Alexia's POV
Hindi ko malaman kung pa'no siya titingnan ng diretso, diretso sa mga mata niya ng hindi nahahalata kung gaano ako katensyado.
Ang ganda ng mga mata niya..
I mentally slapped myself, and binaling sa teacher yung atensyon ko. Ramdam ko pa rin yung epekto ng pagtatama ng mga paningin namin kanina.
Ano bang nangyayari sa'kin? Di naman ako ganito makareact usually ah? Simpleng eye contact lang yun nuba.
Napabuntong hininga ako. Lately, nagiging habit ko na 'to. Para na rin siguro hindi ako sumabog dahil sa mga nakakaewan at nakakainis na bagay na nangyayari sa paligid at buhay ko.
"A-ano po bang kailangan kong gawin?" mahinhin kong tanong sa ginang.
Ngumiti naman ito uli sa'kin. Ang ganda rin ng ngiti ng gurong 'to, nakakagaan ng loob. Medyo naging komportable na rin ako dahil sa gaan ng pagkakangiti niya sa'kin.
"Oh, you can call me Ma'am Sheryl iha," sabi niya sa'kin.
Oh, buti naman at naalala niyang magpakilala sa'kin.
"We'll have to settle your schedules iha. Since magiging guide ka niya dito sa campus, and tutor at the same time, I suggest na dapat mapag usapan kung anong oras kayo magkikita, diba?" paliwanag niya pa.
Inayos namin ang schedule and all. Everyday, after class, I need to tutor him, each day may naka assign na subjects and lessons. And every break time, I need to tour him around. Maybe a week is enough to tour him around the campus, 30 minutes lang naman kasi ang break time every morning so hindi sapat ang time na yun para libutin ang buong school na 'to.
Yaya ata ang peg ko dito -.-
I've been exchanging words and opinions with Ma'am Sheryl, yet this guy, ni hindi ko pa siya naririnig magsalita mula kanina. Hindi na rin naulit na magkatinginan kami, kasi iniiwasan ko talaga.
"Okay, so we're settled. I hope you'll get along well, both of you. And Alexia, right? Please be patient with him. You'll understand me kapag nakasama mo na siya," ngumiti ulit si Ma'am sa'kin.
Tumayo na ako at yumuko ng konti, tanda ng pagbibigay galang at ngumiti sa guro. Lakas kong maka K culture haha
Tumalikod na 'ko sa kanila at naglakad paalis, pinipigilan ang sariling lingunin ang lalaking makakagambala ng napakasaya kong schedule sa mga susunod na araw.
xOxOxOxOxOxOxOxOxOxOxOxOxO
"Bruha ka uubusin ko yang buhok moooo," nanggigigil at pak na pak kong hinihila ang buhok ni Carrie. Mukha ng pugad ng Mulawin ang buhok niya dahil kanina ko pa 'to pinanggigigilan.
"Baby Alex, tama na," awat naman sa'kin ni Zila.
Isa ka pa pa grrrr!
Hinila ko rin ang buhok niya. Ngayon dalawa na silang hindi malaman kung pa'no makakatakas sa mala mangkukulam kong mga kamay bwahahaha
Nandito kami ngayon sa likod na parte ng SH building, sa building kung saan ako nanggaling kanina at nakipagsapalaran dahil sa mga bruha na nasa harap ko ngayon, nagmamakaawang pakinggan ko ang paliwanag nila. Hindi ko sila tinigilan hangga't di ko nakikitang namumula yung anit nila haha Kawawang mga nilalang. Masyado ata akong maging sadista.
Serves them right ha!
Nang masatisfy ko ang sarili ko sa pang aalipusta sa kanila ay nagtawanan naman kami. Yep, tama kayo. Mukha kaming mga baliw ngayon eh kanina lang halos mapatay ko na sila at mahugot yung ulo sa higpit ng pagkakasabunot ko sa mga buhok nila.
BINABASA MO ANG
Endless Chase
RomanceYou spent every single time you have with her. You made excuses everytime he asks you to be with him. You told her how much you love her. You asked if how far can he prove it. You gave her your everything. You received what you want from him. ...