In Time 2

1 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. At kung minamalas ka nga naman, 20 minutes nalang malalate nako.

Dali dali akong naligo at nagbihis, umalis ng di nag aalmusal at medyo gulo gulo ang buhok.

Pagdating ko sa school, puro pang aasar ang natanggap ko. Kesyo daw mahangin sa labas, ang manang ko daw at kubg anu ano pa. Naisip ko lang, e ano naman? Itsura ko naman to. Hindi sakanila. Hindi ko nalang sila pinansin.

"Umagang umaga naka busangot ka." Napalingon ako sa nagsalita. Si Kevin pala.

Hindi ko siya pinansin. Inirapan ko nalang siya na parang walang narinig.

"Ngiti ka lang. Sayang naman ang ganda mo kung sisimanhot ka lang." Napalingon ako sa sinabi niya.

Lub.dub.Lub.dub.Lub.dub

Anak ng tokwa. Wow as in wow. Perstaym yata to na nagbigay siya ng compliment (kung compliment nga bang matatawag yun)

Nakita ko nanaman yung mga mata niya. Yung mga matang hindi ko mabasa.

Nag iwas ako ng tingin. At naramdaman ko nalang ang paghakbang niya palayo.

Lumingon ako sa gawi niya at sinundan nalang siya ng tingin.

Hindi ko namalayan, nakangiti na pala ako.

***********

Lunch break. Sa wakas, makakakain narin ako. But unfortunately, mag isa ko lang. Si Lira kasi, masyadong busy sa school paper. *sigh*

Papunta nako ng canteen nang bigla kong makasalubong ang isang taong, well, sabihin nalang natin, ayoko pang mkita at makausap.

Napatungo nalang ako.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo, may biglang humawak sa braso ko.

"R-rayne......" isang pamilyar na boses ang narinig ko. Hindi ko siya nilingon. Natatakot ako, na baka kapag tinignan ko siya sa mata, biglang bumalik lahat ng sakit at mapaiyak ako nang wala sa oras.

"Rayne....." ulit niya. Pilit niya kong inihaharap sakanya. Wala nakong nagawa kundi lumingon sakanya. Sa mga mata niyang puno ng emosyon. Yung mga matang parang may gustong sabihin.

"Ba-bakit?" napaiwas akonng tingin dahil sa sobrang lapit nya.

"I'm.... I'm sorry.." Nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Pero bakit? Hindi ba siya ang may gusto nito?

"Sorry.. Yeah right! Sorry...." Hindi mapigilang mapairap sakanya.

Ilang beses na niya ba yung nasabi? Halos hindi ko na mabilang. Yung sorry na feeling ko pinagsisihan niya lahat ng saamin.

"I'm so sorry....." Lumuwag ang hawak niya sa braso ko. Hindi ko nalang siya sinagot, sa ngayon, ayoko muna siyng makita at makausap. Pero imposible naman yata yun kasi nasa isang school kami.

Mas pinili ko nalang na huwag siyang sumbatan at lumakad nalang palayo kesa pag usapan ang sakit ng nakaraan.

Habang kumakain ako mag isa, napalingo ako sa dalawang pigura na pumasok sa canteen. Napakuyom nalang ako ng kamao.

Bakit ganun? Ang saya saya nila? Yung tipong parang wala silang nasaktan? Ganun ba ko kawalang halaga kaya sinasantabi nalang nila kung nasasaktan man ako?

Masakit. Hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan.

Yung panahong masaya kami ni Clyde. Yung palaging nakatawa at parang walang problema.

Hanggang sa dumating yung araw na nasaktan at lumuha ako ng sobra..

"Walang kayo. Dahil sa simula pa lang hindi kana niya minahal.." sumbat ng bestfriend kong si Leonella.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon