MSH1

70 1 0
                                    

"Mauna na ako", paalam ni Assumi sa akin. Lagi namang nauuna 'yan eh.

"Sa heaven? Ang alam ko hindi ka tatanggapin doon eh. Masamang damo ka diba?", pang-asar ko sa kanya.

"Tse!", nag-flip pa siya ng hair. Hindi bagay sa kanya.

Hays. Iwan na naman ako. Lagi naman eh.

dSiya nga pala si Assumi, ang assumera kong best friend. Panget 'yan pramis. Mamatay man siya mamaya.

Kaming dalawa lang ang nakatira dito sa bahay na ito. Yaman no?

Oo, mayaman kami. Happy?

Gusto niyo ba malaman kung ano ginagawa ko?

Okay. Nawiwi ako. Bwahaha. Keme lang. Nakain ako eh.

Mamaya na nga 'yan. Male-late na ko eh.

Pumasok na ako sa kotse ko. Hello Kitty design 'to. Cute kasi siya -slash- malanding pusa pa.

******

"I want that spot!", sigaw ko sa lalaki.

Mukhang bago lang siya dito sa No Name Acadamy.

No Name Acadamy ang name nito, ako lang naman ang may-ari nitong school. Pinamana 'to sakin ng parents kong wizard. Remember? Basahin niyo kaya description no!

Tinamad kasi ang parents ko mag-isip ng name eh. Kaya No Name na lang. Gets!

Balik sa reyalidad. Nasan ba ko ulit?

Ay! Oo. Nasa parking lot pala.

"Miss! Ako ang nauna eh!", singhal niya.

"Kilala mo ba kung sino ako?", pagmamayabang ko.

"Hindi. Eh ako?!", tanong niya.

Ano 'to quiz bee ng mga names? Shemays hindi pa ako nagre-review eh. Baka matalo ako dito.

"Ako lang naman si Hailey!", sigaw ko sa kanya.

"So?! Ako lang naman si Drexel Lamoreux." paki ko sa name niya. Tss!

"You're getting on my nerves!", sigaw ko.

"You're getting on my veins!", pang-aasar niya. Argh!

"Hoy! Babae 'yan. Pagbigyan mo na!", sigaw nung extrang lalaki sa amin.

In fairness nakakaagaw eksena siya.

"Hoy! Ano na script mo?", siniko ni extra 1 si extra 2.

"Wala eh. 'Yan lang nakalagay sa script eh. Moment mo lang tsaka 'yan lang sabi ni direk eh.", pagkamot niya ng ulo na parang nahihiya pa.

"SHUTTTAP!", sigaw ko sa dalawang extra.

Enebeyen direk, shunga naman 'yan. Keines nemen eh.

"Mag-resign na nga kayo!", sigaw ko sa dalawa. Kakainit ng ulo ah.

"But-", sabay pa sila. Taray english. Rich kid ba sila author?

"No more buts! Nanira lang kayo ng eksena sa away spot para sa parking eh!", pagtataray ko sa dalawa.

Narinig ko pang nagbubulungan ang dalawa habang naglalakad paalis sa scene na 'to.

"Ikaw kasi eh. Shungang dakila ka.", binatukan si extra 2 ni extra 1

"Sorry na", mangiyak-ngiyak na sagot ni extra 2

"Paano na iyan. Minsan na nga lang tayo ma-expose sa storyang ito eh", pagpapaliwanag ng isa.

Okay tama na! Mas lalo silang nae-expose kesa sa akin. Kakahiya sa mga gilagid nilang violet.

Dahil sa gulo ng dalawang extra na iyon. Naagawan na ako ng spot sa parking at nawala na rin iyong lalaki na iyon.

Ms. Heartbreaker [ON-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon