"Break na tayo."Nagpatuloy ako sa pagt'type sa computer. Pilit kong hindi pinapansin ang salitang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko.
"Break na tayo."
Four hundred six na words na lang ang ang kulang matatapos ko na yung proposal na ipapasa ko bukas.
"Break na tayo– ay oy bakit ka umiiyak?" tanong na katabi ko sa cubicle.
Hinawakan ko ang pisngi ko at meron ngang luha. Tarakya, di talaga mapigilan.
Pinunasan ko ang pisngi ko at humarap sa kanya. "Napagod lang siguro mata ko sa tagal kong nakababad sa computer."
Tumango sya at bago nagsalita. "Tara pahinga ka muna, break na tayo eh."
"Break na tayo."
5 years kami, tapos kahapon– kung kailan anniversary namin– kung kailan papunta na ako sa condo nya bitbit ang balloons and cake– sya nakipag hiwalay.
"Pahinga na tayo, nakakapagod na ang relasyon na to. Tigil na natin"
Nakakatawa yung text na natanggap ko sa kanya. Akala ko isa sa mga gimik niya. Kasi 5th anniversary namin non, syempre ako inisip na baka isa lang to sa mga surprise niya. Mahilig siya sa surprise eh, mahilig siya.
Pumunta ako sa condo nya with a hopeful smile, thinking about all things that we've shared together, ang daming tumutol sa relasyon namin, isa sa dahilan 12 years ang tanda niya sakin, ang daming pagsubok na dumating samin pero nalampasan namin.
Nakailang katok na ako sa pinto ng condo nya pero wala pa ring sagot. Sinubukan kong iunlock pero hindi na iyon ang password nya. At nag-umpisa ng kumabog ang dibdib ko . . . pero masakit ang bawat kabog.
I tried texting and calling him pero walang sumasagot. Nagmessage ako sa mga accounts nya sa social media pero wala akong nakukuhang sagot, maski sa mga kaibigan niya.
Pero nanatili akong nakaupo sa labas ng pinto niya... baka kasi lalabas sya kung saan at sasabihin na "Mahal surprise happy 5th Anniversary".
Hanggang sa sumikat na ang araw. Hanggang sa isa-isa ng pumutok ang mga lobong dala ko. Hanggang sa lumapit na sakin ang janitor ng umagang iyon at sinabing, "Ay wala na pong nakatira dyan, umalis na kahapon ng umaga. Wala na po eh."
Wala na sya.
Tangina.
***
"Oh anong tinitingin-tingin mo dyan?" singhal sakin ng lalaking nakaupo sa sofa na mayroong sa benteng bote ng alak sa paligid.
Binuksan ko ang ilaw dahil pagkapasok ko ng bahay ang tanging ang t.v lang nagbibigay ilaw. Nilibot ko ang paningin ko loob ng bahay, nakatumba ang upuan, mayroong basag na baso sa paahan ng Tatay ko, ginawi ko ang tingin sa kusina at tambak ang hugasin sa lababo, at nasa ibabaw ng lamesa ang pusa namin, kumakain ng kung ano.
"Wala tayong pagkain baka naglayas din yong mga putangina na yon, idol nanay mo," sambit nya at pagkaraan ay tumawa ng malakas.
Akmang magmamano ako pero tinaboy nya lang ako.
"Pahinging pera," sabi nya at naglahad ng kamay sakin.
Bumuntong hininga ako bago sumagot, "Wala pa kasi akong sweldo, Pa. Pasensya na."
Nagmura sya bago pasuray-suray na tumayo. Lumapit sya sakin at kinuha ang bag ko.
"Pa! Wala nga akong pera," sambit ko at pinilit na hilain ang bag ko sa kanya pero tinulak nya ako at dahil malaki syang tao nabitawan ko ang bag ko at tumalsik ako sa tumbok ng bote ng alak sa sahig.
BINABASA MO ANG
Endured
Short StoryWhy am I living anyway? To suffer with all this pain called life. . . credits to : www.fpimages.com for the cover photo. Started and finished: 05-03-18