NICOLE KATE PERES
"Now I'm fresh" sigaw ko sabay labas ng banyo sa kwarto namin ni Jake sa mansyon ng mga Monteverdi. Kakatapos ko lang maligo at sabi ni Tita Valentine na matulog ako ng maaga para bukas. Beauty rest kung baga. Agad naman akong pumasok sa walk in closet ni Jake. Wala akong dalang damit at wala rin akong mga gamit dito sa kanila. Nasa bahay namin at bahay sa Monteverdi subdivision ang mga gamit ko. Kumuha nalang ako ng malaking T-shirt nito at sinuot. Naghanap rin ako ng underwear na sakto sa akin at boxer shorts. Ng makahanap ako ay agad ko itong sinuot wala naman akong pagpipilian. Total sanay na rin ako.
"Tok Tok Tok"
Napatingin naman ako sa pinto ng may kumatok dito. Nilapitan ko agad ito at binuksan.
"Hi Nicole, may pinapabigay si Jake" sabi nito na makapasok sa kwarto. Umupo naman ito sa couch at nerelax ang sarili. Tumabi rin ako dito.
"Bakit hindi nalang siya ang nagbigay. Napagod ka pa tuloy" nag aalalang sabi ko sabay himas ng nakaumbok nitong tiyan. Walang heyang demonyong tigre iyon.
"Hindi kasi kayo pwedeng magkita ngayon gabi. Hindi din yun papayag pag ang tatlong shokoy ang magbibigay nito sayo" sabi nito sabay abot ng plastic bag. Agad ko naman itong binuklat at tinignan si Glydyn
"Ang sabi kasi nito ay hindi ka comfortable kanina at tila may men's ka. Kaya ayan pinadala niya sa akin. Tulog na kasi si Frances" sabi pa nito sabay tayo
"Napkin" bulong ko sa sarili ko pero narinig yata niya
"Bakit wala ka bang men's?" tanong nito na ikinatango ko.
Naisip ko agad yung kanina. Yung pagsusungit ko sa kanya dahil sa weirdong bagay na hindi ako comportable na natanggal ko na kanina matapos maligo. So all this time sinisisi ko siya na hindi naman niya alam. At akala pa nito ay red day ko kaya hindi ako mapakali. Pero diba kami lang namang dalawa ang nasa bahay.
"Nicole okay ka lang?" tanong nito. Tumango naman ako. Kanina pa pala ako nakatulala
"Akala ko nga ay buntis ka dahil sa pagsusuka mo kanina pero hindi pala." nanghihinayang na sabi nito.
"Hindi ko red tide ngayon" pag amin ko dito na nagbalik ng excitement niya. "Pero nasuka ako kanina dahil ang alat masyado ng kinain ko" dugtong ko. Tumango naman ito pero nakasimangot.
"Pero bakit sabi ni Aris ay hindi ka comportable" sabi nito
"Oo. May weirdong bagay kasi akong nararamdaman sa pagkababae ko" pag amin ko dito "Akala ko siya may gawa dahil kami lang dalawa sa bahay at ng magising ako ay nakabihis na ako." pagkwento ko sa kanya
"Ah Oo dumaan kasi kami sa inyo kanina. Kasama ko si Frances ng paliguan at bihisan ka namin. Para sa date niyo ni Aris" kwento nito na nagpahinto sa akin.
"Sa tingin ko si Frances ang may gawa. Alam mo naman ang batang iyon" sabi nito na nasa utak ko rin. Hindi ko man lang naisip kanina at sinisi ko pa si Jake.
"Oh my ibig sabihin hindi natuloy ang picnic niyo?" tanong nito na ikinatango ko.
"Pagpasyensiyahan mo na si Frances. Ako na ang bahala sa batang iyon" sabi nito sa akin.
"Wag na. Tapos na rin naman. Babawi nalang ako sa kanya" sabi ko nalang dito.
"Oh siya. Matutulog narin ako" sabi nito sabay hikab kaya sinamahan ko na ito papunta sa labas.
"Kailangan ko talagang bumawi kay Jake" bulong ko sa sarili.
Napahinto naman ako. "Bakit naman?" tanong ko sa sarili.
![](https://img.wattpad.com/cover/145819417-288-k150038.jpg)
BINABASA MO ANG
Jake Aristotle Obsession #WGM2018
Roman d'amour[On-going] "They call it obsession but I prefer the world love" Jake Aristotle Monteverdi can own all what he want and need. Money, things, and even a person. Plinano niya lahat ang mga bagay bagay. And then Nicole Kate Peres came and beg. Hiniling...