Bakit ang dali lumikha ng tula
Na para bang ika'y nagsasadula
Sa haba ng mga letrang nalilikha
Sa mga panahong ika'y lumaluha.
Na para bang babaha
At kulang na lang ay talunin pa ang lawak ng lawa
Sa dami ng sakit na nakuha
Dahil sa kanya na walang ibang ginawa
Kung hindi ang ipagtabuyan ka at ikahiya.Talaga bang mas maraming hugot Ang taong bagot na bagot
O ang taong kaka kuha lang ng sagot
Sa taong akala nya'y kanya ng naabot
Yun pala'y unti unti lang syang nahuhulog.Sa dami ng sakit Di alam kung ano ang unang letrang ititik
Sa dami ng papel na napunit
Di mawari kung kailan maiguguhit
Ang tamang salita
Na sa kanyang nararamdaman ay mag tutugma.
Hanggang sa matapos ang tula
Luha ay hindi parin humuhupa
Dahil sa magaganda at masasakit na alaalang nakikita
At mga panahong sya'y nakangiti at may tuwa sa mukha
Na ngayon ay kanya na lang maisasadula
Hanggang sa hayaan na ang luha ay tumila,
Sakit ay mawala na parang bula
At muling gumuwit ang ngiti sa mukha.Bago isulat ang panghuling akda
Para sa lalakeng minsan na syang pinasaya at pinaluha
Isang malaking salamat
Dahil kahit na nagkaroon na ng lamat
Itong istoryang mala alamat
Ay kwento puno ng aral para sa lahat
Kaya isang malaking pasasalamat.At hanggang sa huling istanza
Nais kong ilista
Mga alaala kung saan
Ang sya at ikaw
Ay minsan ng naging isa
Kaya lang natapos ang storya
Sa pagiging mag-isa.A/N : after how many years nakapag updae ba rin..