"Koume, nakapagpaenrrol ka naba? Malapit na ang pasukan baka hindi ka niyan makapag-aral dahil sa kakaasa mo diyan na mapili sa papasukan mo?"
Paliwanag sa akin ni mama habang kumakain kami hays, sana talaga payagan ako ni mama na magtransfer dahil ayaw niya da'w na masiyadong malayo ako sa kaniya.
"Ma naman eh, wala namang masama kung umasa ako atleast ginagawa ko ang best ko kung sakaling madala ako sa academy na papasukan ko kaysa naman na wala akong ginawa edi madisapointed lang ako."
Malungkot na sabi ko para mahikayat ko talaga si mama na magtransfer ako hehehe alam kung hindi niya ako matitiis. Sa lahat nang gusto ay pinapayagan ako ni mama pagtatransfer lang talaga ang ayaw niya. Ilang minuto ang hinintay ko para magsalita si mama pero wala effect! Huhuhu! Sinadya kung magingay sa lamesa gamit ang kutsura at tinidor."Papayag na ako Koume, na magtranfer ka kung sakaling madala ka?!"
Mapaginsultong sabi ni mama sa akin kaya napatayo ako agad at lumapit dito nang abot taenga ang ngiti.
Gusto ko kasi na pumapayag muna si mama bago ko gustong gawin ang isang bagay para alam niya hindi yung ako lang may alam sa pinaggagawa ko."Yippee!! Yesss!! Super thanyou mama! Your the best mama in the whole world! Sana madala ako sa Rea---"
"Hays, binola mo nanaman ako Koume segi aalis na ako."
Pagpuputol ni mama sa sinabi ko pagkaalis ni mama ay bumalik na ako sa upuan ko at ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. Ang weird talaga ni mama ayaw niya talagang marinig ang academy na papasukan ko.
"Tsk! Pangalan palang Koume, hindi na maayos ang ibibigay na edukasyon yan sayo!"
Ang unang sinabi sa akin ni mama nang banggitin ko sa kaniya ang Reason Academy at galit pa siya no'n. Ilang araw hindi niya ako pinansin hanggang sa nagkapansinan nalang hehehe.
Pagkatapos kung maligo at magayos ay kinuha ko ang folder na nasa ilalim nang kama ko.
"Reason Academy find your answer he---"
Hindi ko na tinapos ang pagbabasa ko dahil ang weird lang talaga nang academy na ito kaya mas lalo tuloy akong nacu-curious
na makapag-aral dito.Pagkaalis ko sa bahay ay binilisan ko na ang paglakad ko para makahanap nang masasakyan.
"Koume! Koume! Alam kong naririnig mo ako!"
Sa libong libong pagkakataon ay nasundan nanaman niya ako kainis!
Napatigil naman ako sa paglakad hays, kailan ba niya ako tatantanan nakakainis na huh!"Lalalala....lelele...lolololo..lumayas ka sa pandinig ko...."
Pakantakata ko dahil ayaw ko talagang bigyan nang pansin ang isang bubuyog dahil magmumukha nanaman akong baliw kung may makapansin sa akin.
"Please... Kausapin mo muna ako?"
Napatampal ako sa noo ang kulit talaga nang isang toh.
"Okay, sabihin na nating magkausap na tayo kanina hindi mo ba naisip na kapag ako ginalit mo kaya kung kunin ang malilit na pakpak mo di kaya isilid kita sa bote!"
Pananakot ko dito na medyo na sindak naman ito."Alam kung hindi mo iyon gagawin sa akin koume.."
Masaya pa nitong sagot kaya hinarap ko ito nang nakapamewang bahala na kung sino ang nakatingin sa akin ngayon at kung anuman ang kanilang sabihin sa akin.
Basta huwag lang nilang iparinig sa akin na isa akong baliw dahil trip ko ngayon makipagusap isang tutubi."Bakit mo naman iyan nasabi? Cute na tutubing walang ginawa kundi ang ipahiya ako sa mga madla."
"Sa tagal muna akong kasama edi, sana noon mo pa ginawa ang pagtangkain ang buhay ko."

BINABASA MO ANG
Reason Academy (On-Going)
FantasyAre you looking for mysterious academy? Are you looking for academy that fitted your super natural power not your knowledge? The academy for those mysterious, stupid, crazy, loner and war freak student. This is what you search for Reason Academy th...