Stage 2: The Who?

3 0 0
                                    

"Ibalik na natin siya Mizayuki, baka may makaalam na hindi siya nakaenroll dito tiyak na paparusahan tayo."

"Ano pa ang gamit nang pagiging kambal natin Zamiyuki, kung hindi mo ititikom ang bibig mo!"

Ang ingay-ingay naman! Ang lambot-lambot naman nang kama ko. Napadilat ako nang mapansin kung hindi gaano kalambot ang kama ko. Tinignan ko ang nasa paligid ko nang mahagilap nang mga mata ko ang dalawang babae na magkamukha at ang gaganda nito lalo na ang nakakaagaw atensiyon ang berde nitong mga mata.

Nakaupo ako sa kama at nagtataka na tinignan ang dalawa. Ibubuka ko palang ang bibig ko nang magsalita na ang isang babae.

"Hi, Im Mizayuki Kiyuri at ito naman si Zamiyuki ang madaldal na kakambal ko."

Nakangiti na sabi ni Mizayuki na medyo may pagka maldita ito sa tono nang pananalita.

"Ako naman si Koume Sleter nga pala nasaan ako?"
Nagtataka na tanong ko.
Siguro taga ibang bansa sila dahil kakaiba ang mga itsura nila.

"Nandito ka sa Reason Academy at nasa loob kanang dormitory namin."

Sabi naman ni Zamiyuki na madaldal nga ito at ang bilis siyang magsalita, huh.

"To..totoo ba ang sinasabi mo na nandito ako ngayon sa Reason Academy? Hindi kaba nagsisinungaling o baka naman ginogoodvibes mo lang ako."

"Totoo ang sinasabi nang kakambal ko Koume, nandito ka sa Reason Academy, ang nakakapagtaka ay wala kang pulang marka sa leeg na nagpapatunay  na isa ka sa mga war student dito."

Napakamot nalang ako sa leeg sa sinabi ni Mizayuki tama siya wala akong pulang marka sa leeg dahil hindi pa talaga ako enroll dito.
Bakit ako napadpad dito? Ang huling natatandaan ko ay unti- unting gumuguho ang lupang tinatapakan ko at bago mawalan ako nang malay ay may naaninag akong isang tao.

"Nakita ka nalang namin na mahimbing na natutulog sa sahig sa may pinto, pasalamat ka kami ang unang nakita sayo dahil kung hindi masaya kana nilang pinaglalaruan at dahan-dahan mo yo'n na ikakamatay. Dahil sa palagay ko isa kalang ordinaryong  tao."

Mahabang paliwanag ni Zamiyuki na napansin ko namang panay tingin sa akin ni Mizayuki.

"Salamat sa inyong dalawa dahil kung wala kayo ay pinaglalamayan na ako ngayon."

"Mali ka dun Zamiyuki, may isa pang tumulong sayo maliban sa amin Koume ramdam ko iyon at kung hindi dahil sa kaniya siguradong patay kana ngayon. Nakikita ko sa mga mata mo na pursegido kang makapasok dito, pero  may hindi ka nabasa at  nagpapatunay iyon  na mahina ka. Kaya may nangyaring trahedya kaso ngalang may nagligtas sayo. Nakakasigurado akong nasa mataas na posisyon ang tumulong sayo dahil labag sa rules ang ginawa niya kaya hindi siya mapaparusahan."

Napatulala ako sa sinabi ni Mizayuki nasa mataas na posisyon ang nagligtas sa akin?
Kung sino man siya napakalaking utang na loob ko sa kaniya dahil sa pagligtas niya sa buhay ko.

"at hindi ka ordinaryong tao Koume, kaya may idadahilan tayo para hindi ka makickout dito sa school."

Dugtong nito palagay ko tuloy ang nakakatakot ang school na ito at pakiramdam ko hindi ako makakalabas dito nang buhay dahil sa mga pinagsasabi nila Mizayuki at Zamiyuki.

"Huwag kang mag-alala Koume, nandito lang kami na bagong kaibigan mo na tutulong sayo diba Mizayuki."

Nakangiting tumango si Mizayuki at yinakap ako nang mga ito kaya tumugon rin ako.

May kung anong mabasang idinikit si Zamiyuki sa leeg ko na medyo mahapdi ito.

"Aray... Ang hapdi."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reason Academy (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon