9 pm narin nung natapos kami. Grabe sobrang saya! Super! Kanya kanyang paandar ang lahat. May nag pa spin the bottle, trip to jerusalem, news paper dance, at kung ano ano pa. Para nga kaming bumalik sa pagkabata ei! At hindi ko inexpect yun. Dahil kung tutuusin halos 16 years old na yung karamihan samin. Haha. Ang inaasahan ko nga ay may magpupuslit ng alak sakanila. Haha. Pero dahil hindi naman kami ganun ka desperadang maging mala bar tong clubhouse, hindi na sila nag abala pang gumawa ng kalokahan. Kung tutuusin may masaya pa nga yung ginawa namin. Haha. At kung hindi lang kami pinatigil ni Tita Menchie, siguro magdamag kaming naglaro. Haha.
"Bye na Cha. Happy birthday ulit." Paalam ng iba.
"Oy beks! Uuwi na kami. Happy birthday ulit!" Paalam ni Zyrah.
"Sasabay na din kami pauwi kila Xyrah, Cha. Happy birthday ulit." Sabi nila Renz at Althea.
"Oo sige. Thank you sa pag punta at sa effort nyo guys! Hindi ko talaga makakalimutan tong araw nato. Thank you, thank you. Ingat sa pag uwi." Sagot ni Chandler. Sabay beso sakanila.
"Haha. Eto naman, konting tulong lang naman yun. Etong bestfriend mo dapat ang pasalamatan mo ng sobra," natatawang baling sakin ni Althea.
"Ay ei ikaw Ems? Hindi kapa uuwi? Diba wala yung service mo? Sabay kana samin." Alok ni Zyrah.
"Umm, hindi pa ako uuwi Zy. Tutulungan ko muna sila Tita Menchie na magligpit dito. Nakakahiya nagkalat tayo. Haha." Sagot ko.
"Hindi naman na kailangan bes. Nandyan naman sila Manang Perla. Keri na nila yun." Sabat ni Chandler.
"Kakausapin ko pa kasi mama mo cha. Bakit pinapauwi mo na ba ko?!" Taas kilay kong sabi sakanya.
"Share ko lang bakit ba?" Taas kilay nya ding sabi sakin.
"Pfft! Haha. Ganon ba? Osge na, mauna na kami." Paalam ni Zyrah.
"Bye Cha, bye Ems!" Sabi nila sabay wave.
Nagwave nadin kami bago pumunta sa bahay nila.
***
Medyo marami paring tao sakanila. Maraming kotse ang nakaparada at may nag-iinuman pa. Mga friends siguro ni Tito Lucas, papa ni Chandler. Atsaka maaga pa din naman kasi.
So I decided to stay muna for a while. Atsaka kakausapin ko si Tita Menchie para magpa thank you.
Dumeretcho kami ni Chandler sa kusina dahil paniguradong nandun si tita.
At hindi nga kami nagkamali dahil nandun sya kasama yung mga maid nila nagprepare ng food. Kaya dali dali akong lumapit sakanila para tumulong.
"Tita tulungan ko na po kayo." Sabi ko sabay ngiti.
"Oh hi Ems," sabay ngiti pang sabi ni tita. "Salamat naman at dumating ka. Kailangan ko talaga ng tulong, dadalhin ko kasi to kila Tito Lucas mo. Pulutan lang. Hihi. Okay ba sayo kung ikaw yung hahawak sa ice?" Sabay nguso sakin nung bucket ng yelo.
"Yes naman tita." Sabay kuha ko dun sa yelo.
Lalabas na sana kami ni tita pero natigilan ako dahil biglang nawala si chandlerrrrrrr!!!
Aba! Ugaliin ba namang bigla bigla nalang nawawalaaaaa!! Hindi man lang nagpaalam, bastos na bak--bata. Hays
"Is there something wrong Emerald?" Nagtatakang tanong ni Tita Menchie dahilan para lingonin ko sya.
"Ahhh... wala naman po.. hehe.." pilit na ngiting sagot ko.
"Okay. So, let's go?" Tanong ni tita.
Tumango lang ako tapos nung tumalikod sya nagpalinga linga ako sa paligidddddd! Wag mokong takasan Chandler! Wala yung service kooooo!
Hindi ko na tinanong si Tita kung nakita ba nya si Chandler, baka isipin nun hinahanap hanap ko yung anak nyaaaa.
BINABASA MO ANG
Strangers with Memories
Ficção AdolescenteOnce Best Friends Now STRANGERS WITH MEMORIES.