha kagad ako nung  binili naming mineral water at inabot sa kanya. "Eto po." Ngumiti ako sa kanya.

"Thank you, Dylan. Uhm, wait lang Aries ah." Nagkatinginan kami nung Aries. Ang sungit nga eh.

"Baka nagugutom po kayo Maam Ella, may dala akong sandwich." Kinuha ko kagad sa dala kong bag ang sandwich ko.

"Uhm, thank you Dylan. Break muna tayo, Aries." Sabi niya at ngumiti na naman sakin. Gustong-gusto ko talaga yung ngiti niya..nakakawala ng problema at negativity.

Lumaki ako sa bahay ampunan, at nung kinse ako doon na ako tumakas at namuhay mag-isa kaya lahat ng hirap, kinakaya ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Lumaki ako sa bahay ampunan, at nung kinse ako doon na ako tumakas at namuhay mag-isa kaya lahat ng hirap, kinakaya ko. Nabuhay ako na ako lang. Nag-aral ako pero hanggang highschool lang naman ang natapos ko. Kaya sanay na sanay ako sa hirap.

"Dy, napag-isipan mo na ba yung offer ko sayo?" Tanong ni Ella nang iabot ko sa kanya ang Juice na pinatimpla niya. Gustong-gusto ko talaga yung pinagsisilbihan siya kasi siya yung prinsesa ko. Ang nag-iisang babae sa buhay ko.

"Uhm, opo.. Pero Ma'am, hindi nalang siguro. Masyado pong mahal ang tuition doon at baka hindi ko po kayanin, masasayang lang." Napakamot ako. Totoo naman eh. Kahit na magtrabaho ako araw-araw nang walang tulog, kulang na kulang parin.

"Ano ka'ba, bibigyan ka naman ng scholarship eh. At tsaka diba tutulungan kita? Tutulong ako. Sayang naman Dy, matalino ka naman. Malayo ang mararating mo." Ngumiti siya na para bang binibigyan niya ako ng pag-asa. Nakikita ko sa mga mata niyang gusto niya akong tulungan pero nakakahiya naman. "And, hindi mo na kailangang mag-rent kasi pwede ka naman sa bahay. Mabait ka Dy at may tiwala ako sayo." Masarap pakinggan ang lahat ng iyon. Masayang-masaya ako sa sinabi niya. Yun na ata ang pinakamagandang narinig ko ngayong araw na ito. Pinapasaya niya talaga ako.

TWO IS BETTER THAN ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon