The Bride

204 4 2
                                    

A/N: Sorry po sa late update : ) salamat rin po sa pagbabasa:) muaahhhhh….!

       Naisipan ko lang po tong gawin, hango po to sa storya ng isang kapitbahay naming pero nilagyan ko lang po ng kunting art.hehe..^_~V

          Pasado alas dyes na ng gabi nang matapos ang aming klase.Austine po,Isa sa mga tinatawag nilang nocturnal students sa isang kilalang College University sa amin, student assistant sa library sa umaga at studyante naman sa gabi. Hindi biro ang buhay ng isang student assistant, mahirap pero kailangang tiisin. Kung tatansyahin mahigit dalawmpung minuto ang byahe bago makarating sa amin tapos  limang minuto rin ng lalakarin galing sa babaan papunta sa bahay. Malayo-layo rin ang binabyahe ko araw-araw, tapos minsan dadaigin ka pa ng takot pag-uwi mo dahil kahit malapit na rin kami sa kabihasnan..di pa rin nawawala ang mga kababalghang bumbalot sa aming lugar… bago kasi ako makarating sa amin kailangan ko pang daanan ang isang malaking kahoy na pinaniniwalang kanlungan ng mga di nakikitang bagay.

          “ Psst—Psstt! Ayan ka naman  nakatulala..Ano ba kasing iniisip mo?” singit ni NiKa na nasa tabi ko ngayon,kapitbahay ko sya at magkaklase rin kami sa kursong I.T , nasa gilid kami ngayon ng kalsada naghihintay na dumaan ang bus para sa last trip.

“ wala naman Niks nag-iisip langJ sagot ko sa kanya. “para ka namang engot jan..”sagot nya, sinamaan ko nga ng tingin. “Heehehehe!Joke lang nman Austine ang sensitive mo…hehehe…Uie engot este Austine yan na yung bus uh..tara bilis…dami pa namang nag-aabang dun!” sabi nya habang hinahatak ako papunta sa nakaparadang bus, kahit kailan talaga tong babae na to tsansing,hehe..pero joke lang parang kapatid na kasi turing namin sa isa’t-isa eh..

-----------25 mins. After---------

“ Haay salamat nakababa rin..ang init kaya sa loob tas nakatayo pa tayo…siksikan! Grabe!hoooh!” reklamo nitong kasama kong maarte. “Teka anong oras na ba?” tanong ko sa kanya, iba kasi pakiramdam ko ngayon eh ewan ko ba. “Alas onse y media na po senyor!” iritang sagot nya halatang pagod at inaantok na. “Ang tagal naman yata nating nakauwi..hmmmm” “wag ka nang magtaka jan..malamang naghintay pa tayo sa bus tas naglakad pa tayo papuntang sakayan ng bus. Satisfied ka na sa explanation ko? O! sha tarana!” mahabang litaniya nya..hatak na naman ako ng babaeng ito hay nako po.

“ Uie ikaw na mauna!”

 “Ano ba! Ikaw na nga!”

 “takte naman uh!ikaw na!”

“Uie bilis na!nababakla ka na namang bakulaw ka!”

“Bakla ka jan…gusto mo halikan pa kita dyan eh!”

“huhuuhuhuhhu”

“O sha! Sige na dito ka sa likod ko bilis.!”

Opo, marahil po’y nagtataka kayo kung bakit kami nagtatalo ngayon, papasok napo kasi kami sa daanan na may isang malaking kahoy, sabi po kasi ng mga taga amin marami daw pong nagpapa……….

“  Uie Austine tara na..natatae na ako sa takot ei..huhu” nakahawak sya ngayon sa laylayan ko.

“Umayos ka nga..tara na bilisan mo paglalakad hah!” sabi ko sa kanya..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nginig, Kaba, TakboWhere stories live. Discover now