CHAPTER 2

15 1 1
                                    




"A-a-ko nga p-pala si Luna" kabado kong sabi, ni hindi man lang sya nagsalita o nagpakilala.


Pagtapos nuon ay hinila nya ako at sumakay kami sa isang motor na nakapark malapit lang sa kung saan kami nakatayo, inabutan nya ako ng helmet, sinuot ko naman iyon tapos ay pinaandar na nya ang motor. Hindi sya umiimik habang bumabyahe kami. Hindi ko rin magawang magsalita dahil magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko nuon, takot dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta o saan nya ako dadalin o kung anong gagawin nya sakin.


Napasimangot na lang ako. Ewan, bahala na.


Mabilis sya magpatakbo pero muka namang sinisigurado nyang hindi kami madidisgrasya.

"Kumapit kang mabuti" bulong nya sabay hawak sa kamay ko at nilagay nya iyon sa baywang nya.


Nagulat ako at bigla na lang akong namula. Siguro dahil hindi lang ako sanay na nakayakap sa isang lalaki. Sana hindi nya mahalata o maramdaman ang kabog ng dibdib ko. Kung tutuusin hindi dapat ako nakakaramdam ng ganitong kilig dahil hindi naman talaga kakilig kilig ang sitwasyon ko.




"Ano ka Luna, nasa Telenovela?? Love Story lang ang peg mo?? " bulong ko sa sarili.


Napatingin ako sa paligid, medyo malayo na yata ito sa lugar namin. Mapuno ang tabi ng kalsada at madaming ring palayan kaming nadadaanan. Kakaunti rin ang mga bahay, kaya mukang liblib na lugar ang pupuntahan namin.


Malamig ang hangin na tumatama sa muka ko, nuon lang ako nakaramdam ng ganuong kapreskuhan, yung pakiramdam na para akong lumilipad. Itinaas ko ang aking kamay na para akong may pakpak, napangiti ako..


"Woooooooooooohhhhh!!!!" sigaw ko ng malakas.


"Huy! Kumapit ka" bigla syang nagdahan dahan sa pagdidrive.


"Baka mahulog ka nyan, delikado .." malambing nyang sabi sabay lagay uli ng kamay ko sa bewang nya. Napatawa na lang ako, nagdrive uli sya.


"Sorry " sabi ko na lang.


"Fist time ko kasing lumayo ng ganito samin, first time ko din makasakay ng motor ..ang sarap pala sa feeling .." dagdag ko.


Nakita kong tumango sya. Aaminin ko nawala ng kaunti ang pangamba ko.


Tumagal pa ang byahe namin, siguro mahigit 1 hour yon. Malapit narin ang gabi at medyo dumidilim na. Nasa kalagitnaan kami nuon ng isang mahabang highway, walang kabahay-bahay sa paligid, puro puno lang at halaman. Biglang bumagal ang kanyang pagmamaneho hanggang sa huminto kami kaya nagtaka ako.


"Bakit?? " tanong ko sa kanya.


"Nandito na tayo .." malumanay nyang sabi sabay alis ng kanyang helmet.


Napalingon ako sa paligid, walang sasakyan, walang bahay, walang kahit anu man,, wala nga ata ni isang buhay sa lugar yon. Tapos, natulala na lang ako bigla.


"Mukang eto na 'yon Luna!" sigaw ko sa sarili ko, kumabog ng matindi ang dibdib ko.


Ito na yata yung lugar kung saan nya ako papatayin, o rereypin o chochop-chopin. Nakita kong may kinukuha siya sa kanyang bag kaya naman napaatras ako.


"A-a-ano 'y-yung k-kinukuha mo ??" kabado kong tanong.


"Hah??" tanong nya rin sakin na para bang hindi nya ko naintindihan.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OBSESSION: My Little FireflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon