MSH2

31 1 0
                                    

Short UD. 4 days to go. Christmas na.

By the way, panoorin niyo ang "The Maze Runner" maganda 'yun. (Madaming beses ko na napanood. Pramis maganda).

Novel 'yun ni John Dashner.

+++++++++++++

Hailey's POV

Gad! Kaka-stress talaga ang mga stupid teachers. Hindi pa nila kinikilala agad ang mga binabangga nila. Dapat kasi before they enter this school...my school....THIS MY PRESTIGIOUS SCHOOL, dapat kilalanin muna nila ang mga dapat iwasan at galangin. At ang nakakahiya pa ay nag-advance pa siya ng 3 months pay dahil daw pangtustos niya sa dalawang anak niya kasi siya lang naman daw ang naghahanapbuhay sa pamilya dahil iniwan siya ng asawa niya.

Pakialam ko ba kung pangit siya kaya iniwan siya ng asawa or kung napaglumaan na siya ng panahon at nawalan ng salitang 'fashion' sa dictionary niya. Tsaka nagkwento pa siya ng buhay niya, eh I don't ask that stupid things about her life. I'm not a gossip girl to do that.

Arghh! She's totally getting on my nerves. Stupid. Fool. Don't have manners. Poor. Low-profile. Ingrata. Ugly. Old-fashioned. Huwag na siyang mag-alala dahil hindi ko na sisingilin ang advance pay niya. Kanya na 'yun, saksak pa niya sa esophagus niya.

Pupunta nga pala ako sa favorite place ko dito school at walang nagtatangkang pumunta sa lugar ko dahil alam nilang paborito ko 'yun. Hindi ko naman sila pinagbabawalan eh. May natitira pang bait sa buto ko. Sila lang talaga ang ayaw pumunta dahil alam nilang matindi ako magalit kapag naiistorbo ako.

"Hailey!", I know that voice. Assumi. Siya lang naman kasi ang may boses na parang kabayong nagdidileryo eh.

Napahinto naman ako sa paglalakad. Nakasunod pala 'to. Napalingon din ako sa likod. Hey! Si Assumi nga. Hindi naman nakaistorbo ang sigaw niya dahil wala namang mga students na nakakalat dito sa hallway at sound proof ang lahat ng room kaya kahit gumawa sila ng kababalaghan sa loob ng room ay hindi sila maririnig.

Tumakbo nga siya papalapit sa akin at sinalubong ko siya ng nakataas ang kilay ko, which is normal na sa akin at nakasanayan na niya ito dahil dapat lang talaga na masanay siya kasi nasa iisang bahay kami. Nang makalapit na siya sa akin ay napahawak ito sa leeg niya at nakayuko pa ng bahagya na mukhang hinahabol pa ang hininga.

"No need to shout, I'm not deaf.", pataray na panimula ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad matapos ang grand entrance ko sa kanya.

"Sorry.", habol niya ulit sa akin. Halos magkasabay lang kami sa paglalakad.

"San ka pupunta?", tanong ni Assumi at napahinto ako. Bright idea.

Lumapit ako ng kaunti kay Assumi at bumulung sa kanya. "I'm going to parking lot to look for my panty.", mahinang sambit ko. Halos hindi naman maipinta ang mukha ni Assumi. Her face. Hahaha. Sa mukha kasi ni Assumi parang nandidiri or mukhang hindi makatae dahil lang sa sinabi ko. Natawa naman ako nang mahina dahil sa mukha ni Assumi.

"Eh bakit diyan ang daan? Diba dito sa kabila ang parking?", mas lalo naman akong natawa dahil mukhang sineryoso nga niya 'yung panty-ng nawawala. And I think she is willing to help me. Hahahaha!

"Eh?", tanging reaksyon niya lang dahil sa kanina pa ako tawa ng tawa at siya naman ay napaniwala ko.

"Naman eh.", dugtong niya na parang bata siya at nagpapadyak pa sa sahig. "San kasi? Baka dun sa may favorite place mo ka pupunta.", parang bata niyang pagmamaktol at nagawa pa niyang magpout sa akin. As if kinaganda niya ang pagpa-pout.

"Huwag kang magpout. Pinapatunayan mo lang sa akin na pwede mo ng palitan ang ibon sa logo ng twitter dahil sa kakapout mo lalo tuloy nahaba ang nguso mo.", saad ko sabay flip ng long hair ko na hanggang bewang na kulay cheese pa at naglakad na uli.

"Eh. San nga kasi?", paulit-ulit nga. Hayst. Kapag talaga kasama ko si Assumi feeling ko ang layo ng pupuntahan namin. Panu ba naman kasi napapahinto ako kapag nagtatanong siya o nangungulit. Kung hindi ko lang siya kaibigan, naku! Baka pinatapon ko na siya sa may impyerno. Kaimbyerna kasi, ang kulit pa feeling pa-cute.

Hindi ko na lang sinagot ang mga tanong ni Assumi at nagmadaling naglakad na lang papunta sa favorite place ko. Kung sasagot lang ako, edi nagsayang lang ako ng oras at laway dahil sa kanya.

Nakarating nga kami dito. Habang naglalakad kami kanina, hindi niya ako tinantanan at kinulit-kulit pa ako. Eh pauulit-ulit lang naman ang mga tanong.

"Sus dito lang pala.", parang dismayado pa ang boses niya. Naglalakad ako para makarating sa punong favorite kong sandalan. Ito rin ang punong may portal papunta sa tagong bahagi ng kaharian. Malayu-layo din ang garden na ito sa mga buildings para lang sa hindi malaman ang sikreto ko.

"Nagrereklamo ka? Tsaka hindi naman kita pinasama eh.", pagtataray ko sa kanya.

Lumapit nga ako sa puno at sumandal. Pinikit ko na rin ang aking mga mata at pinakiramdaman ang paligid na maaliwalas at may sariwang mga hangin.

"Ikaw! Huwag kang magpapakita dito. Sa tuwing nasisilayan kita, bumabalik ang mga alaalang nasira ang kahariaan pati na din ang mga kawawang nadamay dahil sa kagagawan ng iyong ama.", tiim-bagang ang Kamahalan habang nakaupo siya sa trono niya at kaharap ako.

Umiiyak lang ako. Hindi ako makasagot. Naiinis ako. Kasi naiwan ako dito. Naiwan ako kasi wala sila. Hindi na ako binalikan. Oo nagtatago sila matagal na. Huling nakasama ko ang pamilya ko ay noong binili namin ang paaralan at ang malaking bahay. Pero hindi ko alam kung saan ang palabas ng lugar na ito. Nasa mundo ng mga tao ang ari-arian ng pamilya ko at hindi ako makalabas ng Xanada na 'to.

"Simula ngayong araw, ikaw ay hindi na pwedeng magmahal. Wala kang makakasama sa buhay mo, hindi mo mararanasan ang kaligayahan ng buhay at kapag ika'y nagmahal mamatay ka.", nakakatakot ang kamahalaan.

"Kamahalan, bakit po ako ang iyong pinarurusahan?", pinilit kong maging malakas ang loob ko para lang ma-constract ang tanong ko.

Hindi sumagot ang Kamahalan bagkus binaling niya sa ibang direksyon ang paningin niya.

Tumingin ulit si Kamahalan sa akin. Mata sa mata. "Suwail ang ama mo. Sinira niya ang lahat. Maraming namatay. Pati na ang pinakamamahal ko ay namatay dahil lang na pinili niya ang isang babaeng walang kwenta!", nagpakawala ng madaming matatalim na crystal at ang lahat ng iyon ay bumaon sa dibdib ko....sa puso ko.

"Malambot ka din pala.", napamulat ako ng aking mga mata dahil sa istorbong boses at mabilis na pinahid ang aking mga luha. Nakaupo pa sa tabi ko. Aba feeling close. Ayaw ko talaga na may nakikitang naiyak ako. I hate to show that I'm weak.

Teka? Why I am keep on remembering that heartless King?

"Why are you here?", pataray na tanong ko kay boy parking. Ano nga ulit pangalan niya? Drew? Drel? Dave? David? Dugg? Douglas? Argggh! Whatever

"Dahil gusto ko. Tsaka mas lalo kang napangit kapag naiyak ka.", nakangisi niya sabi sabay tayo at nakapamulsa pa. Naglakad na siya pabalik sa main ground.

Arggh! Pupunta lang siya para buwisitin ako?! How stupid.

Dahil sa inis ko, nagharang ako ng malaking bato at ayun, napatid siya. Napatawa na lang ako nang palihim dahil nakakainis siya at natutuwa ako kapag naaasar siya.

Ms. Heartbreaker [ON-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon