Chapter I

14 0 0
                                    

-- Marsha's POV --

Ang dami-dami namang chocolate dito! Naglalaway na ako. Yum :3

"Oh~ Mahal naming Marsha~ lumapit ka at kami ay iyong kainin~ please kainin mo na kami~" - Chocolate

Teka! Nagsasalita ang mga beloved chocolates ko? Uwaaa~ <3 Susunggaban ko na sila! This is it! Wala akong pakialam kahit nagsasalita pa sila! I'm coming, babies!

Tinalon ko sila.

*Blag*

"ARAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!!!" Napasigaw ako. 

Nalaglag na pala ako sa kama! Nilingon ko ang paligid ko.

Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan. 

NAWAWALA ANG MGA CHOCOLATES KO!!!! NASAAN NA SILA! MAY CHOCOLATES~~ T^T

"Ano bang nangyayari, Shanelle?" pumasok na si Mommy sa kwarto. Nakita niya siguro akong nagaabot sa kawalan.

"Mommy, nawala na yung mga nagsasalitang chocolates!" T^T

Hindi na ako pinansin ni Mommy at bumaba na ng kusina. Hindi ba sila naniniwala na nagsasalita ang chocolates?! Well, nagsalita ang chocolates for me. -____-

I checked the clock. 6:47 AM. Uhgad. I am running late! T^T 

Salamat na din sa chocolates at nagising ako dahil sa lumilipad nga naman talaga sila. -___-

Agad na rin akong naligo at nag-ayos ng sarili. 4th year high school na nga pala ako. Sensya naman! First day of school kaya. Yung mga college nga, 2nd week of classes na nagsstart pumasok. Medyo nakakainggit. Hays. 

Bumaba na din ako at sumabay kay Mommy sa table. Apat lang kami dito nina Mommy, si Manang Lourdes at si Manong Bernard. Matagal na sila sa amin, simula pa lang nung iniwan kami ni Daddy.

Yes, iniwan kami. Basta ang sabi na lang sa akin ni Mommy, paggising niya wala na si Dad sa tabi niya. Just like that. Ni walang goodbye o whatsoever. Hindi naman ako nagalit kay Dad, I believe he had a reason why he did that. Pero si Mom, ayaw na niyang paniwalaan si Dad. Hindi na din daw niya tatanggapin si Dad if ever bumalik pa siya sa amin. Lagi niya yun pinaalala sa akin.

Nakapangalumbaba ako ngayon sa table. 7:15 na. 7:30 ang pasok namin, pero hayahay pa din ako no? Hehehe, kalahi ko kasi si Manong Pagong. Sobrang bagal ko kumilos, naiistress nga sa akin si Mom e. Hehehe :P

"Marsha, ano bang sinasabi mong nagsasalita ang chocolates, anak?" ungkat na naman ni Mom.

Naalala ko na naman yung mga chocolates na nagsasalita!

"Hehehe, wala Mom. Wala lang yun. Hehehehe."

Pero promise, parang totoo yung chocolates kanina. -____-

Umiling na lang si Mommy. Minsan di ko din 'to ma-gets e. Ewan ba! Magulo si Mom. :3

Mayamaya ay naghanda na rin si Manang ng pagkain at kumain ako. So mga 7:25, papunta pa lang ako ng school. Bahala nga sila dyan. XD

Dumaan muna ako sa bahay nina Joaquin. Pero as expected, iniwan na naman ako at hindi ginising ng halimaw na 'yun! Ganyan naman siya e. Bully forever! As expected of the 1st Honor everytime. Hindi ko rin ba alam kung bakit kami naging magkaibigan ni Joaquin. Kasing layo ng Korea sa Pilipinas ang agwat ng ugali namin. Mga grades ko, pasang-awa. Mga grades niya, walang bababa sa 95. Hays. 

Kaya hindi rin ako naniniwala sa kasabihang, birds with the same feather flocks together. XD

Pagpasok ko ng school, marami ng tao. Malamang 7:40 na, marami na ngang late e. Tuesday ngayon kaya walang flag ceremony. Pero kapag meron, 8AM ang klase.

Ngayon, ilang beses akong nakaflag ceremony last year? Answer, tatlo. Wag niyo na tanungin kung bakit, masipag ako e. Hehehehe :p

Tinignan ko muna sa bulletin board kung anong section ko ngayon. Bunutan kasi dito, so hindi kayo binebase sa katalinuhan, pure luck lang.

Section A ako ngayon. At kaklase ko si Joaquin. Kahit papano na-relieve ako. Wala kasi ako masyadong friends e. Medyo camera shy kasi ako. Wala yang connect, wag niyo na pagconnect. Sasakit lang ulo niyo at kukulot ang utak niyo.

Dumiretso na ako sa Room. Luh? Iilan pa lang ang tao. Hmp, nubayan. First day na first day, iilan lang ang nasa room. Di niyo ako gayahin, nandito na agad! Hahahahaha. Tawa kayo please.

"Uy girl!" bulong nung babae sa katabi niya sa bandang likod ko. Hindi na yata bulong yun, rinig na rinig ko eh. "Kaklase natin ngayon si Joaquin! Aren't you happy?"

LUL. Tignan natin kung magiging happy kayo pag nakilala niyo ang halimaw plus damuho plus mang-aagaw ng gummy bear na yun.

"Oo girl! Ang saya ko! Sa loob ng 4 years, ngayon ko lang siya naging classmate! Kyaaaa~" tili pa nila. Harujusko, ano kayang nakita nila sa yelong yun?

Oo, yelo yun. Walang pakiramdam. Sinasabihan ko nga yun lagi na ngumiti naman kahit konti lang, pero ang sagot niya tamad raw siya. Watdafak. 

Speaking of the devil, pumasok na siya sa room, nasa likod yung mga babaeng nakabuntot sa kanya. Hays, ewan lang ha. Pero di ko makita ang charms niya. Naghahallucinate ba sila o ano? Baka naman malabo ang mata, yup.

"Good Morning, Joaquin!" bati nung mga babae sa likod.

Tinignan lang sila ni Joaquin at umupo na rin sa tabi ko. Nagtilian na naman yung dalawa sa likod. WTF, Yung totoo? -___-

"Huy," tinusok-tusok ko yung bewang niya. "Batiin mo yung mga fans mo sa likod! Ikaw talaga ang antisocial mo kahit kailan. Umayos ka nga!"

"Tss, good morning Marsha." sabi niya at inayos ang bag.

"Hindi ako Joaqs, yung mga tao sa likod!" nakngteteng naman e.

"I don't know them. Kung gusto mo ikaw bumati sa kanila. Night." at inihilig ang ulo sa armchair.

DAFAK? Good Night daw? Ang aga aga pa kaya! Hinila ko ang buhok niya pataas. Hindi ako makapaniwala na tutulugan niya lang ang klase niya. Iba rin talaga 'tong si Joaquin. Di ko ma-gets.

"What?" inis na tanong niya sa akin.

"Aba naman Joaquin MIguel. First day natin ngayon! Baka naman type mong makinig kahit papano ano?" bulyaw ko sa kanya.

"Tch."

Man of few words talaga 'to. -_________-

"Ah basta Joaquin. Pag ikaw natulog, talagang isusumbong kita kay Tita Marcela at Tito Rodrigo!" pananakot ko sa kanya.

Umayos naman siya ng upo at sinamaan ako ng tingin. Binelatan ko lang siya. Isa ako sa mga taong hindi takot sa kanya 'no. Asa pa siya.

Naisip ko lang bigla no, yung mga cold daw e either may dark past o may traumatic happenings na nangyari kaya cold sila o aloof sa ibang tao. Pero sa pagkakatanda ko, ever since na nagkakilala kami ni Joaquin, which is 13 years ago, ganyan na talaga siya. Ang habang taon din kaya nagugol ko para lang maging close kami. Nachallenge kasi ako sa kanya, parang ang distant niya sa ibang tao. Hanggang sa ngumiti siya sa akin and then boom! Friends na kami.

13 years ago nang naging kapitbahay namin sila Joaquin. Nagiisang anak siya kaya sunod ang layaw. Isang accountant ang nanay niya at architect ang papa niya. Pero ang dream niya maging doctor. WTF, what family /doge mode/

Hindi pa raw siya nagkakagusto sa ibang babae. Yun ang sabi niya, pero may mahal na daw siya. Pero kahit anong pilit ko, hindi niya sinasabi kung sino yun.

HAYS, Nakucurious talaga ako. >__________<

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bestfriend Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon