"Hindi ako papasok ma" sabi ko na ikinabigla naman ni mama
"Bakit anak? Masama ba pakiramdam mo?" Umiling ako bilang sagot. Nako ma kung alam mo lang.
Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang nangyari kahapon. Pasensya na Salmon hindi ko masusunod ang napag-usapan natin kagabi. Kinarga ko ito at dinala sa banyo. Pahirapan muna bago ko maipasok sa banyo. Grabe! Ganon ba katakot ang mga pusa sa tubig?
"Sabay tayo maliligo okay?" Sabay na lang kami maliligo para naman kahit mabasa ako ay ayos lang.
Ayaw niya talaga paawat. In'on ko na ang shower at agad na itinapat sa kanya. Detachable kasi ang shower namin.
Natatawa ako sa itsura ni Salmon, hindi siya mukhang basa sa paningin ko kundi basang sisiw.
*meow*
*meow*
Agad na akong nagtanggal ng aking mga damit at mas lalo itong nag-ingay. Napatingin naman ako sa itsura ko.
"Panget ba ang katawan ko Salmon at kung maka'react ka naman"
*meow*
"ayy! Sige na magdadamit na lang ako"
*meow*
Matapos ang ilang minuto ay natapos na din kami at pinagalitan ako ni mama dahil daw nag-damit pa ko. Humingi na lang ako ng pasensya at tiningnan ng masama si Salmon. Napaka-arte kasi ako tuloy napagalitan.
"Aalis pala ako, magkikita kami ng tita mo baka gabihin ako. Kumain ka na lang sa labas." Aba at may gala sila mama
"Hindi pwede ma. Walang kasama si Salmon. Walang magpapakain" Umiiling kong sagot kay mama.
"Oh siya sige ikaw ang bahala. Mag-iiwan na lang ako ng pera sa lamesa. Ikaw na bahala mag-budget"
Dumeretso na si mama sa banyo at naligo. Agad naman akong pumasok sa kwarto at magtatanggal sana akoo ng tuwalya ay narinig ko si Salmon.
*meow*
"Bakit andito ka sa kwarto?" Gulat kong tanong dito. Inilabas ko kasi ito sa banyo bago ako magtuwalya.
*meow*
Ibinukas ko ang pinto ng kwarto at kusa naman siyang lumabas. Napailing-iling na lamang ako. Bakit ba ang arte ng pusang iyon? Sila Negi naman at Gray ay hindi. Kung sabagay babae ang dalawang iyon.
Matapos kong mag-bihis ay sakto namang tapos ni mama sa pagligo. Mabilis si mama maligo kumpara sa akin. Halos isang oras talaga ako maligo pero dahil kasama ko si Salmon ay hindi ako nag-tagal dahil mas inintindi ko ito.
"Anak! Alis na ako. Mag-ingat ka ha at i-lock mo ang gate" Tumango ako dito bago humalik sa pisnge
"Ingat po ma and enjoy!"
Pag-alis ni mama ay nag-bukas lang ako ng Wi-Fi at chineck ang mga nag chat sa akin. May mga texts pala sa akin sila kuya Gio at si Ace. Napabuntong-hininga ulit ako ng maalala na naman ang nangyare kahapon.
Nahihiya ako. Wala naman akong karapatng magalit o mainis pero wala nangyari na bahala na lang. Bukas na lang ako papasok.
Lur Allen Ramientos added you as a friend
Accept Decline
![](https://img.wattpad.com/cover/146194557-288-k539575.jpg)
YOU ARE READING
A Felis Catus' Tale
General FictionButi na lang pala at gala ka, napunta ka tuloy samin, sakin. Pangako iingatan kita, pero dapat ako din. Sasamahan kita kaya dapat ako din samahan mo. Ikaw at ako. Magkasama tayo. Kaya ayan, dahil good boy ka, may pasalubong ako. *meow* Hi everyone...