Poetry #8

7 0 0
                                    

Bestfriend

"Naka-move on ka na ba?"
Lagi kong tanong sayo, noon pa.
Gusto kasi kita.
Pero sabi mo maghanap na lang ako ng iba.

Hindi ba pwedeng ikaw na,
Ayoko kasi ng iba pa.
Hindi ba ako maganda?
O ayaw mo lang talaga?

Sakin ka pa naghanap ng chix mo gago ka
Nandito na nga ako naghanap ka pa
Seryoso kaya ako sayo, dati pa
Hindi ba talaga pwedeng ako na?

Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa
At kung bakit sayo pa talaga
Ako na lang kasi tangina
Ayaw mo ba talaga?

Mukha na akong tanga
Kakaisip kung anong kulang pa
Ano pa bang dapat na gawin pa?
O ako'y bibitiw na lang talaga?

Nagbago ako para sayo
Sabi mo kasi ayaw mo sa kagaya ko
Inisip ko, para rin to sa ikabubuti ko
Pero eto kasi yung kasiyahan ko

Tapos sabi mo ayaw mo to
Kaya sinusubukan ko ng itigil to
Nahihibang na ako dito
Pero parang wala lang naman sayo to

Bakit ba ako nagpapakatanga sayo?
Sabi kasi nila bagay tayo
Kaya lalong nabuhayan yung loob ko
Pero iba nga pala yung gusto mo

Maganda siya,
Matalino pa.
Nasakanya na nga ang lahat yata
Kaya ano pang hahanapin mo, diba?

Pero ayaw ka na niya
At gustong gusto kita
Hindi ba talaga pwedeng ako na?
Para naman maging masaya na tayo diba?

Sasaya ka nga ba sa akin?
Kung lahat ng meron ako ay puro pasakit?
Kailan ko ba 'to ititigil?
Ayoko na, nakakapanggigil!

Saan ko nga ba nakukuha
Ang mga salitang ibinubuga
Pati ang kapal ng mukhang naipapakita
Ayoko na, pero kasi gusto kita

Gusto kita
At wala akong magawa
Gusto kong itigil na
Pero hindi ko kaya

Marami na akong nakausap na iba
Mas gwapo at mas sweet pa
Pero hindi ko ba alam kingina
Ikaw lang talaga ang gusto ko, wala ng iba.

Ang dami kong naisusulat diba?
Pero hindi ko maipakita
Hindi ko kayang maisampal sayong mukha
Na gustong gusto kita

Bakit nga ba?
Baka kasi nakakahiya
Nakakahiya sayo at sa iba
Na friends lang tayo tapos gusto na pala kita.

*************
(2017)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poetry RushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon