"Hey." napatingin ako sa nag salita na umupo sa table ng desk ko."What do you want?" I asked him then he laughed.
"Para namang pinapa- mukha mo sa aking lumalapit lang ako pag may kailangan." sabi niya nang naka smirk.
"Bakit, hindi ba?" tanong ko pa.
"Well, let's just say na may kailangan ako but I have an offer for you." sabi niya habang nakatingin sa akin ng mata sa mata. Okay, kaklase ko siya. But this guy was a transferee student. Bago pa lang siya pero ang dami niya kaagad na kaibigan and take note, mas marami pa yung kaibigan niyang babae kesa lalaki.
"Ano bang pinagsasabi mo? Pwede ba, we're not close." sabi ko na lang at kinuha yung bag ko para makaalis na.
"6 Months of being my fake girlfriend. 5k kada month, may 10k bonus, and sagot ko lahat ng need mo." sabi niya kaya napatigil ako at humarap sa kanya.
"Nababaliw ka na ba? Naririnig mo ba yang sinasabi mo?!" tanong ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"I heard you need some money that's why I got a job for you." seryosong sabi niya.
"What's your deal?" tanong ko pa.
"Just be my fake girlfriend and I'll pay you right away." sabi niya at kinuha ang wallet niya at naglabas ng 10k.
"Ano sa tingin mo yang ginagawa mo? Sa tingin mo ba mabibili mo lahat ng babae dahil lang sa pera?" sinamaan ko siya lalo ng tingin. He's driving me insane. Biruin mo, out of the blue, he will approached you and offering a job. He's crazy.
"Okay, my Mom is forcing me to marry some other girl na anak ng ka- business partner nila. I can't help that. Pag hindi pa daw ako nakahanap ng girlfriend, ipapa blind date daw nila ako and worst, arrange marriage." Natawa ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Sa pagkakaalam ko, hindi na uso yang ganyan.
"Nagpapatawa ka ba? Sino namang tangang maniniwala sayo?" sabi ko habang tumatawa. Tiningnan ko lang siya at nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin kaya natahimik ako.
"A-anong ginagawa mo?" tanong ko habang palapit siya ng palapit at ako naman ay paatras ng paatras.
"Pinagtatawanan mo ba ako Ms. Chloe Velasquez?" tanong niya nang maramdaman kong wala na akong maaatrasan. "I'm seriously offering you a job." bigla akong napalunok dahil ramdam ko na ang hininga niya at amoy ko na rin 'to. Ang bango lang. Amoy strawberry since he likes strawberry. (Actually narinig ko lang na favorite niya yung strawberry)
Napaisip ako bigla kung seryoso ba 'tong lalaking 'to. Nakipag titigan lang ako sa kanya. Kailangan ko rin ng pera since due date nanaman ng bill ko sa kuryente, tubig at sa tuition fee ko pa.
"I'm serious." biglang sabi niya.
"I'll take it. 15k na bonus and you need to promise." sabi ko at tinulak siya.
"Okay, 15k. Anong promise?" tanong niya.
"Vivideohan kita while promising to me na babayaran mo ako right away and ibibigay mo lahat ng needs ko since yun yung sinabi mo kanina." sabi ko pa at nginitian siya. "And oh, one more thing, promise me this..."
"What?"
"No kiss and hug. Holding hands will do and most importantly, bawal tayog ma- inlove sa isa't isa." nakatingin lang siya sa akin at bigla na lang ngumiti.
"Deal." sabi niya.
I, Chloe Velasquez, The Fake Girlfriend of Fraser Han. I'll act like his real girlfriend pero bawal kaming ma- inlove sa isa't isa.