Sino siya?

11 0 0
                                    

May na bangga nanaman ako.. Tsk.

"Ang tanga tanga mo namang babae ka." Sabi sakin ng isang lalaking ngayon ko lang nakita, ngayon ko lang NABANGGA, maka tanga wagas!

"Grabe ka! Sinasadya ko ba? Tss" sagot ko sa kanya ng pagalit habang pinupulot ko yung ibang gamit kong nalaglag. Napansin ko mga lima sila.

"Sasagot ka pa?!" Sabi sakin habang bigla akong tinulak kaya napa upo ako.

"Aray!!" Hala yung cellphone ko lumipad!!

"Ang sama mo naman pare sa babae" sabi ng isa niyang tropa. "Miss okay ka lang ba?" Sabi ni kuyang naka WDDWM T-Shirt sabay inabot niya yung kamay niya para tumayo ako.

Ako 'tong tange inabot ko naman pero nung malapit na akong maka tayo bigla akong binitawan.

"Ah!!" Sabi ko then may sumalo sakin..

"Stay here.." Bulong niya habang dinahan dahan niya lang yung pagbagsak ko.

Wait sino siya? Di ko makita face niya..

"Pati babae pumapatol na kayo?" Sabi niya

"Papalag ka na ba ngayon? Sir President?" Sabi nung kuyang nanglaglag sakin. --,--

"Mr. President tanga! Sir President.. San mo nakuha yon?" Sabi ko habang nakatayo na ako at pinulot ko na yung cellphone ko.

"Kanina ka pa! Gusto mo patulan na kita!" Sabi nung lalaking nang-tanga sakin.

"Edi patulan mo! Alam niyo bagay sa inyo yung shirts niyo.. Mga mukha kayong mikrobyo!" Sabi ko sa kanya tapos binato ko sa kanya yung binder na hawak ko.

Ewan ko kung sino tinamaan bahala na .. Then tumakbo na ako. Sumakay agad ako ng jeep.

Hayszx. Kala mo kung sino! Chee! : P

"Bwist!! Kala mo kung sinong mga gwapo! Ang papanget naman. :3" sabi ko pagka sakay ko sa jeep.

"Take it easy" May nagsabi sa tabi ko habang kinukuha ko wallet ko.

Pagtingin ko si Stephen.. 0.O

Wait! Kung andito siya? "Sino yung.." Bulong ko.

"Ano?" Sabi niya.

"Wala .. "Sagot ko.

"San ka umuuwi?saka sino yung binato mo ng binder kanina?" Tanong niya.

"Bahay, di ko rin kilala" sagot ko.

Di na siya nagtanong. Hahaha. Buti nalang di na masyadong traffic. Mabilis lang byahe.. Text ko kaya si Kathleen? Kaso di ko pala nakuha number niya. :3 kamusta kaya cellphone ko? *kinuha ko yung cp ko sa bag*

" *sigh* " sabi ko.. Kala ko nabasag na e. Lagot ako kay mama.

"May baba ba ng Phase 2?" Sigaw ni Manong.

"Meron po!" Sabi ko .

Then biglang nag - preno si manong.

Nag stop kami sa 7/11 daming sasakay na students din. Galing CMA din.

"Usog usog lang oh! Sampuan yan!" Sabi ni manong

"Diba mayaman yan? Bakit naka sakay sa jeep?" Rinig kong bulong ng isang babae sa katabi niya.

Sino mayaman ako? Baka si Stephen.. Hmm siguro. Kasi ng pogi niya.. ang bango. Kinis pa ng kutis. Oo nga mukhang mayaman pero bakit nagje-jeep?

"Stephen pwede bang magpa-picture?" Sabi ni ateng may iniinom na Slurpee na hawak yung phone niya.

Then di nagrespond si Stephen ... Siniko ko siya " Oy Tawag ka!" Naka headset pala kaya di niya naririnig, binaba niya yung headset niya sa balikat niya at inakbayan ako.

What If My Best Friend Betrays Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon