"Dahan-dahan sa pagkain mga bata," sabi ko sa kanila dahil enjoy na enjoy sila sa Spaghetti nila.
Pinunasan ko ang bibig ni Len dahil sa punong puno ito ng sauce ng Spaghetti.Tinignan ko ang mga bata sa harapan ko, at hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko.
3 taon na ang nakakalipas ng makilala ko ang mga bata na ito. Ang mga bata na dahilan kung bakit patuloy pa rin ako sa buhay. Sila ang dahilan ko kung bakit gusto ko pang mabuhay.
Both of their parents are in jail. Mga drug addicts, kaya walang naiwan sa mga bata para alagaan sila.
I looked at Aya, the oldest, pinupunasan niya ang bibig ni Mark, ang sumunod sa kanya. Ang matured nya kumpara sa edad nya. Siya ang gumawa ng paraan noon para may maipakain sya sa mga kapatid nya.
She's brave, they are all brave. Sa mura nilang edad ay nakaranas na agad sila ng pagmamalupit ng mundo. Walang magulang, hinuhusgahan ng mga tao, at umikot ang buhay sa pangangalakal ng basura.
Pero ni minsan hindi sila nagalit sa magulang nila, sa mga taong humuhusga sa kanila, o sa Diyos.
I once asked Aya kung paano nya kinakaya ang lahat. And she answered me with, "Madali lang naman eh, humanap ka lang ng dahilan kung bakit ka nabubuhay, at ako nandito para sa mga kapatid ko, para hindi sila magutom."
I adopted the four of them. Isa sila dahilan kung bakit nandito pa rin ako.
Pero natuto ako sa kanila na mas mahalin ang taong nangangailan talaga ng pagmamahal ko... at iyon ang sarili ko.
"Gusto nyo ba ng sundae?" tanong ko sa kanila at sabay-sabay silang tumango.
Hindi pa rin naging mahirap ang buhay para sa akin. It keeps on testing me kung hanggang saan ko kakayanin.
Sinawsaw ni Mark ang fries nya sa sundae nya, "Ganto kainin to ni Lolo dati, diba Paps?"
Tumango ako bilang sagot.
A year ago my dad had passed away. Lung cancer. Matagal na pala siyang meron kaka sigarilyo nya. Pero sa taon na iyon ay nagkaayos kami, we became ok. Sa mga nalalabing araw nya sa mundo alam kung naging masaya sya, at alam ko na magaan ang loob nya ng lumisan sya.
"Paps, matagal pa po ba ang iniintay natin?" tanong ni Len sakin.
"Bakit anak? Naiinip ka na?"
Umiling sya bilang sagot. "Hindi po, excited na kasi akong makilala sya eh."
Ako rin. Excited na akong makita si Mama ulit.
Tatlong buwan ang nakaraan pagkatapos ng libing ng Papa ay nagkaroon na kami ng komunikasyon ni Mama. Ito ang gusto ni Papa ang ihingi ko siya ng tawad kay Mama at nang magkasama ko ulit sya.
Nagtatrabaho si Mama sa Dubai, napagdesisyunan nya ng umuwi dahil ikakasal na siya sa boyfriend nyang mahigit ng isang taon, at nang magkasama sama na rin kami.Kumakain ng sundae ang mga bata ng nakita ko ang pamilyar na mukha sa pintuan ng Jollibee.
Hanggang balikat ang buhok nito, nakasuot ng asul na bestida, at nakangit ang mapula nitong labi. Parang hindi tumanda si Mama.
"Napakalaki mo na anak. Sobrang hindi kita nakilala." sabi ni Mama, ng makalapit sya sakin at agad akong niyakap.
Nang matapos ang yakapam namin ay pinakilala ko sa kanya ang mga anak ko.
"Ma, sila yung sinasabi ko sayo" banggit ko at isa isang tinuro ang mga anak ko. Isa isa rin niyakap ni Mama ang mga bata.
"Marami akong pasalubong sa inyo."
Tuwang tuwa ang mga bata, umalis muna ako para iorder ng pagkain ang Mama ko.
Sinong mag-aakala na darating ang panahon ito . Akala ko imposible na, na magkaayos kami ni Papa, magkita kami ni Mama, at ng magkaroon ako ng anak. Pero hindi pala, life can be cruel sometimes pero hindi lang naman isa ang meaning nito. Marami pang pwedeng mangyari hanggat nabubuhay pa.
Pabalik na ako sa pwesto namin, ng may nakaupo sa upuan ko. Nakatalikod na lalaki na nakasuot ng checkered na polo at sumbrero, malaking lalaki– remind me of some– ok erase. Siya siguro ang boyfriend ng Mama ko.
Ngumiti sa akin si Mama ng makita na papalapit na ako sa kanila, and I smiled back.
Nasa likod na ako ng boyfriend ni Mama ng nagsalita sya. "Ayan na yung anak ko, Loves"
Umupo ako sa tabi ni Mama, at nilagay ang pagkain nya sa lamesa.
Nakayuko ang lalaki sa harap ko, nagtetext yata at dahil nakasumbrero sya ang tanging naaninag ko lang ay ang labi nya.
Those lips look so familiar...
Biglang gumapang ang kaba sa dibdib ko, nanlamig bigla ang pakiramdam ko, pinagpapawisan ang palad ko— No! It can't be.
Tumingin ako kay Mama pero ngiti ang salubong nya sa akin. Hinawakan ny ang kamay ko pinisil bago magsalita. "Nak ang boyfriend ko. Si Tito Sean mo," Sambit ni Mama. "Sean si Alex, anak ko."
Tinaas na nya ang ulo nya. Nagsalubong ang mga mata namin, kapwa na namilog sa gulat. Ang ngiti sa labi nya ay unti-unting nawala.
Pakshet.. .
Bakit sya nandito?
Napansin siguro ni Mama ang mukha naming dalawa. "Ano yang mga mukha nyo. Para kayong nakakita ng multo. Magkakilala ba kayo?"
Oo naman Ma. Limang taon din kaming nagkasama.
End.
BINABASA MO ANG
Endured
Short StoryWhy am I living anyway? To suffer with all this pain called life. . . credits to : www.fpimages.com for the cover photo. Started and finished: 05-03-18