Derrick's Pov

2.8K 150 145
                                    

Derrick's Pov,

No. Hindi ko kakayaning mawala siya. All this time, I've been spying her from afar. Hindi siya mawala sa isipan ko mag-mula nang makita ko siya, at ang pamilya niya sa ilalim ng tulay.

Yes. They are. Mahirap sila. Well, maganda nga si Budoy. Also known as Didi. Pero hindi parin mawawala ang mga taong mag-tataboy sa kanila at ittrato silang mga salot ng lipunan.

Madungis, mabaho, madumi at maitim. 'Yan ang mga una kong nasambit sa aking isipan nang una kong makita ang kinatitirikan ng bahay nila Didi. But I don't know, she caught my attention.

"Hoy mga taong mukhang tae! Lumayas na kayo dito! Mga salot kayo ng lipunan!"

"Oo nga! Ang babaho ninyo!"

Hindi ko mapigilang iharap ang aking mukha sa kung saan ang mga nag-sisigawan ay nandoon. Naka-hawak sila sa harang ng tulay at hinahagisan ng bato ang isang tao o bagay sa ibaba nito.

"Manong, ihinto mo po," saad ko sa driver ko.

Huminto kaagad siya sa gilid, kung saan mismo ang mga lalaking siraulo ay nang-gugulo. Ibinaba ko ang salamin ng kotse at huminga ng malalim. Hays. Bakit ba kasi kailangan ko pang mangialam sa gulo na 'to?

"Hey, dudes," saad ko dito.

Lumingon naman kaagad sila saakin bago sila mag-tinginan sa isa't isa. Tumaas ang kilay ng isa sa mga ito. "Bakit?" Maangas na tanong pa niya.

"Anong ginagawa ninyo sa squater area? Taga diyan kayo?" Saad ko dito na ikinagalit ng dalawa.

"Aba't! Baka ikaw ang taga-squater. Hindi lang naman kami ang nandito ah!" Pikon na saad ng kasama niyang lalaki.

"As you can see. I have my car. My squater ba na may personal car?" Mapang-asar na saad ko.

Ano bang ginagawa ko? Why am I doing this bullshit thing? Bakit kailangan ko pa kasing maki-alam sa away ng squater at isip squater? Kabanas. Wala ng urungan 'to ngayon.

"Aba. Mayabang ang isang ito. Tignan natin kung yumabang ka pa," saad ng lalaki. Yumuko siya at nakito kong kumuha ng malaking tipak ng bato sa sahig.

"If I we're you which is not because we're not in the same level, I won't do that such of things," saad ko dito.

"Hoy! 'Wag mo nga kaming daanin sa english english mo!" Saad ng isa na ngayon ay may hawak na barya na nilalaro niya sa mga daliri niya.

"Tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo," saad ng lalaking may hawak ng malaking tipak ng bato.

"Master, hindi pa ho ba tayo aalis?" Halata sa mukha ng driver ko na natatakot siya sa puwedeng mangyari. "Ako po ang mayayari sa inyong ama kapag may nangyaring masama sa inyo," saad pa niya.

Hindi ko siya sinagot at nilingon ang dalawang lalaki. Nilabas ko ang telepono ko nang akmang ibabato na ng lalaki ang malaking bato sa salamin ng kotse ko.

Huminto sila nang makita iyon.

"Ano? PatI ba ang low class mong cellphone ipag-mamayabang mo?" Tanong nito saakin.

"Nope. Low class? Dude. Iphone X 'to. Tatawag lang ako ng pulis, saglit lang 'to. Would you mind?" Saad ko. Tumipa ako ng mga numero, kunwari ay numero nga ng mga pulis.

Gusto kong matawa sa ekspresyon ng mga mukha ng dalawang lalami. Mabilis itong nag-palit at halata ang nerbyos at takot.

"Culas! Takbo!" Saad ng lalaking may hawak ng bato. Agad silang kumaripas ng takbo. Jeez. Pulis lang pala ang katapat ng mga ito.

At first, hindi ko maintindihan kung anong pumasok sa kokote ko at bakit kailangan ko pang itaboy ang mga lalaki. Maybe, I was a squater before kaya alam ko ang pakiramdam ng ganito?

Yes. Si Mama at ako ay naninirahan sa madumi at mabahong lugar na iyon noon. Pero dumating si Dad, ang step father ko. Mahal na mahal niya ang mama ko to the point na kaya niyang palinisin ang buong squater area noon.

At oo. Mayaman siya. Isa siyang owner ng Oil Company sa Pilipinas.

Nang mamatay si Mama. Nawalan ng saysay ang buhay ko. Natuto akong mag-bulakbol, pero hindi ko pinababayaan ang pag-aaral ko.

"Hoy mga kupal na walang hiya!"

Mula sa hagdan pataas ng tulay, nakita ko ang isang babae. Magulo ang buhok, madaning grasa sa katawan, sinusundan ng langaw kaya malamang mabaho, at. . .oo aaminin ko maganda siya. Lalo na kung maliligo siya at malilinis.

"Miss? Kayo ba ang---"

"OO KAMI NGA! MGA BWISET NA KUPAL YON!" Galit na saad niya savay buhat ng bato at hagis sa kawalan.

"Anong pangalan mo?" I asked curiously.

"Didi," maikling tugon niya.

"Master, kailangan na po nating umalis," saad ni Manong Lucio bago ipaandar ang kotse. Sinundan ng mga mata ni Didi ang kotse ko, hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Mula noong araw na iyon, sinabi ko kay James---magaling na stalker slash agent na alamin ang background ni Didi. Pinakuha ko din ang number niya. At nag-tagumpay naman ako na kuhain ang number niya.

Araw-araw, tinetext ko siya. Nag-panggap na Jejemon upang malamang kakaiba ako sa lahat ng lalaking nakasalamuha niya.

Ilang beses ko na siyang nakita. Naaawa ako sa pamilya niya lalo na nang malaman kong nasunugan sila. I can't accept the fact that I am sleeping in a luxurious room while Didi and her family isn't.

Naaawa ako.

Ngayon alam ko na kung bakit ako nangi-alam noon. Kung bakit tinaboy ko ang mga taong umaapi kila Didi. It was love at first sense. And ofcourse, Love at first sight.

Ewan.

Pinana yata ako ni kupido sa isang mabantot na babae.

But I love her.

Dalawang buwan at kalahati din kaming mag-katext. At sa mga araw na lumipas, mas nakilala ko siya. Siya yung tipo ng babae na matatag kahit na nahihirapan na talaga sa sitwasyon.

Masiyahin kahit malungkot ang mga nangyayari sa paligid niya.

Mapag-biro kahit gusto na talaga niyang umiyak.

Siya. Si Didi. Siya si Budoy.

"Shit! Bakit ako na-inlove sa squater!?" Saad ko habang nag-mamaneho. Papunta ako ngayon sa Philippines General Hospital kung nasaan si Budoy. Kailangan ko siyang puntahan.

Kailangan ko ng masabi ang dapat kong sabihin bago pa siya mawala. No. Hindi siya mawawala.

Hindi ko hahayaang mawala ang babaeng nag-patibok ng puso ni Derrick Ramssey.

Lumiwanag ang lahat. Hindi ko napansin na may parating na eight wheel truck mula sa Kanan kaya naman. . .malakas na salpukan ang naganap.







--
An. Bakit ba ang sarap gumawa ng tragedy story? Yung tipong masarap patayin lahat ng characters? XD. Btw, Derrick's Pov lamang ito. Ang next update ay Didi's Pov or Budoy's Pov. Ano mas maganda? Comment inline your thoughts! Salamat!

Ang Jejemon kong TextmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon