List 2

32 2 0
                                    

~Someone's POV

Pagupo ko pa lang sa table namin na magbabarkada napatitig agad ako dun sa babaeng nakapila sa harap ni mike,di ko alam kong bakit pero sobrang titig talaga ako sa kanya...

"Huy pare,gf mo ba yan?" Tanong sakin ni drake.

"Saan,sino?" Tanong ko habang nakatitig pa din sa babae.

"Yang hawak mo,ID" turo nya sa id na hawak ko.

"Saan,ah eto napulot ko to sa harap ng isang classroom dun sa Bussiness department" sabi ng tinignan ko ang mukha nung babae na nasa ID,teka,--- parang kamukha nya yung tinititigan ko kanina ah.

"Parang kamukha yan ng bestfriend ng ex ko ah"

"Weh? Alam mo number nya?" Excited kong tanong...

"Shunga,tignan mo dyan sa likod ng ID nya" sabi nya sabay kotong sakin.

"Kailangan may kotong? Sapakin kita dyan eh...Eto oh may number,maitext nga😎"

To:09*********

Hi! Ms.Klein Catarina,may bagay kang nawala pero di mo napansin,kung alam mo na kung anong bagay yun,meet me later...;)

Message sent!

Tinignan ko siya ng kinukuha niya ang cellphone nya habang umoorder.

"Huy,kanina mo pa yan tinititigan ah,crush mo ba yan,ah?" Tanong sakin ni mike...

"Crush moto,iba ang crush sa may nakuhang bagay mula sa ibang tao"

"Hindi mo ba yan ibabalik? Baka ipaframe mo na yan sa kwarto mo." Sabi nya habang tumatawa,binatukan ko nga.

"Syempre ibabalik,mamaya nga makikipagkita ako sa kanya"

"Saan? Sa CR?" Sabay tawa ng mga mokong...

"Ulol mo." Mura ko sa kanya...

"Seryoso pre san nga?" bigla naman sumeryoso mukha nya.

"Basta,wag mo na lang ako hintayin mamaya,sabihan mo si mama na may pinuntahan lang ako ah,baka iba iba na naman sabihin mo dun,lagot ka talaga sakin..."

Pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa kanya kanya naming department...

~

(Authors Note:List 2 done✔
, I'm not sure but I want to update later at midnight😉)

Sorry💔Where stories live. Discover now