CHAPTER 1

13 1 0
                                    

























"Wag mo 'kong iiwan Luna .. Please" Pakiusap nya habang nakadantay ang kanyang ulo sa mga hita ko.



"Wag na wag mo kong iiwan hah .." sandali syang natigilan sa pagsasalita



"Kapag iniwan mo 'ko, papatayin kita .." Namilog ang mga mata ko sa sinabi nyang 'yon.



"Kahit san ka pumunta, mahahanap kita hindi ako titigil hanggat hindi kita nakikita, susundan kita hanggang sa dulo ng mundo Luna.." bigla syang bumangon sa pagkakadantay sakin.



"Ikaw lang ang buhay ko Luna .. " tiningnan nya ako ng matalim at derecho saking mga mata sabay haplos saking pisngi ..



"Mahal na mahal kita, Kailangan kita kaya, wag na wag mokong iiwan .." isang malalim at buo-buong boses nya na paulit ulit na umeecho ngayon saking tenga ..



Tumango na lang ako senyales ng pagsang-ayon.


Tapos non ay dumantay uli si Juno saking hita na parang isang bata na ayaw malayo sa kanyang ina.







Oo Juno hindi kita iiwan dahil mahal kita, Mahal kita kahit alam kong baliw ka ...
























Paano nga ba ako napunta sa sitwasyon na 'toh, sa sitwasyon na kasama ko sa iisang bubong na 'toh ang stalker/Kidnapper/Psycho/Baliw na si Juno. Marahil iniisip nyo na bakit hindi ako tumatakas, bakit hindi ako nagsusumbong sa mga pulis o tumawag sa mga kakilala ko.



Tanong ko din yan sa sarili ko dati, nung unang araw na dinala nya ako sa liblib na lugar na to. Tandang tanda ko nun, Pauwi ako galing sa school, mag-isa lang akong umuuwi walang kasabay, walang kakwentuhan dahil wala ni isa akong kaibigan.



Oo, loner nga ako, hindi ko alam bat ayaw ng mga tao sakin, pati mga magulang ko nagawa akong ipaampon sa iba. Yung umapon sakin, lagi naman akong sinasaktan at binubugbog. Minsan naisip ko bat pa 'ko nabuhay sa mundong to. Ewan ko ba, mukang malas talaga yata ako.



Kahit alam kong delikado na umuwing mag-isa nuon dahil bali-balita sa skwelahan namin pati sa mga kapitbahay na mayroon daw gumagalang kidnapper dito samin, wala naman akong choice eeh,kaya kinaya kong mag-isa ..




Hanggang sa ..




Isang lalaking nakamask, naka suede cap at itim na jacket ang bigla nalang lumitaw sa harapan ko.




Sya siguro yung sinasabi nilang kidnapper.



Hindi ko alam ang gagawin ko sa sitwasyon kong iyun, nanginginig ang aking tuhod at halos maiyak na ako sa takot. Hindi ko alam bat hindi ko nagawang sumigaw nuon o kaya tumakbo, napasalampak na lang ako sa lupa.


"Ang malas ko talaga" bulong ko sa sarili ko.



Lahat na yata ng kamalasan sa mundo napunta sakin.




Bakit??



Bakit??



Bakit???? ..




"Sumama ka sakin .." isang malalim na boses ang lumabas sa kanyang bibig habang nakatayo lang sa harap ko sabay lahad ng kanyang kamay sakin.



Hindi iyon pagalit o anu pa man, malambing ang kanyang pagkakasabi na parang tyak na ligtas ako sakanya. O dala lang 'yon ng isip ko.




Nakakapagtaka din dahil walang bakas ng karahasan sa kanya, wala syang kutsilyo, baril o anu pa man na hawak, O nagkakamali lang siguro ako.




Napabuntong hininga na lang ako.




"Wala namang akong magagawa diba? " bulong ko uli sa sarili ko.




Wala namang mawawala sakin diba dahil wala namang may pakealam at nagmamahal sa katulad ko.



Wala!! wala!! wala!! ..




Dalawa lang ang naisip kong pwedeng mangyari sakin nuon- sumama ako sa kanya o mamatay ako, o pwede namang pareho.




Tumayo ako sa pagkakasalampak sabay ayos sa king damit na nadumihan. Pinahid ko ang mga luha ko at ngumiti sa kanya, sa lalaking nasa harapan ko.




Kinuha ko ang kanyang kamay, kahit hindi ko makita ang ngiti nya, bakas sa kanyang mga mata ang tuwa. Tuwa dahil sasama ako sa kanya o tuwa dahil isa na naman ako sa mga mabibiktima nya.





Hindi ko alam ang sagot.




Sabihin na natin na BAHALA NA, buo na ang pasya ko nuon. Sasama ako sa kanya, kinamayan ko sya na parang matagal na kaming magkakilala, na parang matalik kaming magkaibigan sabay sabi ko na .




























"A-a-ako nga p-pala si Luna .."



OBSESSION: My Little FireflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon