In Time 1

2 0 0
                                    

May mga bagay talaga na kahit anong pilit mong gawin, hindi mangyayari. Na kahit ipilit mo ang isang bagay, wala pa rin. Kumbaga sa math, kahit na ipilit mo na tama ang solution mo sa isang problem set kung mali yun para sa teacher mo, walang mangyayari.

Ayokong magtanim ng sama ng loob sa kahit kanino man. Pero anong magagawa ko, kung alam kong tao lang rin ako at nasasaktan?

Ang bigat sa pakiramdam. Lalo na kapag nakikita ko siyang may kasamang iba. Kasama yung babaeng alam kong mas better sa akin. Bakit kaya------

"Uy Rayne!" Naputol ang pag iisip ko nang may kumalabit saakin. I knew it! Siya nanaman. Kevin Klein Buenaventura. Sigh!

"Bakit?" bored kong sagot. Nakatingin lang siya saakin nang nakangiti, pero agad nagbago ang expression ng mukha niya ng mapalingon siya sa likuran ko.

Dahil sa pagiging curious ko, napalingon ako sa direksyon na tinitignan niya. At napangiwi nalang ako sa nakita ko.

Ouch! Siya nanaman. Sila nanaman. Sigh!

Clyde.....Clyde... my former boyfriend. And the girl beside Clyde? Her name is Leonella. She was my bestfriend. Yes, you heard it right. They were the two of the few people I cared most, until everything fell apart. Until that unwanted situation happened.

"Tara na nga!" Agad akong tumayo at hinila siya palayo sa canteen.

"Oh......" sabay abot ng panyo.

"Ano yan?" I frowned.

"Hindi mo ba alam ang tawag dito? Panyo ito, oh baka naman gusto mo pang sabi-----....."

Agad kong tinapalan ng kamay ko ang mukha niya. Pilosopo.

"Oo alam ko kung ano yan at kung anong gamit niyan. What I mean is bakit mo binibigay yan? Kailangan ko ba yan?"

Nagkibit balikat siya.. "Naisip ko lang baka kasi umiyak ka nanaman. Mabuti na yung handa." Nakangisi niyang sabi.

I just rolled my eyes and walked away.  Kahit kelan talaga panira ng araw. Actually hindi naman kami ganun ka close para magkausap ng ganun. Well, let's just say na he's my classmate sa halos lahat ng subjects ko pwera nalang sa tatlo.

Third year college na ko dito sa University na pinapasukan ko. Parang kelan lang nung una akong tumuntong dito, halos loner pa ako. Pero ngayon, magtatatlong taon na pala ang nakakalipas, ang bilis ng panahon. Hindi ko man lang halos namalayan.

First day palang ng pasukan ngayon. Nakakatamad. Usual scenario lang naman---papakilala ang professor, bigay ng calsscards, then BOOOM! See you tomorrow na ang kasunod.

Mabilis dumaan ang mga oras. As expected, wala naman halos ginawa. Nakipagkwentuhan lang din ako nung lunchbreak sa bestfriend ko na si Lira. Nakakamiss naman kasi ang kakulitan ng babaeng yun.

Ngayon, uwian ko na. Wala akong kasabay kasi may klase pa si Lira. Gusto ko na rin umuwi, hindi ko alam pero parang pagod na pagod ako.

*****

Pagdating ko sa bahay, diretso kwarto na ko. Hindi nako kakain. Busog pa naman ako. Balik sa pagiging tahimik nanaman ako. Haaay.

Sa totoo lang, pag andito ako sa bahay nalulungkot ako. Siguro dahil sa wala akong mapagkwentuhan ng mga nangyayari sa bawat araw ko. Wala akong katawanan, parang mag isa lang ako.

Hindi naman kami broken family, sadyang hindi lang talaga kami ganun kaclose ng parents ko. Dalawa lang kaming magkapatid, bunso ako, at ganun din, di rin kami ganun ka close ng kuya ko.

Ang saklap noh? Minsan nga naiinggit ako sa mga kaklase kong super ka close ang parents at kapatid nila. Yung tipong lagi silang may family bonding everywhere, sabay sabay magsimba, outing at kung anu ano pa.

Kami? Haha. Nakakahiya mang sabihin pero parang wala yata akong natatandaan na nagkaroon kami ng family bonding o kaya outing ng kami kami man lang. Hindi ko pa rin naranasan yung sabay kaming lahat magsimba at kung anu ano pa. Ni wala nga kaming family picture kahit isa e. HAHAHAHAHA. Nakakatawa noh? Minsan naluluha nalang ako tuwing naiisip ko ang mga bagay na to, lalo na kapag madalas ako kagalitan ng mama ko. I know, I have a lot of things to be thankful for pero diko maiwasan na hanapin ito. Yung isang bagay na alam kong magpapatibay sakin bilang tao.

Kaya sa halip na problemahin ko ang mga bagay na to, tinutuon ko nalang ang atensyon ko sa pag aaral ko. Things may go wrong, whatever happens, still, my life goes on.

Sa ngayon, kailangan ko na munang matulog. Tomorrow is another day--to live, laugh, love and learn.

A/N

Hindi ko alam kung may nagbabasa nito. Pero gusto ko lang magsulat, pampawala ng stress kahit puchu puchu lang. ツ

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon