Chapter 10

2.2K 84 3
                                    

Samuel's POV


Pagkarating ko sa school nagdiretso agad ako sa tambayan namin ng mga barkada ko at nakipag kwentuhan.


"Mga pre,may nag imbita samin kahapon ni Cheska na mag momodel kami saka naka pag fill up na kami sa kontrata" sabi ko


"Wow pre hanep ah model na sya yieeee" natatawang sabi ni Ethan


Tumawa kami ng malakas.


"Kayo ni Cheska ang partner" natatawang sabi ni Daniel


"Oo nga" sang ayon ni Xander


"Ayos lang sakin" nakangising sabi ko


Naputol ang pagkekwentuhan namin ng biglang nagring ang bell.


Cheska's POV


Pagparada ko ng kotse  ko ay nakita ko sina Brianna,Bea at Nicole sa may gate papasok na sila.


"Bea!!!!!!" malakas na sigaw ko


Napatingin sakin ang ibang estudyante at napatingin rin sina Bea.Tumigil sina Bea kaya tumakbo ako papalapit sa kanila.


Naglalakad kami sa school hallway habang ikinukwento ko ang tungkol sa pagmo model ko.


"Mga bes mamaya may photoshoot kami saka ipapakilala kami bilang new models ng Elite Model Management" masayang sabi ko


"Kyahhhhhhhhhhhh" sabay sabay na sigaw naming apat


Nag ring na ang bell hudyat na para mag umpisa ang klase.


Pagdating namin sa room ay nakangiting tinignan ko si Samuel at sinuklian din naman nya ng tingin ang ginawa ko.Sinundot naman ako nila Brianna sa tagiliran at kilig na kilig na humahagikhik.


Nagpatuloy ang discussion namin,alam ko na yung topic na yan madali lang ang topic namin para sakin pero para sa iba ewan ko lang.


Discuss,Discuss,Discuss, and Class Dismiss.Nagring ang bell at nagdiretso na kaming magkakaibigan sa Cafeteria para magrecess.


"Kyahhhh!Andyan na ang queens at heartthrobs"


Napatingin ako sa likuran namin at nakita kong nasa likod nga namin sila at nagtama ang paningin namin ni Samuel pero sya ang unang nag iwas ng tingin.


"Ang sweet nila kahapon beks"


"Kinikilig ako bagay na bagay ang mga heartthrobs at campus queens kakainggit beks huhuhu"


Umupo na agad kami sa table naming apat at nagpresentang sina Brianna at Nicole na lang ang oorder kaya naiwan kami ni Bea.Nakita kong papalapit sakin si Samuel kaya nagtilian na naman ang mga estudyante si Bea naman narinig kong pinipigilang tumawa.


Nang makalapit sya sakin ay lalong binulabog ng sigawan ang Cafeteria pati ang mga kaibigan ko  ay naririnig kong nagtititili na rin ang mga kaibigan naman ni Samuel ay tinutukso kami.


"What?" tanong ko


"Let's go,magpaalam na tayo kay Dean" sabi nya


"Hindi pa ko nakain" nakangusong sabi ko


"Okay,let's eat first" nakangiting sabi nya sabay kindat sakin


Lalo namang umugong ang tilian ng mga estudyanteng nasa loob ng cafeteria.Umupo sa harap ko si Samuel at kumain ng inorder nyang pagkain nya.Sa bawat pagsubo ko ng kinakain ko nahihiya ako dahil pinalilibutan na kami ng mga estudyante ang mga kaibigan ko naman ay tumayo na at nakihalubilo na sa mga estudyanteng nagtitilian.Nahihiya at naiilang ako dahil sa dami ng estudyante na nakatutok ang atensyon samin at lalo na nakatitig pa si Samuel sakin.Jusko lord ano ba naman po ito.


*Kring................Kring........*


Hays salamat.Sa isang iglap nawala ang mga estudyante pati ang kaibigan ko at hinanap ko rin ang kaibigan ni Samuel wala na sila siguro nasa room na pero ang bilis naman ata?


"Cheska,sabay na tayo" sabi ni Samuel


"Oh sure!wala na rin akong kasabay eh" sagot ko


Nagulat ako ng biglang kinuha ni Samuel ang bag ko.Oh lord!


"Ako na Samuel" sabay hila ng malakas sa bag ko


"Ikaw na nga tinutulungan eh" nakapout nyang sabi


Omygad ang cute cute nyaaaa.Ay hindi,hindi pala sya cute


Diretso na kaming lumabas sa canteen at naglakad na papunta sa room pero mabagal kaming naglalakad.


"Kilig na kilig sila saten kanina noh?" natatawang sabi ni Samuel


"Oo nga nakakailang kaya baka isipin nilang may relasyon tayo" sagot ko


"Meron nga" nakangiting bulong nya


"What did you say?" tanong ko


"Nothing" sagot nya


Nang makarating kami sa harap ng room namin binuksan nya agad ang pinto at nagulat ang lahat ng makitang magkasama kami.Nagulat rin ako ng mapagtanto ko na kami na lang pala ang kulang at nagdi discuss na ang teacher


"Why are you late?" striktong tanong ng teacher


"It's none of your business" sagot ko


"How dare you?!" inis na sabi ni Ma'am


"Wait,are you dating?" dagdag ni Ma'am


"No" sagot ko


"Yes" sagot ni Samuel


Nagulat ako ng magkaiba kami ng sinabi ni Samuel at nagsipagtilian ang mga kaklase namin pati si Ma'am na kanina ay strikto ngayon ay kilig na kilig na.Bipolar ata si Ma'am hinayaan na lang namin sila at diretsong naupo kami sa upuan naming dalawa.


Nagpatuloy ang discussion and....


"Class Dismiss" sabi ni Ma'am at nahihikab pa


Hinila agad ako ni Samuel at nagmadali kaming lumabas ng pinto halos makaladkad na nga ako eh at nauna pa kaming lumabas kay Ma'am dahil sa pagmamadali ng kasama ko at hindi tuloy ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko.


"Ano ba?" inis kong sabi


"Relax,pupunta na tayo kay Dean" nakangiting sabi nya


Tumango lang ako at habang naglalakad kami papunta sa office ni Dean ay nakakabingi na naman ang sigawan at halos lahat sila ay pinipicturan kame.



*Knock.......Knock.....* pagkatok namin sa pinto 


"Pasok" sagot ng nasa loob


Pagpasok namin ay nakita namin si Dean na nakangiti,bakit?


"Dean nandito po kami para magpaalam po na mag a absent na po kami sa susunod na class dahil may importante po kaming lakad ni Cheska pero pumasok po kami sa first and second class" sabi ni Samuel


"Okay ayos lang sakin" nakangiting sabi ni Dean


Tumango kami at nagpaalam na bago lumabas ng office.


Dali dali kaming lumabas ng school.Hindi na namin pinansin ang mga mata ng estudyante na nakatingin samin.Tinawagan ni Samuel ang manager na kumausap samin at sinabi na nila ang address ng modeling management na pupuntahan namin kaya dumiretso kami sa Parking Lot


"Get in" sabi nya

Sumakay naman ako at pinaandar na agad nya ang sasakyan.



A/N:


WAHHHH!This is it,magmo model na sila.Thanks for reading this chap🙈Please vote,comment and also follow me.❤


The Campus Heartthrobs meets The Campus QueensWhere stories live. Discover now