Sam and Carlo I

0 0 0
                                    

Simula palang grade 1 mag kaklase na sila. Si Carlo ata ang naging unang boy bestfriend ni Sam. Oo maganda si Sam pero onti lamang ang nakakakita.
Kinder palamang lapatin na ng mga lalake si Sam. I know I know ang astig diba?! Kahit bata lang yan may pakarimdam yan.

Syempre si Sam walang ka muwang muwang. Meron syang naging kaklasmate na nag kagusto sakanya...tinatawag sya laging "my princess" nun. Eto naman si Sam natatakot. Kaya meron panahon na dumating sa punto na parang ayaw ng pumasok ni Sam sa school. Ang masaklap pa dun, mag kaibigan ang daddy ni Sam at daddy ng lalaki. Whatanice~

Unang taon palang nun ni Sam. Paano pa kaya pag lumaki pa sya at nagdalaga. Laging maayos ang buhok noon ni Sam. Laging nakatali ang kanyang buhok. Napaka linis at disenteng bata. Ang cute cute pa. merong namumukod tanging ganda si Sam ni-iilan lamang ang nakakakita. Meron ding angking talino at talento si Sam. Magaling sya magdrawing. Mataas ang scense of humor ni Sam pero minsan hindi sa academics. Magaling sya sa leadership pero kung sasabihin mong bubungguin mo sya sa kahit ano...nako lagot ka.maghanda ka, may lahing Garcia yan. Wag na wag mo syang subukan na awayin baka mauna ka sa langit. Grabe kung magalit si Sam. Pero si Sam na mismo umiiwas sa gulo,kasi alam nyang mali. Mabait si Sam at may takot sa Diyos. Isa syang Christian.

Noong grade 1 sya doon nya naranasan magkaroon ng crush. Si Iggy. Una nyang crush. Loyal si Sam,si Iggy lamang ang kanyang crush.
Meron syang nakitang kaklase nya dati na kaklase nya parin hanggang grade 1 at 2. Si Jenny.

OK PUNTA TAYO KAY CARLO.
Si Carlo ok naman sya. Mahilig sya sa sasakyan. Maputi,pogi, pero makulit at sabihin natin meron syang ugali na pagkatamad. May pagkaseloso si Carlo... cute na bata. Kaso laki ng eyebags..mung zombie. Ahahhaha...

Lapitin din ng babae si Carlo. Sabihin nating mas lamang ang kagandahan ni Carlo kesa kay Sam.
Ang astig nga ng pagkakilala nila sa isa't isa.
Isang araw nag lalaro si carlo ng hotwheels nya. Nasa harapan ni Carlo si Sam. Nung oras na yun may hawak na gunting si Sam.
So iyon nga, nag laro silang dalawa. Ang laro nila ay
"GUGUPITIN KO YANG HOTWHEELS MO"

So iyon...sinusubukan ni Sam gupitin ang Hotwheels ni Carlo. Tinago ni Carlo yung hotwheels sa likod ng upuan ni Sam. Sinundan naman ng gunting ni Sam. May nakapa si Sam at ginunting gunting nya iyon.

Pag ka angat ng kamay ni Carlo nag dudugo ang isang daliri ni Carlo sa kaliwa. Buti nalang hindi naputol.
At simula non ay naging magkaibigan sila.
Nag tapos ng grade 1 si Sam ng first honor, ngunit kahit man ay ganoon. Kahit kailan hindi lumaki ang ulo ni Sam.
Alam nya sa sarila nya na wala syang angking talino...sipag lamang ang mayroon sya.

Kaibigan lang talaga ang tingin ni Sam kay Carlo noon... pero nung grade 2, nagbago ang lahat.

Nag transfer na sa ibang school si Iggy..kasabay din nun ang feelings ni Sam... sa una hindi nya pa gaano nararamdaman. Pero bat ganoon?

Si Jenny ang kaibigan ni Sam lagingnagkwekwento kay Sam tungkol sskanila ni Carlo. Iyon si Sam medyo nag seselos na rin. Dito umusbong ang kalawakan ng utak ni Sam. Sa pag alis naman ni Iggy mayroong dumating.
Si Clark. Ang naging kalaban ni Sam sa academics. Ngunit mayroon din angking ugali si Clark na di kanais nais.

Ngayong grade 2 nag second honor lamang si Sam. Dahil nanaig si Clark.
Netong grade 2 hindi masyado nag usap si Carlo at Sam. Dahil bata pa, wala pa silang kaalam alam tungkol dyan sa pag mamahal na yan, ang tanging alam lamang ni Sam na gusto nya si Carlo.

LOVE SCENARIO Where stories live. Discover now