Chapter 2

36 2 3
                                    

7 years ago...

Alexia's POV

Inayos ko yung glasses ko, which is slightly falling.

Oo na, ako na hindi sanay magsuot ng nerdy glasses. Kung bakit ba naman napagdiskitahan ako ng mga bruhang yun eh!  Grrr!!

I tapped impatiently at my phone with a frown plastered all over my face. I tried texting Carrie, asking for her whereabouts. I also texted Zilary, who replied a bit later. Malapit na daw siya.

Hanep naman sa malapit, eh mabuburo na yung kagandahan ko dito. Naiirita pa ako sa damit ko, pa'no ba naman, ang init init naman kasi eh. Kung bakit ito pa talaga yung pinasuot nila bilang parusa sa'kin.

Hintayin niyo, makakaganti rin ako sa mga mangkukulam na yun.

Gigil na nags'scroll ako sa mga account ko sa facebook, IG at twitter. Ang daming messages from groupchats.

Ang aga aga eh. Kabataan hays...

Suddenly, my phone beeped, telling me that a message has arrived.

From Carrie:
     Bruha!! Nasa may gate na 'ko, where na you ba?

To Carrie:
     K, coming.

I hurriedly clutched my cheap bag, oo, cheap lahat ng gamit ko kasi mahirap lang naman kami. Pero I admit, may pagkamaarte ako. Ganun talaga, di naman porke't mahirap magpapakadukha ka na. Poor people can also look decent, decent enough not to look like some lowly class and "trying hard". Sakto lang naman, yung nagmumukha lang akong nababagay sa society haha. Though I'm not in my usual 'decent' outfit right now, pa'no ba naman kasi, talo ako dun sa laro naming tatlo nung nakaraan, ito tuloy yung parusa ko.

Haggard na haggard akong naglakad papuntang gate ng school, medyo malayo rin kasi mula sa waiting shed na pinanggalingan ko. Tirik na rin kasi ang araw since magtatanghali na. Magpapa enroll kasi kaming tatlo ngayon. Ang bilis lang talaga ng panahon, tapos na agad ang bakasyon. So sad.

After ng ilang minuto, natanaw ko na rin si Carrie na nakatayo habang nakatutok sa cellphone malapit sa gate, and fortunately palapit na rin si Zila, looking fresh and blooming.

Ang mga bruha, sinadya talaga nilang mag ayos ngayon. Magmumukha tuloy akong katulong huhuhu

Mas binilisan ko pa ang lakad ko para makalapit agad sa kanila at makapagreklamo na rin.

"Girl, asan na ba si baby Alex?" narinig ko ang mahinhing pagtatanong ni Zila kay Carrie.

"Uy Zila bruha! Ganda mo ngayon ah. Anong ganap?" maarteng inspection ni Carrie sa kabuuan ni Zila, with matching amoy pa ng buhok nito at damit.

Mga may sapak talaga. Tsk tsk tsk... Buti na lang maayos ako hahaha

Nandito lang ako nakapwesto malapit sa tabi ni Carrie, medyo nakatagilid kasi siya kaya di pa ata ako napapansin.

Tahimik lang akong nakikinig sa gilid habang nag uusap yung dalawang baliw.

"Girl, ba't ang tagal ata ni baby Alex? Nahirapan ata sa pagsusuot nung binigay mong damit," rinig kong sabi ni Zila.

"Simple pa kaya yun noh? Tsaka isa pa, wala siyang magagawa, part yun ng parusa eh," rinig ko ang tawang mangkukulam ni Carrie.

Kahit kelan talaga, ang bruha nitong babaeng 'to. Ggrrr!
But wait.. Di ba nila ako napapansin? Kanina pa ko dito ah?

Hmm.. Mapagtripan nga 'tong mga 'to bwahahaha

Binangga ko ng mahina si Carrie mula sa gilid, at nagkunwaring nahulog yung hawak na bag. Yumuko ako ng konti at hinawi yung buhok ko para matabunan ng konti yung mukha ko.

Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon